Part 2 Chapter 01

297 6 4
                                    

10 yrs ago..

Continuation..

(A/N: eto na po yung continuation ng nasa chapter 1 and 2. Present days. Basahin nyo na lang ulit dun tinatamad na ko magtype hahahah basta yung huling part is yung sa restaurant kung san hinaras ni baby Migo si Denise. Daldal ko bye.)

Denise POV

"Denise.. Balita ko may nagtangkang manrape sayo kagabi" alalang sabi ni Josh. "grabe uunahan nya pa ko sayo!"

Binatukan ko sya. Siraulong yun. Haha matagal kasi syang nagpaparamdam sakin pero di ko sya type. Alam mo yung nerdy sya na lalampa lampa hahaha. Kasi nung muntik na kami mahold-up dati. Iniwan nya ko at nauna pa sakin tumakbo. Nakakaloka.

"siraulo ka. Ang OA mo?!" nakapamewang na sabi ko.

"Pero sa totoo lang, hindi ako nakatulog kakaisip sa lalaking yun. Pinablotter ko na sya at lagi na din akong may dalang pepper spray" sabi ko.

"Gusto mo ba ihatid na lang kita lagi pauwi" si TK. Isa sya sa pinakaclose ko dito sa office.

"oo nga bitch.. Bakit di ka na lang pahatid kay TK?" si Yoj. Isa sa mga bitches kong friend.

"ayoko bitch Baka malaman pa ni Zic. Magalit sya sakin"

"hay naku bitch.. Walang kwenta naman yung boyfriend mo na yun. Boyfriend mo ba talaga yun?" si Zendee. Ang tsismosa nya noh?

Pasensya na b*tch talaga ang tawagan namin.

"hindi.."

"oh hindi mo pala boyfriend eh akin na lang chosss" si Sam na bakla.

Oo. Hindi ko naman boyfriend si Zic. Hindi ko nga alam kung ano kami eh. Kasi never naman nya sinabing kami. Nag-aantay lang naman ako haha.

Ampogi kasi nya at sobrang bait sakin. Pati sa pamilya ko. Sya ba naman sumasagot ng pampagamot ng kapatid ko. Oh di ba? Ambait nya.

Yun nga lang bihira ko lang sya makita.
Ewan ko ba? 10 taon na kaming magkaibigan pero parang di ko pa din sya kilala. Hindi ko nga alam kung san talaga sya nakatira eh.

"ahh basta gusto ko si Zic. At napakabait nya sakin. At mahal nya ko" kahit feeling ko parang batang kapatid lang tingin nya sakin.

"edi ikaw na ang mahal.."

"mga bitch, narinig nyo ba yung balita? Ngayon darating yung bago nating boss? Yung anak ni sir Davis hayyy bakit kaya dito sa floor natin sya mag office?" si Sam.

"oo kakauwi lang daw nun galing America. Sya na daw mangangasiwa dito. Haysss balita ko suplado daw" si Yoj. Ang tsismosa kong bff.

"nakakatakot naman, bawal na tuloy manood ng Tulfo while working" sabi ko.

"wala nang kdrama huhu"

Guysssss
Andito na yung anak ni Sir Davis. I welcome nyo. Bilis..
Si Sir Monti.. Baklang manager namin.

Hala. Agad agad andyan na.
Nagtayuan kami lahat at nag-abang sa pagdating nito.

Sana mabait sya saming mga empleyado nya. Nakakatamad pa naman magtrabaho pag toxic ang kasama.

May pumasok na isang matangkad na lalaki at maganda ang pangangatawan. Makapal ang kilay at napakatalim ng mga tingin nito. Matangos ang ilong at ..


Tumingin ito sakin. Napakaseryoso ng mukha at hindi ngumingiti.


T..teka..


P..parang pamilyar..

How to unlove you (Part1 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon