"Ma!" paghanap ko kay mama sa buong bahay. 6:00am na kaya alam kong malelate ako sa klase ko pag di ako nagpaalam na gamitin sasakyan ko. last day na ng exam namin kaya lalakasan ko na loob ko. and besides, di naman ako mag mamaneho ng lasing, nagmamadali nga lang.
"Ano yon?!" sagot ni mama. nasa likod bahay pala siya, nag aayos ng orchids niya.
"Ma, malelate na po ako. exams namin ngayong 7:00 am kaya paalam ko sana gamitin yung sasakyan ko ngayong araw. promise hindi na ako mabubunggo, paputol ko pa isang daliri ko." pag sisigurado ko sakanya. pucha 6:15 am, 45 minutes nalang na pag drive waaaah pumayag ka na please.
"Papayag ako kung magpapaalam ka sa papa mo." sagot niya habang nag aayos ng mga halaman niya.
"Ma, alam mo naman na hindi papayag yon. sige ka mababagsak ako pag di ako naka exam, gusto mo yon? hindi magiging arkitekto ang anak mo tapos tambay lang ako sa bahay tapos magagalit kayo sakin kase di ako nakapag tapos tapos tapos---"
"sige na nga! wag ka lang pahalata sa papa mo. bilis na habang naliligo pa siya!" sambit ni mama kaya tumakbo agad ako papasok sa kwarto para kunin ang susi ng sasakyan ko't tinulak nalang yung kotse palabas ng garahe para hindi marinig ni papa ang pag andar ng sasakyan. ayaw niya naman pala ako maging tambay lang sa bahay! hmmp. papagawan ko pa sila ng bahay kaya nag susumikap akong makapag tapos at maging isang ganap na arkitekto at freelance mosiko. nice yun!
Hindi lang naman talaga dahil sa malelate ako, may balak akong pagdalhan kay Alianna. Sigurado ako magugustuhan niya yon.
"Bro, na answeran mo ba yung number 10 sa Mathematics in the Modern World?" alalang tanong ni Laurenz.
"bakit? hindi mo alam ang sagot? yan kase imbis na i-aral mo eh busy ka makipag-chat kay---" di na natapos ni Gabriel ang sinasabi niya dahil tinakpan ni laurenz ang bibig niya.
"Sino bro?" tanong ko kay laurenz. biglang bumilis tibok ng puso ko. anyare?
"Ah wala jp, friend ko lang from other school. wag mo nalang pansinin yung sinabi ni Gabriel nako gawa-gawa istorya" at binatukan ni Laurenz si Gabriel.
"Uhm, osige. okay. Oo na answeran ko yung number 10 don. sagot ko.
"hindi naman mahirap yung exams ah? nahirapan kayo?" mayabang na tanong ni Francis.
"aba apakayabang naman neto! akala mo naman hindi humingi ng kodigo sakin. nagmamaka awa pa si gago mababagsak daw siya" bara ni Gabriel kaya tiningnan siya ni Francis ng matalim habang naka kagat sa ibabang labi, parang manununtok na ewan.
BINABASA MO ANG
Chasing Stars
RomanceSaksi si bathala sa mga pinag daanan ko sa buhay. Oo, maraming bagay ang sumagi sa utak ko pero hindi ko ginawa dahil alam ko na lahat na masamang nangyayari sa buhay ko eh may kapalit na masaya't hindi malilimutan na alaala. I can be the strongest...