Chapter Twenty

47 12 0
                                    


Dedicated to @Goshimcute.

[Chapter 20 - Sorry Parekoy]

Phobie's POV







Nag kwentuhan kami ni Tita Jelai after noon ay bumaba kami kasama si Jenny para kumain. Malakas parin ang bagyo buti nalang malaki at matibay ang mansyon nila, kaya parang walang bagyo dito sa loob.

Nag aalala narin ako sa pamilya ko sa Capiz. Hindi pa naman matibay ang bahay namin doon pero alam kong lumisan naman sila sa ligtas na lugar. I know they're all okay! napapanatag na ako. Nag text narin ako kay Lola at okay lang naman daw s'ya. Gano'n rin si Jing at Drake Lester. Buti nalang may load pa ako.

Nang nasa dining na kami ay nahanda ng ang lahat ng mga maids. Narito narin si Tito at Charles saka si Natalie na ngayon ay magkatabi sila. Para namang linta si Natalie kung makadikit kay Charles.

*Pout*

“Tara.....” Sabi ni Tita at pinaupo si Jenny na takot parin hanggang ngayon. Tumabi naman ako kay Jenny.

"Baby Girl kain kana, bagyo lang yan kaya don't be scared. Matibay naman itong mansyon'yo, gawa ata ito sa ginto" Naka ngiting sabi ko sa kan'ya para mabawasan ng takot n'ya.

" T-Talaga ate? hindi po nila ako kakainin?" Takot na tanong nito. Natawa ako

"Of course, Hindi naman nangangain ang bagyo." Sabi ko. Napa ngiti naman s'ya at tumango pero alam kung takot parin s'ya dahil sa mga kinikilos n'ya.

"Hey! Phobie stop talking we're eating. Respect the food." Narinig kong sabi ni Natalie kaya napatingin ako sa kan'ya. Inirapan n'ya ako at tumingin pa s'ya kay Tito. Napabuntong hininga naman si Tita, I heard it dahil katabi ko s'ya.

"Phobie." May pagbabanta na sabi ni Tito. Kumain nalang ako dahil natatakot ako sa kaniya. Hindi ko naman alam na bawal palang magsalita kapag kumakain sila dito. Hindi narin ako tumitingin kay Kamahalan dahil alam kong magagalit lang si Tito sakin at baka madamay pa si Charles.

NANG natapos kaming kumain ay nagyaya si Natalie na manood ng movie, kaya na pasunod nalang din ako sa kanila. Naiilang din ako kasi kasama namin si Tito at Tita. Si Jenny naman ay nasa room n'ya at natutulog na.

"Dad I want this..... Walking dead!" Masayang sabi ni Natalie. Napangiwi nalang ako dahil sa cover palang ay nakakatakot na. I am scared of cource!

"Wait! Are you sure Natalie?" Malamig  na tanong ni Charles sa kaniya. Napa tango naman s'ya at napa tingin sakin. What that look?

"Sure." Sabi ni Tito at ayon nilagay na n'ya sa dvd.

"Tita...... c-cr muna ako." Takot na sabi ko. Natatakot talaga ako sa movie na ito kasi may zombie.

"Sige iha, hmm Charles samahan mong mag Cr ang iyong Nobya, alam kong hindi niya alam kung saan at baka maligaw pa s'ya." sabi ni Tita at tumingin kay Charles. Napatayo naman si Charles at tumango kay tita. Kinakabahan ako!

"Wait! kayong dalawa? what the heck! No mom! sasama din ako." Sigaw ni Natalie. Sadly but she's really a bitch.

"Natalie is right honey, hindi puwedeng magsama ang dalawang iyan ng wala si Natalie." galit na sabi ni Tito Gino. haytsss

"Tskkkk! Fine" sang ayon ni Tita at tumingin sakin alam kung gusto n'ya lang na mag kasama kami ni Charles dahil naniniwala s'ya na girlfriend talaga ako ng step son n'ya. Hindi ko naman makitaan ng emosyon si Charles. Damn I miss him!

That Childish Girl Is My SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon