Chapter 39

43 3 0
                                    

Landon POV

Nang makabawi na ang katawan ko sa jetlag two days ago ay here I am, kasama ko ulit si Terrence. We're having a date right now. Grabe! Natatawa na lang ako kasi kaming dalawa talaga ang nag-initiate na mag-date ngayong araw. 'Yun bang tinawagan ko si Terrence dahil mag-yayaya sana ako ng date kaso naunahan ako ng mokong.

Nandito kami ngayon sa Romance Paradise Restaurant. Dito kami unang nag-date ni Terrence. Maganda dito kasi maraming hearts na design everywhere. Talagang pang-couple ang setting ng venue at tsaka maganda rin ang ambiance ng lugar. Mas lalong nakakakilig kumbaga.

"Next week na pala uuwi si Lyndon kasama sina Mom, Dad, Kuya Lysander at Ate Leah. Mygosh! Na-miss ko na ang mga pamangkin ko.", sabi ko kay Terrence. Ang tinutukoy ko ay ang mga anak ni Ate Leah na fraternal twins.

Napangiti si Terrence.

"Sina Aaron at Ayesha. Gusto ko na silang makita ng personal. Sa video chat ko lang sila nakikita eh. 6 months old na ang mga 'yun 'di ba?", si Terrence na mukhang excited rin na makita ang kambal na anak nina Ate Leah at Kuya Aluino.

"Yeah. 6 months old na sila. At tsaka nga pala, may plano ako para kina Lyndon at Nico kapag nakabalik na dito ang kakambal ko.", sabi k okay Terrence.

"At ano naman 'yun?", na-curious na tanong ni Terrence.

Sinabi ko naman sa kanya ang plano ko at napangiti siya doon. Syempre, alam ko ang nangyayari sa buhay ni Nico. Yes, naka-deactivate sa fb ang loko-loko pero being Landon Adriven Aguilar, I have my ways to stalk other people without them knowing hahaha. This is what I called "The Landon Adriven's Way".



Matapos naming kumain sa Romance Paradise Restaurant ay nag-ikot-ikot kami ni Terrence sa buong mall. Since mahilig ako sa mga books ay doon kami dumako sa National Bookstore. Treasure talaga para sa'kin ang makakita ng mga books. Pareho kami ng hilig ng kakambal kong si Lyndon when it comes to books, novels and all kasi pareho kaming sumusulat ng mga own stories namin hehe.

"Hindi talaga naglalayo ang hilig ninyo ni Lyndon. Pareho kayong nagsusulat at nagbabasa ng mga libro. Kaya siguro mga matatalino kayo.", puri ni Terrence.

Napangiti naman ako.

"Hindi naman sa pagbabasa ng libro tatalino ang isang tao eh.", sabi ko.

Maya-maya lamang ay may kumalabit sa'kin. Paglingon ko, isa siyang Koreana na medyo may edad na. May itatanong yata siya kaso mukhang nahihirapan siyang magsalita ng English.

"Hangukeolo malhal su isseoyo, Buin (Pwede po kayong magsalita ng Korean, Ma'am.)", panimula ko.

Nagulat naman 'yung Koreana tsaka napangiti. Umusad naman siya ng pasasalamat dahil may mapagtatanungan na siya ng maayos.

"Pillipin-e gwanhan chaegeul chajgo imneunde yeogieseo chajeul ji moleugessseubnida. Jeomwonege muleo bwattneunde ihaega andoeneun geot gatayo. Jeoneun yeongeolo malhaneun geoseul jeongmal moshabnida. (Hinahanap ko 'yung libro na tungkol sa Pilipinas pero hindi ko alam kung saang banda hahanapin. Sinubukan ko nang magtanong sa isang sales clerk pero hindi niya yata ako maintindihan. Hindi pa kasi ako masyadong nakakapgsalita ng English eh.)", wika no'ng babaeng Koreana.

"Geugeoteun balo chamjo yeongyeoge issseubnida. Pillipin-e gwanhan chaegi manhi issseubnida. Jeojjog euloyo, Bu-in. (Nasa Reference Area po. Marami pong books doon na patungkol sa Philippines. Dito po ang daan, Ma'am.)", sagot ko naman at itunuro sa kanya kung nasaan ang Reference Area.

"Jeongmal kamsahamnida. Keun doumidoebnida. Kamsahamnida. (Naku! Maraming salamat po, Sir. Malaking tulong po. Salamat talaga.)", at nag-bow siya. Sa Korean Culture kasi, bowing is a sign of respect.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon