(otor's nowt: Dedicated sa kanya kasi sobraaaaaaaaaaaaaaaaang.. wala lang trip ko lang haha enjoy)
Nandito kami sa garden ng hotel. Ang ganda talaga dito. Pero di ko pa rin alam kung bakit ako ang isinama nya at kung bakit parang biglaan naman. Nakakaloka ang lolo nyo. Bigla biglang nasusungit.
“Hoy Jose, bakit mo nga kasi ako isinama dito?” nagbabakasakali akong sagutin nya eh. Hahaha
“Kung gusto mong malaman, mamaya antayin mo. Masasagot yang tanong mo” aba’t! inirapan pa ko! Bakla yata to eh!
Pero balik tayo sa kagandahan nung lugar. Ang ganda talaga. Yung damo, parang ang sarap higaan. Di kasi ito yung mga damong ligaw. May maliit na entablado sa harapan kung saan ay isang lalaking may hawak ng mic at ineenganyo nya yung mga bisita. Kumbaga parang clown na walang make-up hahaha. Tapos may isang parte na nandun lahat ng pagkain. Tapos may mga lamesa at upuan na may ballot ng tela. Naupo kami ni Jose. Kami ay nasa gilid sa kanan sa tabi ng halaman at mejo gitnang parte ng party venue. Venue daw to sabi ni Jose habang tinatanong ko kanina.
“Mabuti naman at dinala mo si Inday dito.” Teka… Pamilyar yung boses nun ah. Lumingon ako sa bandang likod. Doon ko kasi nanggaling yung boses. Paglingon ko di ko kaagad maaninag kung sino yun. Teka…. Parang si Lolo Boss yun ah! Waaaaaaaaaaaah!! Namiss ko tong matandang toh!
“You requested----” Di na natuloy nung papa ni Jose yung sasabihin nya.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaah!! Lolo Boss! Namiss kita!” sabi ko sabay yakap sa kanya. Wapoys ang lola nyo. Di manlang inisip na nakadress sya.
“Haha namiss din kita Inday. Wait. Bakit Lolo Boss ang tawag mo sakin?” natatawang tanong nya. Turingan naming nyan parang mag-ama na. haha pero di nya alam na lolo boss tawag ko sa kanya. Ano ba naman yan sa sobrang pagkasabik ko nasabi ko yun ng walang preno! Pano ko to papaliwanag?
“Uy! Kuya! Tawag mo daw po ako sabi nila?” Sabi ko habang nakaturo sa waiter na may hawak na alak. Napalingon naman ito na may halong pagtataka. Mejo malayo ito. Kaya lumapit ako ng kaunti. Ayos! Nakaiwas na ko kay Lolo Boss!
“Ma’am?”
“Ay! Hindi po ba? Akala ko po tawag nyo ko hehe. Sige kuya alis na ko!” pagkatapos ko sabihin yon deretso alis na ko. Di ko alam kung saan ako dinala ng paa ko. Basta napadpad ako sa tahimik na part ng Garden. Ang lawak kasi nitong Venue nila. Naupo ako sa damuhan at sumandal sa pader. Nagsimula na kong magsalita sa isip habang nagegesture yung mga kamay ko kung anong laman ng isip ko.
‘Waaaaaaaaaaaaah!! Nakakahiya kanina, ano ba yung ginawa kong yon?’ yung mukha ko habang sinasabi ko sa isip ko yan ay parang natataeng naiiyak. LBM kumbaga.
‘Waaaaaaaaaaaaah!! Dapat ako sumigaw! Andaming nakarinig sakin.’ Habang sinasabi ko to sa isip ay yung kamay ko naman ay nakahawak sa pader. Parang walling ni Ryzza.
‘Pinagtitinginan ako kanina. Kyaaaah! Alam ko naman na maganda ako pero bakit yung tingin nila kakaiba.’ Tinakpan ko yung mukha ko gamit yung dalawa kong kamay sabay iiling-iling
‘Ang panget ko ba kanina?’ hinahawakan ko yung pisngi ko habang sinasabi ko yan sa isip
‘Baka naman ngayon lang sila nakakita ng tao?’
“Uhmm…. Miss? Anong ginagawa mo? Okay ka lang ba?” napahinto yung mukha ko sa pagdadrama nung narinig ko si kuya janitor.
“Ha? Anong ginagawa ko? Oo nga. Anong nga bang ginagawa ko kuya?” paktay! Nakakahiya, may nakakita nanaman sa kagagahan ko. Oh lupa! Kainin mo na ko!
BINABASA MO ANG
Inday Wanders!
RandomStorya ito ni Inday at ang kanyang wonderful katangahan. Namasukang syang katulong. Dahil sa clumsy at bobita si Inday ay di maialis na lagi syang pinagtitripan ni Joe Reyes. Ito ay istorya ng malokong buhay nila... Leave comments... tanging hiling...