Favor
"Babe, gising ka na, miss na miss na kita" Bulong ko kay Inigo at hinaplos ang kanyang mga kamay.
Bente kwatro oras na ay hindi pa rin nagigising si Inigo. Nanghihina ako sa bawat pagpatak ng oras ay hindi pa siya nagigising, nanlulumo ako sa kinatatayuan tuwing nakikita siyang nakahiga sa hospital bed at walang malay.
Lunes ngayon at hindi ako pumasok, hindi naman ako babagsak kung a-absent ako ng isang araw at isa pa kailangan ako ni Inigo dahil kasalanan ko ang nangyari.
Ang sabi sa akin ni Papa ay ako raw dapat ang babarilin kaso nga dahil masyadong gentleman si Inigo ay siya ang tinamaan ng bala na dapat ay para sa'kin.
Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang nangyari, dapat ay pinauwi ko na siya tulad ng nasa isip ko noong gabing 'yon.
Bumukas ang pinto ng private room ni Inigo at pumasok doon si Tito Isaac at Tita Martina na pinabantayan muna sa akin si Inigo dahil namili ng pagkain.
"Magandang tanghali po" Bati ko. Si Tita ay bumati pabalik sa akin at si Tito ay tumango lang.
Binaba muna nila ang mga pinamili bago bumaling sa akin si Tito.
"Maari ba tayong mag-usap, Elle?" Tanong ni Tita. Kinakabahan akong ngumiti.
"Opo naman, Tito" Kinagat ko ang aking labi at lumabas ng kwarto.
Bumuntong hininga si Tito Isaac pagsara niya ng pintuan at dismayadong bumaling sa akin.
"Ang sabi ng doctor ay kailangan pa raw ulit operahan si Inigo dahil sa masyadong napuruan at malalim ang tama ng bala sa kaniya at naisipan namin ni Martina na sa America na ipagpatuloy ang operasyon at ang kanyang pag-aaral" Gumuho ang mundo ko sa sinabi ng Ama ni Inigo.
"S-sa America p-po?" Nauutal kong tanong at nagbabadya ang mga luha sa aking mga mata.
"Oo, hija. Pasensya na pero kailangan para sa mas mabilis na paggaling ng aming anak" Aniya na nakukunsensya sa sinabi.
"Pasensya na rin kung sasabihin kong dapat muna kayong maghiwalay ni Inigo, alam nating hindi makakatulong sa kanyang recovery kung may problema kayo sa relasyon" Tumango sa akin si Tito. Ibig sabihin ay alam nila na hindi kami maayos ni Inigo?
"Inigo has been a very kind and loving boyfriend to you, he has been so caring and considerate to you, I hope this favor won't hurt you that much. This is for his own good Elle, I hope you understand" Ani pa Tito.
I wiped my tears and sobbed. Ayaw kong magmukhang iyakin sa harap ng ama niya kaya pinigilan ko ang pagtangis hanggat kaya ko.
Lumabas si Tita Martina ng kwarto at ngumiti sa akin, tumango si Tito Isaac at pumasok na muli sa loob.
"Hija" Malungkot na ngiti sa akin ni Tita at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Alam kong naging mabuti ka rin kay Inigo, lagi ka niyang nakukwento sa akin na napakabait at napakaganda mo raw talaga na dalaga" Panimula ni Tita at pinaupo ako sa isang row chair sa gilid ng kwarto.
"Wala siyang ni isang masamang katangian mo na nabanggit sa akin, lagi ka rin niyang binibida sa mga kamag anak namin na taliwas noong sila pa ni Mara... alam ko ang mga ginawang kagagahan ni Mara sa anak ko at hindi ko mapapalampas 'yon kaya nga hinayaan kong maging kayo kahit labag sa aking kalooban" Natigil ako sa pag-iyak dahil sa mga sinabi ni Tita.
BINABASA MO ANG
Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)
RomanceMay mga taong kailangan bitawan dahil may mga pangarap na hindi puwedeng iwan. Love is a powerful word and it conquers all. Be that as it may, loving is not a choice but leaving is. Hindi man hinayaan ni Chantelle na maging handlang ang kaniyang pro...