“HAPPY BIRTHDAY EUNYKA!”
Napayuko ako dahil sa surprise ng mga kaklase ko sakin. May pa confetti pa silang pinasabog, my tarpaulin pa silang hawak.. na sa tingin ko ay nilagyan talaga nila ng effort dahil subrang ganda nito.
Lahat ng mga kaklase ko ay nasa gitna ng room. Wala mang teachers pero happy na ako, dahil na surprise talaga ako sa ginawa nila.
“Salamat guys... Thank you so much.” maluha luhang sabi ko.
Lumapit naman si Calia sakin at niyakap ako.
“Happy birthday Nyka..” bulong niya na kinangiti ko.
“Happy monthsary din sainyo.” I whispered.
Calia chuckled at tumingin sa mga kaklase namin. Ngumingiti ang mga kaklase ko sakin at niyakap ako isa isa. Buti nalang wala silang itlog na pinalo sa ulo ko kagaya nung last year, ang sakit kaya. Feeling ko mabibiyak ang skull ko.
“I'm already twenty-one, kaya walang birthday party na mangyayari..” I smiled to them. “But... Magbabar tayong lahat mamaya. Ready na ang bar na pina close ko pa para sainyo, so dapat magready na din kayo... And! Ako bahala sa lahat ng drinks niyo!”
Nagkasiyahan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ko. Kitang kita ko ang saya sa mga mukha nila.. lalo na ang mga boys, tsk, maglalandian lang naman sila doon.
“Dabest ka talaga Eunyka!”
“Thank you Eunyka.. dabest ka talaga!”
“Oh! Linisin niyo na ang kalat niyo!” I shouted.
Tumawa naman sila at kumuha ng walis tambo. Napangiti ako. Third year college na kami, accountant ang course namin.. kaya dapat lang magsaya kami no! Stress kaya ang school.
Medicine naman ang kinuha ni Kurt because he wants to be a doctor. At ako naman, gusto kong maging architect. Gusto kong magpalit ng course pero.. for sure akong hindi papayag si mommy.
Last subject na namin mamaya kaya I'm so excited na talaga. Ilang araw na akong hindi umiinom, so dapat lang. Marami akong iinumin mamaya.
“Maganda ba?” tanong ni Calia while smiling at me. Tinaas niya din ang bag na kulay pink, ang bag na pinakita ni Kurt sakin kagabi.
“Yeah..it's so cute, just like you.” I answered.
Yumuko ako at kumain ng hamburger na nasa harap ko.
“Binili mo yan Calia!? Ang cute!” dinig kong sabi ng isa sa mga kaklase kong babae.
Kumakain kami here sa cafeteria ng mga kaklase ko. Magkaharap kaming dalawa ni Calia, hamburger din ang order niya dahil nga twins kaming dalawa.
“Hindi..bigay sakin.” mahinang sagot niya.
Tumingin siya sakin kaya ngumiti ako sakanya. Hindi talaga siya marunong magsinungaling.
“Sino? Uy.. may secret admirer na siya.” tukso ng mga kaklase ko sakanya.
Ngumiti siya at umiling. “Secret.”
Palihim akong tumawa dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kong bakit walang alam ang mga kaklase ko about sa boyfriend ni Calia. Duh! Nagkiss na kaya sila inside ng cafeteria. Alam ko namang nakikita ng ibang mga kaklase ko iyon, pero.. bakit parang wala silang alam sa relationship status nila Kurt at Calia?
Umuwi ako sa condo unit ng mag-isa. Wala akong nadatnan na Kurt doon, for sure nagpapractice pa iyon.
Humiga ako sa sofa, 4:39pm palang naman and 7:00pm kami pupunta mamaya sa bar. Nanonood ako ng movie sa Netflix, pero wala doon ang atensiyon ko. Busy ako sa pag-oonline shopping, birthday ko naman kaya okay lang.
BINABASA MO ANG
Secretly Married
General FictionThis story is available on Dreame! Meron akong maraming dinagdag sa bawat chapters, kikiligin ka lalo, and meron akong special chapter na ginagawa para rito. Thank youuu for supporting me to reach my goals. I love youu guys so much💖