16

930 35 0
                                    

Matapos ang insidenteng yun sa pagitan namin ni Zion, iniwasan ko na talagang mag krus ang landas namin kahit na imposible dahil nasa iisang lugar at academy lang kami.
Nasasaktan talaga ako sa nangyari sa akin hindi ko akalaing magagawa niya yun sa akin. Nasasaktan ako sa isiping napagkamalan niya akong maduming babae.
Ayaw kong ipaalam kahit kanino ang nangyari sa akin dahil wala akong lakas ng loob.


Gusto ko siyang kamuhian sa ginawa niya sa akin.

"Apo, pakihatid nga to sa dining area."
Inabot ni lola sa akin ang isang mangkok.
Nag atubili akong abutin pero inabot ko na lang.
i sighed heavily, bakit ba kung ano pa ang siyang iniiwasan yun pa talaga ang mangyayari.
I composed myself. Bahala na.

Dahan-dahan akong naglakad dahil masakit pa rin yung alam niyo na. Kahit obviuos na nanginginig ako at pinagpawisan ng malamig.
Naabutan ko silang dalawa lang ng headmistress ang kumakain, wala si Lance.
Napaurong ako sa paglalakad ng makita kong mataman niya akong pinagmasdan.
Mariin siyang nakatitig sakin.
Mas lalo tuloy akong kinabahan na halos dinig ko na ang sarili kong heartbeat sa lakas.

Pinilit kong patatagin ang sarili kahit paika-ika akong naglakad palapit sa mahabang lamesa para ilagay ang mangkok na puno ng sabaw.
Buti na lang nailagay ko ito ng maayos kahit medyo may kunting sabaw na natapon dahil sa panginginig ng kamay ko.
Nag bow muna ako bago tumalikod para umalis ng masulyapan ko siya na mataman pa ring nakatitig sakin kaya nagmamadali na akong naglakad paalis pero nakasalubong ko naman si Lance na nakangiti sakin. Magulo pa ang buhok nito na halatang kagigising pa lang.

" Hey. Good morning".
Magiliw nitong wika sakin kaya pilit kong pinasigla ng tinig.

"Good morning din".
Sagot ko at medyo nag bow sa kanya tanda ng paggalang dahil nandiyan ang headmistress baka kung ano pa ang masasabi bago ako nagmamadaling umalis na.









*******************

Samantala, tahimik lang na kumakain si Zion pero ng nakita niya si Ava nawalan na siya ng gana dahil naalala niya ang nangyari kagabi. May kumirot sa puso niya ng nakita ang takot sa mga mata ni Ava na nakatingin sa kanya. He felt strange he should not feel this, not with an ordinary human.
What happened last night is mistake. He's just carried away. He is very furious last night seeing Ava with Lance almost2 midnight in his room.
Galit na galit siya. Gusto niyang manakit kaya nagawa niya yun.
Ano ba talaga nangyari sa kanya??? Mismo siya hindi niya na alam ang sarili.










•••••••••••••••••••••••••••••




Sa ibang dako naman kahit mukhang nilalagnat si Ava tinuloy niya pa rin ang plano ngayong araw. Hinanda na niya ang mga gamit na kailanganin niyang dalhin papuntang Cerberu. Ngayong araw na kasi niya gustong pumunta dun para kumuha ng halamang Henbane upang masimulan na niya ang experimento kahit mag isa lang. Wala din naman siyang mapapala kay Zion lalo na ngayong may nangyari sa kanila. Ayaw niyang pagtawanan siya nito. Nakakasakit lang kasi.

Nagpaalam siyang pupuntahan niya ang kaklase niya na ka grupo di umano niya kahit wala naman para di mag alala ang matanda.

"Mag ingat ka apo, saka umuwi ka ng maaga ha dapat alas sais nandito ka na".
Bilin nito sa kanya. Alanganin naman siyang tumango sa matanda.

Sinungaling ka Ava.
Kastigo niya s sarili.

Nagpahatid siya sa driver sa Academy at mula doon dadaan siya sa Mystic forest sa likod ng Academy ng walang nakakapansin. Matataas kasi ang pader na bumabakod sa Academy kaya walang makakita sa kanya na dumaan sa gilid nito. Hinintay muna niya na mawala sa paningin niya ang sasakyan na naghatid sa kanya bago naglakad papasok ng kagubatan.

ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon