Alas kwatro na ng madaling araw nang nakarating si Macario sa boundary ng Caragao at Padrino. At tama nga ang hinala niya, may checkpoint pa sa Padrino bago makalabas. Apat ang nakaduty noong mga oras na yon. Pinagbukas ng mga sundalo ang kanyang compartment na agad naman niya itong sinunod. Binigay niya na rin ang kanyang ID sa mga ito noong hiningi sa kanya.
Gabutil ang mga pawis na tumutulo sa kanyang noo na agad naman niyang pinapahiran ng panyo, para hindi siya mahalata ng sundalong nakabantay sakanya habang ang dalawa naman ay nag-iinspection.
"Magandang gabi po. Saan po ang punta ninyo, Sir, sa ganitong oras?" Bati ng sundalo.
"Ah...may seminar po kasi bukas ang sister-company ng pinagtatrabauhan ko, at ako po ang naatasang umattend. Ayokong maipit sa traffic kaya ngayon na lang ako bumyahe." Sagot naman ni Macario bago kunin ang ID niya sa sundalong nagtanong.
Ilang saglit pa, ay sinarado na ng sundalong nag-iinspection ang compartment. Sinenyasan nito ang kanyang kasama na padaanin na ito
"Sige, Sir. Mag-iingat po kayo."
"Sige, po. Maraming salamat." Tugon naman ni Macario sa sundalo.
At ganoon nalang ang pasasalamat ni Macario dahil sa hindi mahigpit na checkpoint. Nakahinga naman siya nang maluwag dahil tuluyan na siyang nakatawid papuntang Caragao nang walang aberya.
----------
6:30 am
"Pasensya na, hindi ako nakapag-paalam. Biglaan kasi ang pagtawag ni Boss sa pagpapapunta sa akin sa business trip. Siguro tatagal ako ng isang linggo." Itong sulat ang nagsilbing pagbati ni Macario kay Helen sa umaga.
"Nako, Mac-Mac. Siguraduhin mong hindi mo na naman ako bibigyan ng sakit sa ulo." Bulong pa nito habang nakaupo sa kanyang kama.
Lumabas na siya ng kwarto at naabutan niya si Xandra na hinahanda na ang kanilang almusal sa lamesa.
"Good morning po, Ma'am." Bati nito sa kanya.
"Good morning. Saan na si Andre?" Tanong ni Helen.
"Nagbibihis na po."
Umupo na siya at sinumulang kumain malalim ang iniisip habang sinusubo ang bagong saing na kanin dahil sa biglaang pag-alis ni Macario. Dinagdagan pa nito ang pagtataka niya sa mga kinilos ng asawa noong nakaraan,kaya hindi niya maalis-alis ang pangangamba. Kutob niya ay nagdadahilan lang itong muli at tila may tinatago sa kanila.
"Xandra? Napansin mo bang umalis yung Sir mo kagabi?" Tanong pa niya pa kay Xandra na noo'y nasa kusina at hinuhugasan ang mga pinaglutuan.
"Hindi po, Ma'am. Wala na po yung sasakyan nu'ng nagsimula akong magwalis sa labas. Baka maaga siyang pinapasok sa trabaho." Sagot naman ng dalaga sa kanya.
Nagtataka man, ay pinili niya nalang na ipagkibit-balikat yon. Tutal, hindi naman niya masisisi ang asawa sa mga kinikilos nito buhat nga ng nangyari sa kanilang anak.
----------
"Wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Sabihin mo na sa amin ang totoo para magiging maayos na ang lahat para sa ating pareho. Wag kang mag-alala, kapag mag-salita ka, hinding-hindi naming hahayaan na may magpapatahimik sayo." Pangungumbinsi pa ni Lim sa nakaposas na si Ton-Ton.
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Детектив / ТриллерSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...