Sapphire's POV
"Apo bilisan mo na diyan baka dumating na si Zee!"sigaw ni lolo mula sa ibaba.
"Ayay captain, sandali na lang po"sigaw ko pabalik pero magalang pa din baka bigla nalang may lumabas na poisonous veins dito at sakalin ang maganda kong leeg.
So hi I'm Fleur Sapphire Crimton, 20 yrs old and the most beautiful creature sa planetang earth, charot! Hehe so ayun nga I'm a plant manipulator I'm 12 years old noong namaster ko ang ability kong ito. Tanda ko pa nung isang beses na pinilit kong palaguin ang lahat ng puno sa kagubatan nung 7 yrs old ako para dumami agad ang bunga nagkapalpak-palpak kasi imbes na lumago bumalik lahat sa pagiging binhi kaya ayun naimbyerna ang taong bayan sa akin kasi pati mga palay nadamay buti na lang at naibalik ni Lolo sa dati pero pinarusahan niya ako. Ako lang naman ang pinadilig niya sa buong garden niya for 2 weeks kaya di ko na talaga inulit ang kalokohan kong yun pero di nagtagal tinuruan niya rin akong kontrolin ng tama ang kapangyarihan ko actually sa kanya ko namana ang ability kong ito.
About my parents they are both dead na si papa namatay nung minsang napasabak sila sa laban para depensahan ang siyudad namin nasa sinapupunan pa ako nun ng aking mudra but nung pinanganak niya ako di niya kineri kaya si lolo nalang nagalaga sa akin at dahil sa nangyari kay mama I'm thinking na wag nalang din magkaanak masakit kasi talaga yun pero my healing magic naman ako kaya keri naman siguro.
Speaking of healing magic bukod sa kakayahan kong magpahilom ng sugat may isa pa akong healing magic the enchancing magic. Lolo said that this is the most powerful healing magic of all kasi hindi lang nito kayang paghilumin ang sugat mo it can also bring back the energy na nawala sa iyo. Kung paano ko nalaman? Dahil yun kay lola Helga kapatid siya ni Lolo may kakayahan siyang malaman kung ano ang taglay na mahika ng isang individual.
Pero dahil wala naman kaming kakilalang may ganitong magic since 1% ng total 100% ng buong siyudad lang ang meron nito. Ginawa kong araw ang gabi para magreview at magipon para makapasok sa Elemagica ang school kung saan matuturuan ka kung paano magamit ng tama ang mga special abilities mo yun nga lang kung wala kang pera di ka makakapag-aral dito......noon. Pero ngayon may chance na makapag-aral ka dito kahit medyo salat ka sa buhay may dalawang way una magustuhan nila ang magic mo at pangalawa ay ang makapasa ka sa exam na ibibigay nila pero pinili ko ang exam nalang mahirap na baka di sila makuntento sa ipapakita kong kapangyarihan at sabi ni Lola Helga delikado daw kung ipapaalam sa lahat ang tungkol sa ability ko dahil maaaring malagay ako sa panganib kaya ayun. And luckily nakapasa ako kaya ngayon nagaayos na ako kasi bukas simula na ng klase.
Now I'm staring my reflection in the mirror pinagmamasdan kung gaano ako kaganda, char. Pero maganda naman talaga ako I have a very black hair and a pair of hazel eyes maputi ako pero pang pinoy lang and also matangkad din 5'7 ako eh. Inayos kong muli ang damit ko at mga gamit karamihan sa mga ito ay green dahil may color coding doon.
Forest - green
Fire - red or maroon
Land - yellow or brown
Sound - violet
Air - pink
Water - blue
Metal - gray
Electricity - orange
Ice - white
Mind - blackAyan ang color coding ng school well di naman need na naka all over ka basta kailangan nakasuot ka ng ganyang kulay para malaman ng lahat kung saang strand or elemental ka belong.
"Fleur Sapphire Crimton! Ano ba't sabi ko bumaba ka na!"iritang sigaw muli ni Lolo kaya halos mapatalon ako agad kong kinuha ang maleta at sling bag ko at agad na bumaba.
"Bakit ba ang kupad mong kumilos bata ka?"kunot noong tanong ni Lolo. Kahit matanda na ay di maipagkakailang magandang lalaki ito 50 years old na siya ngunit malaki pa rin ang pangangatawan may ilang puti na sa buhok sa ulo at mukha ngunit bumagay ito sa kanya.
"Sorry naman po syempre nagpapaganda ako para unang pasok pa lang sa school na yun ma catch na agad ng mukhang ito ang mga atensyon nila"sagot ko habang nakatingin sa kawalan at hawak ang mukha ko at biglang nalang ako napa aray.
"Lolo naman bakit niyo naman po ginawa yun? Ang sakit kaya"reklamo ko dahil sa pagbatok niya sa akin ang sakit kaya ang lapad pa naman ng palad niya.
"Eh ikaw kasi kebata-bata mo ay kerengkeng ka na! Hoy Sapphire ipapaalala ko lang ha, magaaral ka sa eskwelahan na iyon para mahasa ang mahika mo hindi para bumukaka at magpaganda sa mga lalaki doon!"sermon niya habang ako naghihimas ng ulo ko at nakapout ang sakit kasi.
"Lo, alam ko naman po iyon pero hindi na po ako bata 20 yrs old na me pero syempre uunahin ko ang powers ko para mas mapakinabangan ko"sabi ko dito habang naupo kami sa hapag para makapagalmusal na.
"Mabuti naman at alam mo. Pero kung sakaling mahanap mo ang pagibig doon ay wala namang problema sa akin basta agad na sasabihin sa akin ha? Nang makilatis ko"napangiti naman ako sa sinabi niya kaya tumayo ako at niyakap siya.
"Thank you lolo ah lagi kang ganyan lagi mong iniisip ang kapakanan ko, hayaan niyo gagalingan ko at magsisikap ako para di masayang ang pagod na'tin sa pagtatrabaho para sa perang dadalhin ko ngayon. Pagbalik ko gaganda na ang buhay na'tin promise ko po yan"malambing na sabi ko dito at gumanti naman ito ng yakap.
"Basta lagi mong tatandaan lahat ng bilin ko ah lagi kang magiingat and think wisely before you make a move and decisions okay?"tumango naman ako sa kanya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Mamimiss po kita"naluluhang sabi ko.
"Hays magkikita naman tayo eh oo mamimiss din kita pero diba every month may two days naman na pwede kayong lumabas ng academy? Oh edi yun susulitin na'tin yun kapag nagpunta ka dito kaya tahan na"saad niya habang hinihimas ang buhok at likod ko.
Nagsimula na kaming kumain dalawa at hindi mawawala diyan ang tawanan namin hanggang sa may umalingawngaw na boses sa buong bahay.
"What's up magandang morning sayo my beautiful bessy at sayo din po lolo yummy!"masiglang bati ni Zee ang best friend kong beki pero hindi siya cross dresser he's belongs to electricity elemental. He has super speed at kaya niya din gamitin ang kuryente bilang panlaban. Gwapo sana ito eh kung hindi lang naging fairy he's tall 5'9 siya at maputi din hindi kalakihan ang katawan pero yummy din may pa four packs abs si bakla.
"Alam mo ikaw ang ingay mo eh noh ang tahimik naming nagaalmusal dito eh"pagtataray ko dito at nagpout pa ang loko.
"Apo wag ka namang ganyan"saway ni Lolo.
"Oo nga po lolo yummy oh niaaway niya ako"parang batang sumbong niya sabay lapit kay lolo.
"Huy wag ka nga pati naman Lolo ko bibiktimahin mo"makahulugang saad ko dito may crush kasi siya sa lolo ko eh Lalo na nung mga bata pa kami.
"Grabe ka naman sa akin bes"saad niya.
"Hay tama na nga yan, Zee iho maupo ka nalang dito samahan mo kaming kumain"saad ni Lolo at sumunod nalang si Zee at muling napuno kami ng tawanan hanggang sa matapos kaming kumain at oras na para umalis kami.
"Lo magiingat kayo dito ah kakain kayo sa tamang oras at yung mga gamot ninyo baka lagi niyo nalang kaligtaan wag kayong ganun"bilin ko dito.
"Oo naman apo ikaw talaga. Kayo din ah wag kayong magpapakapagod masyado at-"di ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil agad ko siyang niyakap ng mahigpit at tumugon naman siya.
"Lagi kayong magiingat ah"lumuluhang sabi ko sa kanya at tumango naman ito sa akin.
"Sige na lumakad na kayo para marating niyo agad ang school ninyo. Always remember what I teach you ha"sabi niya nang kumalas kami sa yakap tumango naman ako at muli siyang niyakap ng mahigpit.
"Zee, alagaan mo ang kaibigan mong ito ah at magiingat kayo doon"baling ni Lolo kay Zee sabay akbay dito.
"Ay ako na pong bahala loka loka po ako pero di ako papayag na may manakit diyan sa bessy ko"natouch naman ako sa sinabi ni Zee.
"O siya sige na"saad ni Lolo at muli akong niyakap. At tuluyan na kaming sumakay ng taxi ni at habang nawawala sa paningin ko si Lolo lalong dumarami ang pagpatak ng luha ko.
BINABASA MO ANG
Elemagica School of ten Elements
FantastikSapphire is a girl who belongs into nature and forest elemental she can heal wounds and manipulate plants but besides of this ability she's carrying the one of the most powerful healing magic in their world. But her beloved grandfather can't manage...