New Friends

19 3 0
                                    

Sapphire's POV

Nagising ako dahil sa mahihinang tapik na naramdaman ko sa aking ulo. Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang mukha ng best friend ko.

"Ay sorry nakatulog ako, ahmm kanina pa ba tayo nandito?"sabi ko habang inaayos ang buhok ko.

"Kakarating lang na'tin 3 oras din ang biyahe at dahil crying lady on green ang drama mo nakatulog ka na diyan"sabi niya habang nagaabot ng bayad tsaka kami lumabas at kinuha ang mga maleta namin sa storage ng taxi.

"Pasensya na ah"ngumiti lang siya sa akin bilang tugon at sabay naming tinitigan ang malaking gate na nasa harapan namin sa taas nito ay may nakasulat na 'Elemagica' na sigurado akong gawa sa ginto ang bawat letra kung pwede ko lang kunin yan naku tiba tiba kami ni Lolo nito pero balang araw makukuha ko din isa sa mga yan.

"Bessy ang laki pala ng school na ito at ang layo kaya pala iilan lang ang taxi na pumapayag na maghatid dito. Imagine nasa taas pa ito ng bundok? Kaloka! Pero in fairness ang ganda"saad niya na ikinatango ko lang totoo naman kasi nakatayo ang school sa taas ng bundok na katabi ng malawak na karagatan eh kung di mo nga alam aakalain mong palasyo ito at hindi paaralan eh. Habang tinititigan ang labas ng paaralan nagulat kami ng bigla nalang nagbukas ang malaking gate.

"Ay sus ginoo nabuang na! Hay kaloka bakit bigla bigla namang nabukas yan kung pinto ng cr ng boys sana ang biglang nagbukas eh edi ang saya"mataray na sabi ko kaya nakatikim ako ng pitik sa kaibigan ko.

"Aray!"reklamo ko.

"Eh ikaw kasi eh gaga ka mamaya may makarinig sayo sahihin kababae mong tao apaka libog mo!"taas kilay niyang sabi tsaka pumasok nalang kami.

Pagkapasok agad naming inilibot ang aming mga mata dahil sa ganda ng aming nakikita tila nasa ibang mundo na kami dahil puno ito ng sariwang hangin at malalagong puno pero di kami nakaligtas sa mga matang nakapaligid. May mga tinging 'sino ba yan?' at may mga tingin naman na 'wow sino sila?'.

"Ang ganda naman niya"

"Oh em gee may mga transfere ulit"

"Ang cute nung guy"

"Shet ang gwapo niya"

"Ang hot nung chic"

"Ang ganda ni ate ghorl"

"Hala sila ba? Pero in fairness bagay sila!"halos mabilaokan naman ako kahit walang kinakain sa huling narinig ko like duh! Hotdog din po ang hanap ng gwapong lalaking ito allergic siya sa tahong at mani noh.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad dahil kailangan naming magtungo sa HM office dahil ngayon lang din ibibigay ang aming schedule at dorm number at key. Maya-maya narating na namin ito hindi na kami nahirapan maghanap dahil nakapunta na kami dito dati nung kumuha kami ng exam.

"Ikaw na kumatok"maawtoridad na utos ko na agad namang sinunod ni Zee. Kumatok siya ng tatlong beses.

"Come in"rinig naming saad ng nasa loob.

"Good afternoon Mr. Liquor"bati namin ni Zee.

"Good morning din sa inyo Mr. Indora and Ms. Crimton have a sit"saad niya kaya naupo kami sa dalawang upuan sa harap ng table niya.

"Here's your schedules and ito naman ang susi ng magiging dorm ninyo"saad niya sabay abot sa amin ng tig isang paper at gold key na tinanggap naman namin.

"I hope both of you enjoy your staying and studying here"ngiting sabi niya kaya lalo siyang gumwapo and yes gwapo itong si Mr. Liquor matipuno ang pangangatawan I think he's mid 40s pero malakas pa din ang dating.

Elemagica School of ten ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon