HINDI NAMIN ALAM KUNG ANO ang sasabihin namin ni Jane. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita namin kanina sinundan pa na nahuli kaming dalawa. Nagsimulang maglakad ang babae palapit sa amin kaya mas lalo pa kaming nangamba. Hinawakan ni Jane ang kamay ko. Her hand was cold and shaking.
Ako naman ay ngumiti kahit na nanginginig ang aking mga binti ngunit hindi ko ito pinahalata.
"Hi, malapit na magsimula ang class," panimula niya sa kalmadong boses. Nakangiti pa rin kami ni Jane sa kaniya, hindi pinapahalata ang takot at pangamba na aming nararamdaman.
Tiningnan niya ang wrist watch niya.
"Patapos na ang break. Anong ginagawa niyo dito?" tanong niya. Nakangiti siya at kalmado lang ang kaniyang boses.
"Ah, e. We were just strolling around. Gusto lang namin mag unwind dahil sa sobrang stress kami lately." Tumango siya matapos ko iyon sabihin.
"Kanina pa ba kayo dito?" Now her tone was mixed with seriousness tho the gentle tone was still there. She was still smiling and looking at us directly. Seemed like she was waiting for a wrong move that we will do.
Kinalma ko ang aking sarili at magsasalita na sana nang inunahan na ako ni Jane.
"No, napadaan lang kami dito. Pabalik na kasi kami sa classroom namin then we heard something kaya we decided to check it then it turned out na nandito ka pala." Bahagya akong nagulat dahil sa tuloy-tuloy na pagsabi noon ni Jane. I mean, walang halong pangamba. Just her usual semi-maldita tone.
"Ah ganoon ba?"
Tumango naman ako at ngumiti. Nangangalay na ang labi ko kakangiti.
"Pabalik na rin ako sa classroom namin, sabay na tayo?" Nagkatinginan naman kami ni Jane matapos iyon sabihin ng babae.
"Yeah, sure," tugon ko na nakangiti pa rin.
"Let me introduce myself. I am Angel Phyrcht. Angel na lang."
"I am Jane."
"Name is Rain."
"Great! I'm glad to meet you then." Nagsingitian lang kaming tatlo at maya-maya ay tumawa nang bahagya.
"O siya, mukhang kailangan na nating bumalik baka malate pa tayo," sabi ni Angel kaya nagsimula na kaming maglakad pabalik.
Tahimik lang kaming naglalakad. Nakasunod kaming dalawa ni Jane kay Angel. Nagsitinginan kaming dalawa at maya-maya ay tumango. Mukhang pareho kaming iniisip.
Tumikhim muna ako bago magsalita.
"Uhm, ano. Angel?" panimula ko. Lumingon naman siya kaagad na nakangiti.
"Dadaan muna kami ni Jane sa library, may naiwan akong gamit doon eh." Natatawang sabi ko.
"Ganoon ba? Sige, ayos lang." Maglalakad na sana kami sa direksyon papuntang library nang biglang dumating si kuya. Hingal na hingal ito na para bang kakagaling lang sa pagtakbo ng ilang kilometro.
"Kanina pa kita hinahanap apoy! Saan ka ba kasi nagpupunta?" bungad ni kuta na kaagad naman siniko ni Angel. Napatingin naman si kuya sa amin. Nagsilakihan ang kaniyang mga mata ng makita niya ako.
"Rain?" nagtatakang tanong niya.
"Yo," walang ganang sagot ko.
Papalit-palit ang tingin niya sa amin ni Angel na parang tanga. Eh kasi naman, nakabuka ang kaniyang bibig with matching turo-turo pa ng kaniyang index finger at saka nagsilakihan din ang kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Gifted
FantasyA gift that can deteriorate another gift is impossible. But some impossible things are bound to be possible. Rain Travis is a young lady who wants to live a simple and normal life. Not until the day when a strange dream appeared on her sleep and th...