Chapter 4

3 0 0
                                    

"Oh wala pa din?" Tanong ni Donna habang naglalapag ng pagkain sa table referring to Ian.

Nagkibit balikat lang ako at patuloy na kumakain.

"Hala edi ba kanina pa yun?" Tanong ni Belle na back to mirror and powder again.

Napailing  nalang ako.

Tumango lang ako at patuloy na kumain.

Narinig ko ang pagtawa ni Fairen at umakbay sakin.

"Nakuuuu hindi lang nasilayan si Enzo nanahimik ka na?" Pangungulit nya sakin.

Pero hindi ko pinansin at kumain nalang.

"Weh? Pati pala si Enzo nag ghost?" Tanong ni Franco na kakaupo lang.

Nagkibit balikat lang ako, kinakain ng malalim na pag iisip.

"Anyways, what happened yesterday? Chez?" Tanong ni Donna na kumakain na din.

"Oo nga pala, buti nalang naihatid namin ni Franco yung bag mo kung hindi, d ka makakapasok ng VU " kuwento ni Fairen na kinakain na ang pangatlo nyang burger kahit puno pa ang bibig.

"Ahm wala si  Ate Cher lang nalulungkot sa bahay" kuwento ko habang pinaglalaruan ng tinidor ang natitirang beans sa plates ko.

"Kumusta na pala si Ate Cher?" Tanong ni Belle.

Tiningnan ko sya at nagpopowder pa din.

"Hmmm...she's recovering little by little" binaling ko ang paningin ko ss labas ng bintana kung san tanaw ang malawak na field, damuhan at puno sa labas.

"Grabe naman kasi yung pinagdaanan ni ate cher" singit ni Franco.

Natahimik kaming lahat at nag kany kanyang subo ng pagkain.

"Mama...mama...mama" sunod sunod ang patak ng luha kong di ko mapigilan tila pinpiga ang puso ko habang pulit ulit na inaalala ang muka ni mama.

Malamig ang simoy ng gabi at balot na balot ako ng kumot ko habang nakayakap sa stitch na regalo sakin ni mama.

"Ma-ma...ba-lik k-ka na ma-ma." nauutal utal ko pang sabi dahil sa hindi ko mapigilang paghikbi.

Sa mura kong edad, nakaramdam ako ng sobrang sakit, pakiramdam ko iniwan ako ng buong mundo ng iwan ako ni mama.

Hindi ko alam kung san sya pupunta basta ang natatandaan ko lang yung huling gabi na magkasama kami nakatitig sa kumikislap na mga bituin sa kalangitan.

Pagkagising ko ay dalawang matandang lalaki at babae ang sumundo sakin at dinala ako dito sa malaking mansyon.

"Mama ko" paulit ulit kong sabi hinihiling na balikan ako ni mama.

"May, tatlong araw na hindi pa sya kumakain" dinig kong boses ng isang babae.

Wala akong ibang narinig kundi isang buntong  hininga.

Naramdaman ko nalang ang paglubog ng kama at ang marahan na paghawak sa balikat ko.

"Chez?, Bunso? " isang malambing na boses ang tumawag sakin.

Pero patuloy pa din ang paghikbi ko.

"Hey, I have cupcakes here" marahang yugyog sakin ng babaeng may malambing na boses.

"Ta-laga" hihikbi hikbi kong tanong.

Narinig ko pa ang mahina nyang pagtawa, para syang angel.

"Yes do you want some bunso?" Tanong nya pa sakin.

Unti-unti kong tinanggal ang kumot ko at sinalubong ako ng isang babaeng nakangiti sakin na may hawak hawak na plate na may cupcake na pink.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Night LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon