Danreb's P.O.V
Naglalakad parin ako pababa kahit hirap na hirap na ako, nanghihina ako, ang bigat ng katawan ko pero kailangan kong magpatuloy maglakad baka makita pa ako ni Freya dito.
Hindi pa din tumitigil ang pagbuhos ng luha sa mata ko. Hindi ko siya mapigilan, parang may sarili siyang buhay kaya patuloy ang pagtulo nito.
Dahil sa sakit ng nararamdaman ko ngayon at sobrang preoccupied ko ngayon dahil sa muli kong nakita ang pinakamamahal kong si Freya.
Yumuko ako habang naglalakad kasi madami akong taong nakakasalubong na paakyat rin.
Sakto naman sa tapat ng tindahang pinagtanungan ko ay kinausap ako ulit nung tindera na pinatanungan ko kanina.
"Oh, hijo? Ang bilis mong bumaba ah? Nakarating ka man lan--... Sandali, okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong nito sakin.
"Ah... O-opo, okay...lang ak-ako..." Pati ang pagsasalita ay hirap akong gawin.
"Sigurado ka? Ano ulit pangalan mo?" Tanong nito sakin.
"D-danreb po... Danreb Olivar Mcsaint..." Sabi ko dito at patuloy pa rin sa pag-iyak.
Ano ba tong luha na to? Bat ayaw tumigil. Tama na!!
"Ah, Danreb. Baka gusto mo magpalipas muna dito. Mukhang 'di ka okay 'e" Pagyayaya ng Tindera sakin.
Tumangi naman ako nag pasalamat sa alok nito at nagpatuloy na ulit na naglakad.
Para akong tanga na umiiyak habang hila hila pa ang maleta ko. Nakikita ko na ang kalsada sa unahan ko. Kaya nagpatuloy akong maglakad.
Naglalakad ako ng dahan-dahan dahil pagod na ako at gusto ng bumigay ng katawan ko dahil nanghihina na ako. Pero iniisip ko parin si Freya.
At bilang nag ring ang phone ko kaya agad ko 'tong kinuha at tinginan kung sino yung tumawag.
Nag flash sa screen ng phone ko na si Jaime ang tumatawag.
Jaime Calling
+639*********
Agad ko naman itong sinagot.
"Danreb? Where are you now?" Bungad sakin ni Jaime sa telepono.
"I'm still in Albay... Why?" Sinusubukan kong wag ipaalam kay Jaime na umiiyak ako dahil alam kong magagalit nanaman yun at magtatanong ng dahilan.
"So when will you going back here?" He asked.
Napaisip ako, ngayon na ba agad? Handa na ba akong umuwi at bumalik sa buhay ko?
Habang nag-iisip, may agad na pumasok sa utak ko.
"Uhm, Jaime. Alam mo diba yung lock password ng condo unit ko? The one where I used to hang out alone." I asked. Sana naman alam niya.
"Yeah, why? May ipapagawa ka ba?" Sagot naman ni Jaime.
"Ganito kasi yun, yung lock password ko at ng vault ko sa condo is same so pwede ba paki-check yung vault ko na yun at pakikuha yung mga laman non?" Sana pumayag siya para matahimik na ako.
"Okay okay. Pero wait, ano ba laman non?" Tanong niya.
"Mga papeles at songs that I've composed on my own." Sagot ko.
"Anong klaseng mga papeles? Pero bat ba ako pa gagawa? Hindi ka pa ba uuwi?" Pangungulit na tanong ni Jaime.
Alam ko na mangyayari tong mga tanungan na to.
"Iilan dyan e title at yung isa dyan is yung last will and testaments--..." Pinutol niya ako sa pagsasalita.
"Sandali sandali. Bakit ka may pa-last will? Aber?" Pang-iintriga ni Jaime.
BINABASA MO ANG
Memories Afterall (BoyxBoy)
Novela JuvenilMaibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakatanga ng ilang beses para masabi mong, "Tama na, pagod na ako."? Muli pa bang pagtatagpuin ng tadhana...