Kabanata 19

1.3K 49 0
                                    


"Wag mo kong kausapin! Nagtatampo ako sayo."



"Arte nito! Sasabihin ko naman talaga sayo e, naunahan lang ako mag kwento ni mama."



"Hello! Its been weeks my gosh! Kahit sa text di mo manlang masabi saakin na nagkita na kayo?! Tapos nagkabalikan pa? Marupok!"



"Sorry na nga. Bawi ako nalang ako. Dinner date tayo mamaya."



"Okay! Forgiven."



Pagkain lang talaga katapat nitong babae na to e. Masama ang loob niya dahil hindi manlang ako nakapag kwento sakanya about sa mga happenings ng buhay ko this past few weeks. Kesyo nag Singapore lang siya saglit, pag uwi niya nakipag balikan na daw ako sa ex ko.



So ayun, kumalma na siya nung marinig na babawi ako sakanya. Tatahi-tahimik lang yan ngayun pero maya maya tatadtarin na ako niyan ng tanong.



Bukas start na ng klase. Last sem ko na to sa school. Ito na din yung pinakamahirap talaga.



Naglalagay ako ng mga damit sa maleta nang maramdaman kong nag vibrate ang phone kong nasa bulsa ng short ko.



Chinitong lamig is calling...



Hindi pa rin pala siya nag papalit ng number. I was so sad back then na mareject ulit after nung incident between me and him (na hindi naman pala siya kundi kambal niya) nung sa school isang araw bago ang graduation. Since then, I didnt call or even reach him through text.



"Hey! Good morning."



"Good morning. Im already near your house. Im with my twin."



"Okay! See yah in a bit. Aabangan ko na kayo sa may gate."



"See you, Babe."



Call ended...



Habang pababa sa hagdan ay siyang pag suklay ko ng aking buhok gamit ang mga daliri ko.



"Tara sa labas." Pagyayaya ko kay Cleya nang madaan ko siyang nanunuod ng Girl from nowhere sa sala.



"Ayaw ko."



"Okay.  Ako nalang mag aabang kila Ice."



"Ice?! Totoo nga? Baka umaasa ka lang nanaman gaya nung birthday mo ha!"



"Baliw, hindi. Tumawag kanina, malapit na daw."



"Oh! May bumubusina, baka siya na yan."



Mas nauna pa siyang lumabas kesa saakin.  Baka siya talaga yung girlfriend, ano? Paglabas ko sa gate ay siyang pag baba din ng nasa drivers seat.

"Ice! Oh, akala ko ba pilay ka?" Tanong ni Cleya.



Hindi siya pinansin nito at deretso sa kabila para buksan at alalayan ang bababa sa shotgun seat.



Gulat na gulat ang itsura ni Cleya ng makita kung sino ng bumaba doon.



"Hi Cleya!" Bati sakanya ni Ice.



"Akala ko ba napilay lang to Xie? Bakit nag times two to?!"



"Hahaha boba! Kambal niya yan."



Ngumiti si Ice saaming dalawa habang si Snow ay seryoso pa rin ang itsura.
Lumapit saakin si Cleya at saka bumulong.



"Xie, akin nalang yung isa."



Sasagot pa sana ako sakanya ng marinig ko ang sigaw ni mama galing sa loob, sabi ay papasukin na namin ang bisita.



"Opo ma!" Sigaw ko pabalik."Ah, lets go inside."



Hinayaan na ako ni Snow na Alalayan si Ice dahil dala niya rin ang isang mukhang mabigat na bag. Samantalang si Cleya ay hindi maalis alis ang malagkit na tingin dito.



"Im so happy to see you. I missed you a lot."



"Nung isang araw lang tayo nagkita. Pero, na miss din kita."



"Uy sweet sila. Sana all." Panira talaga ng moment tong bababeng to.



Sa kusina na kami dumeretso dahil nakahanda naman na ang mga pagkain para sa pananghalian.



"Ay jusko! Hijo, napano ka? Bakit nakasaklay kana ngayon? Ang tagal nating hindi nagkita ha."



"Naaksidente po Tita. Oo nga po, ang tagal na nung huli nating pagkikita na miss ko po kayo."



"Namiss din kita Hijo, pero mas sobrang namiss ka nitong si Xie."



"Ma!" Walang bukingan.



"Totoo naman. Oh! Sino itong kamukhang kamukha mo, ay talaga namang napakagwapo."



Lumapit si Snow kay Mama at saka nag mano.



"I am snow. Twin brother po ni Ice. Nice meeting you po, ah, Ma'am."



"Ano ka ba. Tita nalang at ganun din ang tawag saakin nitong kambal mo. Halina kayo rito sa hapag habang mainit pa ang mga pagkain."



Masayang nag kwentuhan ang lahat sa hapag. Si Mama puro tanong sa kambal kaya hindi ako makasingit. Si Cleya naman ang lagkit pa rin ng tingin kay Snow. Kulang nalang sunggaban niya na e.



"Tita." Tawag ni Ice kay Mama.



"Bakit hijo?"



"Sorry po. Sa nangyari saamin ni Xie.."



"Hayaan mo na yun anak. Hindi mo naman sinadya hindi ba? Ang importante ay ngayon, masaya na siya ulit. Masaya na kayo pareho."



"Salamat sa pag unawa, Tita."



Tuloy lang ang kwentuhan hanggang sa matapos kumain ang lahat. Binalikan ni Snow ang bag nila sa sala at saka bumalik saamin, sa kusina.



Gamot pala ang laman non.



"Here, bro. Mom will kill me if you wont take this properly, in time."



"Thanks."



Ang cute nilang tingnan. Ang sweet. Kami din naman ni Kuya, kaso madalas talagang busy yun.



Dala dala ko ang pinggan at saka tumayo para ipunta yon sa lababo ng makaramdam ako ng pagkahilo. Nabitawan ko iyon ng umikot ng sobra ang paningin ko.



Huli kong narinig ang tunog ng pagkabasag at mga malabong sigaw bago ako nawalan ng malay.








____________________
Happy reading!

ICE GUILLERMO [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon