Pasan pa din ni Ibe ang mabigat na pagsisisi sa aksidenteng nangyari kay Pipe na siya ang puno't dulo.
Upang mapagaan at maibsan ng kakaunti ang nararamamdaman, magiit siyang nagboluntaryo na bantayan ang walang malay ngunit hindi kanais-nais ang nangyari.
KAGABI
Pagpasok pa lang ni Ibe sa pinto ay binato na siya ng magkakaibigan ng nananaksak na titig subalit hindi ito naging dahilan upang mapa-urong siya sa kaniyang tunay na pakay.
"Uhmm..." nakayuko, hinihimas ang batok at kumukuha ng magandang tiyempo, "Pwede bang...ako nalang muna magbantay kay Pipe?" malumanay na pagkukusang-loob ni Ibe.
"Wow nalang!" ngumisi, "After what you did? Sa tingen mo papayagan ka namin?" iniripan ni Micah ang kausap. "Kapal mo!" pabulong na sinabi habang nakatanaw sa bintana.
"Baka sa susunod, hindi nalang ganyan ang mangyari. Baka tuluyan mo nang patayin kaibigan namin. Kaya alis!" Tumayo at itunuro ang labas.
"Just go home! Maglaro ka nalang ng bahay-bahayan sa house mo." mapanuyang pangungusap, "Tutal isip-bata ka naman." bulong ni Micah sa hangin ngunit sasapat na marinig ni Ibe.
Hindi mawari ni Ibe kung anong mararamdaman at iaaakto niya. Magagalit ba dahil sa pagtataboy nila o mahihiya dahil nararapat lamang ito sa kaniya.
I deserved this!
Tumalikod ito, tinanggap ang mga paratang at naglakad papalabas ng silid.
KASALUKUYAN
Bagaman nakakaramdam si Pipe ng taos na pagsisisi, pumasok pa rin ito sa Unibersidad upang mabawasan kahit papaano ang pag-iisip at pag-aalala kay Pipe. Isa pa, hindi din nais na makita ng magkakaibigan ang pagmumukha—ni anino, tila mandin. Kaya mas minabuti na lamang niyang manatili sa paaralan kung saan malayo-layo sa kanila.
"Men? Are you okay?" pambungad na alalang tanong galing sa kakarating lang na si Isak kasama ang kambal.
Nakasandal lamang si Ibe sa higanteng puno na nasa sulok ng napakalawak na school ground kung saan sila madalas nagpapalipas ng oras at nagpapahingang magka-kaibigan.
Tila bingi at pipi ang kaniyang inusisa dahil hindi ito sumasagot sa kaniyang tanong at para bagang lumilipad ang kaniyang isipan habang nakatanaw sa kawalan.
"Okay ka lang ba?" itinutok ng kambal ang mga bibig sa magkabilang tenga ni Ibe na nakabasag sa kaniyang mahabang paglalakbay sa isipan.
Sa halip na mainis ito sa kahalawhawan ng dalawa, tinignan niya lang ang mga ito at pinakitaan ng dagliaang munsik na ngiti.
"Dapat kasi sinabi mo nalang na tayong apat yung may gawa ng prank. Para hindi lang ikaw ang sumalo sa lahat ng problema." mungkahi ni Isak.
"Oo nga!" tango-tangong pagsang-ayon ng kambal.
Napangiti ng kapiranggut si Ibe, "Thank you, men." tinapik ang balikat ng tatlo, "Ako lang naman talaga promotor ng mga pranks na ginagawa natin, di'ba? Sinasama ko lang kayo. Kaya...kung may sisisihin man sa lahat ng nangyari, ako—ako lang. Labas na kayo doon."
"Per—"
"This will be the last. I swear, hindi ko na kayo isasama dahil wala ng susunod." pagsambad sa isinasaad ni Isak, "Kung alam ko lang talaga na mangyayari lahat ng 'to." nagpakawala ng saganang buntong-hininga si Ibe at sumunod na humiga sa damuhan, sa ilalim ng puno ng acacia na siyang tumatakip sa liwanag at nakakasilaw na sinag ng araw.
Lumipas ang isang linggo, hindi pa din gumigising si Pipe. Nakahilata pa rin at nakapinid ang mga mata.
Bagaman ayaw makita ng magkakaibigan si Ibe, naghanap ito ng pagkakataon upang makadalaw kay Pipe ng saktong walang nagbabantay dito. Sa madaling salita, patagong dalaw.
BINABASA MO ANG
I Need Your I Love You (BL Story)
RomancePipe Barbadensis, a freshy student of GMU who thought that his life would be better and had a certain, implicit and brighter future ahead if he entered this University. Unluckily, how wrong he was. His life was serenely peaceful not until Ibe Galde...