Episode 7

200 26 14
                                    

A/N: Hindi mo maiintindihan ang isang sitwasyon kung isang side lang ang pinaniniwalaan mo.

Enjoy reading.

Episode Title:

"Veronica Speedwell"


Mitch's POV

Pilit kong iminulat ang mga mata ko. Halos hindi ko maiyukom ang mga kamay ko sa labis na panghihina.

What the heck happened last night? Paano ako nakauwi ng buhay gayo't halos dumugin ako ng mga guards ni Tim. Sumasakit ang ulo ko tuwing inaalala ang mga mapangahas nilang kamay na lumalakbay sa iba't-ibang parte ng aking katawan. Tanging sipa at kagat lamang ang naiambag ko para mailigtas ang sarili.

The rest... was a closed case. Kaya ganoon na lamang pagtataka ko kung paano ako nakauwi dito sa bahay.

I suddenly remember the video I posted last night. I knew about consequences, the bomb exploded and now, it's beyond my control.

Kinalap ko ang phone sa higaan. Low-batt pa ito kaya naman naisipan ko munang i-charged. Nahilo ako sa pagtayo, kaya naman inalalayan ko ang sarili sa konkreto.

Sinuyod ko ang tingin sa salamin. Tila ba pinamahayan ng mga ibon ang buhok kong nakapako sa iba't-ibang direksyon. Parang may bombang sumabog sa ulo ko. Sira na rin ang kaliwang strap ng dress ko.

Ngunit naiwan ang mga mata ko sa pinaka-ibabang parte ng aking katawan. Paano nagkasugat-sugat ang palad sa paanan ko? I checked my ankles by twisting it down pero nagsisi ako ng maramdaman ko ang pinaghalong sakit at ngalay. I bited my lower lip. Pakiramdam ko isang ikot na lang hihiwalay na ang mga buto ko sa paa.

Gaano ba kalayo ang tinakbo ko kagabi? Hindi ko na talaga maalala. Ang dami kong tanong pero kahit anong pilit kong alalahanin ay wala pa ring rumirehistro ni isang ideya.

Kalaunan ay nagdesisyon akong tumayo. I looked at the clock dumbfoundedly.

"Shit, late na ako."

Agad akong pumanhik ng banyo kahit na medyo ika-ika akong maglakad. Pinangako ko nga pala kay Nick na papasok ako ngayong araw. That guy will teased me again.

Hindi ko na naitali ng maayos ang necktie ko pagbaba ko sa kusina. Pinuno ko ang aking bibig ng sandwich at bacon. Napabagal lang ang aking pagnguya dahil sa isang matang nakatingin.

Tinaasan ko ng kilay ang isang yaya na kung makatitig ay tila hinuhusgaan ang paraan ng pagkain ko. Napaatras ito at sumulyap sa ibang direksyon.

Don't judge a person who's getting beaten and brutally followed by goons! I stabbed the bacon with all my might. Pinanggigilan ko ito na animo'y si Tim ang nakikita ko.

Later then, I heard a sudden vibration inside my pocket.

'Hide lady or you gonna get killed.'

'Run for your life. It's gonna be hell.'

Pathetic assholes. These anonymous people sending me death threats are just so full of fuckery. Really? Sa tingin nila matatakot nila ako dyan? If they think they can kill me, well let me tell you, I'm the daughter of Lucifer. Baka salubungin ko pa sila impyerno.

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon