[Chapter 32 - Love's never fade]
Phobie's POV
"Bespren, Salamat sa lahat dahil tinuring mo akong tunay na kaibigan." Ngiting sabi kay Jing at niyakap s'ya. Mag kasama kami ngayon ni Jing at Parekoy. Matagal tagal narin kasi na hindi kami nag uusap kaya binigyan ko rin ng oras ang mga kaibigan ko, I need this. Andito kami sa coffee shop dito kami madalas nag kwekwentuhan. Nag CR si parekoy kaya kami ni Jing ang naiwan.
"Ano ka ba! s'yempre mag bespren tayo! walang iwanan diba?" sabi n'ya na kinatigil ko.
"A-Ah O-Oo" alanganing sagot ko.
"P-Pero sorry kasi uuwi muna ako ng Aklan bukas. Maybe October 26 pa ako makakabalik" Malungkot niyang sabi. shemay! naiiyak na ako eh.
"O-Ok lang, ingat ka palagi ha? huwag kang mag padala sa mga tukso. Bespren alam kong maging succesful ka someday at pag nangyari iyon, balitaan mo agad ako." ngiting sabi ko habang pinipigilan na huwag maiyak, tiningnan niya naman ako ng may pagtataka.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan? parang hindi na tayo mag kita eh!" Suway niya at ngumiti. "Don't worry bibilhan kita ng gift doon. Anong gusto mo?" Ngiting tanong niya, malungkot ko s'yang tiningnan at ngumiti ng pilit.
"A-Ah b-bulaklak sana ‘yong fresh at mabango, kahit ano basta galing sayo. Pero mas gusto ko ang red roses" may bahid na lungkot na sabi ko. Nagtaka naman s'ya at natawa nalang.
"Sige sabi mo eh! Ingat ka din ha? I love you" Malambing na sabi n'ya at niyakap ulit ako.
"I Love you too bespren" Ngiting sabi ko. Nag kwentuhan pa kami saglit ni Jing. Masaya na akong meron akong babaunin na magandang alaala mula sa mga taong mahalaga sakin. Natigil kami ng dumating si Parekoy, ang gwapo talaga nitong parekoy ko. Alam kong magtatagpo rin ang landas nila ng babaeng para sa kanya.
"Parekoy!" Masayang sabi ko
"Natagalan ka ata"tawang sabi ni Jing
"May naka usap pa kasi akong umiiyak na babae, kala ko tuloy multo na." He said seriously. Nanlaki naman ang mga mata namin ni Jing habang nakatitig sa kan'ya at agad niya namang napansin.
"What?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.
"Baka s'ya na" Ngiti kong sabi.
"Loko' paano ba yan ikaw parin eh" hirit niya. Napangisi naman ako bago siya inirapan.
"Thank you for everything Parekoy. " Ngiting sabi ko at binigyan s'ya ng mahigpit na yakap, niyakap niya rin ako.
"Parekoy kita eh, tanggap ko naman na kayo talaga ni Insan ang para sa isa't isa" Tugon niya.
"Tanggap ko rin na hanggang kaibigan lang tayo" Dagdag niya. Kahit papano sumaya naman ang loob ko dahil alam kong hindi ko s'ya nasaktan.
"Thanks talaga mga bespren, sana kayo parin ang best friend ko sa makalawang buhay" Tawang sabi ko na may bahid ng tuwa.
" Ikaw talaga eh no, na miss kita Parekoy" ngiti na sabi ni Drake Lester.
"B-Basta huwag mong paiiyakin ang magiging girlfriend mo ha! kutungan talaga kita" tawang sabi ko.
"Oo Drake, baka si ate girl na umiiyak na ang maging future girlfriend mo" tukso ni Jing. Nag tawanan naman kami dahil namumula si parekoy. Saglit pa kaming nag kwentuhan, hanggang sa nag paalam na kami sa isat isa.
BINABASA MO ANG
That Childish Girl Is My Slave
Teen FictionPhobie Dela Cruz is the girl has a childish attitude, she fell in love with Charles John. She's willing to do everything for Charles sake, to the point she have to agree that she will be slave of him. Charles John Pinalba (Gomez) is afraid to love a...