Prologue
Pabalik na akong Maynila sakay ang kotse ko nang mapansin ko na parang may itim na kotse na kanina pa sunod ng sunod sa akin. Iniliko ko ang sasakyan sa bandang kaliwa pero lalo lamang kumunot ang noo ko doon nang mapatitig ako sa rearview mirror ng sasakyan. Nakasunod pa rin sa akin ang kotse.
"Bakit ba sunod ng sunod sa akin ang kotse na 'yon?" sabi ko sa sarili ko.
Binilisan ko ang takbo ko para di ako maabutan ng sasakyan sa likod. Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang mapansin na binilisan niya rin ang takbo niya. Ano bang kailangan nito sa 'kin? Matulin ko pang pinatakbo ang sasakyan ko at nakikisingit na sa mga sasakyan para lang di ako maabutan ng nasa likod.
Hindi ko na nakita ang sasakyan sa likod ko nang makaalis ako sa bulto ng mga sasakyan. Bumagal na rin ang takbo ko. Tumingin pa ako sa likod ko para makasiguradong wala na ngang nakasunod sa akin. Masaya na akong napasinghap nang wala na nga akong nakita. Ngunit paglingon ko sa harap ay di ko naiwasan ang truck na bumangga sa akin. Umalog ang katawan ko kasabay ng pagbagok ng ulo ko sa manibela. And everything went blank.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Agad na bumungad sa akin ang puting kisame ng kuwarto. Pinalibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Mag-isa lang ako at wala akong kasama. Nakakaamoy rin ako ng mga gamot senyales na baka nasa ospital ako?
Bumangon ako at lumabas ng silid. Tumingin ako at nagpalinga-linga ako sa kanan at kaliwa hanggang sa may mamukhaan akong dalawang tao na nakaupo sa waiting shed malapit lang sa kuwarto ko. Si Mommy at Daddy!
Nakangiti ko silang tinungo nang bigla silang tumayo. Lalapitan ko sana sila at sasalubungan ng yakap nang bigla akong tumagos sa katawan nila. Huh? Anong nangyari?! Lumapit ulit ako sa kanila at akmang yayakapin si mommy nang biglang tumagos na naman ang katawan ko sa kanila! What?! Ano bang nangyayari?
Lumapit ako sa harapan nila at ngumiti.
"Hi Mommy!" sabi ko at tumingin sa kabila. "...Daddy!"
Tumingin si Daddy kay Mommy. "Ma, mabuti pa umuwi ka na. Ako na muna ang magbabantay kay Krystal dito. Kailangan mo na ring magpahinga. Maghapon kang nagbantay sa kanya," ani ni Dad.
Tipid na ngumiti si Mommy pagkatapos ay umiling iling.
"Ayos lang ako, Pa... Hindi ko iiwan ng mag-isa dito ang anak natin."
"Iiwan? Ma! Nandito ako, oh! Hindi niyo ba ako nakikita?" sabi ko at pilit silang hinahawakan.
Tumalikod sila at umalis sa harapan ko.
"Ma! Pa! Saan kayo pupunta?" sigaw ko.
"Ma! P--"
"Huwag ka nang sumigaw. Hindi ka nila maririnig."
Natigilan ako nang may magsalita bigla sa paligid. Lumingon ako sa likod at nakita ko ang lalaking nakapamulsa at nakatingin sa akin.
"Who are you? At ano yung sinabi mo?" kuryosong tanong ko.
He shrugged. "What happened to you? Car accident ba?"
Kumunot ang noo ko sa kanya. Inalala ko ang nangyari sa akin sa nagdaang araw. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala na nagmamaneho ako ng sasakyan pauwi pagkatapos ay may busina ng sasakyan akong narinig. What does that mean? That I've been into a car accident?!
Akma akong magsasalita nang may biglang dumaang tao sa harapan ko at parang hangin lang ako na tumagos sa kanya.
"A-Ano 'yon?!" tanong ko sa lalaking nakalapit ngayon sa akin.
BINABASA MO ANG
Guide my Soul (COMPLETED)
Fiksi UmumKrystal Del Rosario is ready to have a beautiful and happy life because she will getting to be married in no time. Not until one accident happened. Ang aksidente niyang iyon ang naging dahilan kung bakit siya naging kaluluwa. She doesn't believe she...