Chapter 3
Crush
Mahigit isang linggo na rin mula ng mangyari iyong insidente sa canteen. Mahigit isang linggo ko na ring tinitiis ang mga mapanghusgang titig ng mga Grade 10 students sa tuwing dumadaan ako sa classroom nila.
Sa totoo lang, nakaka-frustrate. Kaso hindi ko din naman sinasadya iyon. At mas lalong hindi ko alam na famous pala iyong Samaritan Liandreon na iyon. Alam ko naman na kasalanan ko talaga. Pero hindi ko naman sinasadya. At nag-sorry na rin ako. Kaso parang sa mata ng lahat, napakalaking krimen na ang nagawa ko. Kulang na lang pagsuotin ako ng kulay orange na damit, eh.
"Chandelier," rinig kong tawag sa akin ng nakakakilabot na boses ni Ma'am Jan, ang aming guro sa English 7, na agad nagpanginig sa buto't kalamnan ko.
Dahan-dahan akong tumayo at napapalunok. Shit talaga. Sige, Chandelier. Kulang pa ang pagtingin mo sa kawalan.
"M-ma'am?"
Umarko ang isa niyang kilay. "What is a paragraph?"
Shit. A paragraph is a string of sentences that are formed to form a unified and coherent thought.
Gaga ka, mali! Hindi ko alam! Napayuko na lang ako habang dinadamdam ang nakakamatay niyang titig sa akin. Nararamdaman ko rin ang pagpapawis ng aking mga kamay at rinig na rinig ko rin ang malakas na paghaharumentado ng puso ko. Parang mauubusan ako ng hininga! Animo'y parang sumali ako sa marathon!
"Ano, hindi mo alam kung ano ang isang paragraph?"
Ma'am, sa totoo lang alam ko naman kaso nahihirapan akong sagutin kayo. Hindi ko alam kung tama ba ang isasagot ko kaya hindi na lang ako sasagot. Sorry na po, ma'am. Makikinig na ako sa susunod promise.
"Iyan kasi. Hindi kasi nakikinig. Kanina pa kita napapansing nakatitig sa labas, ha. Nagbibilang ka ba ng mga ibon, ha, Chandelier?"
Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kaniya't umiling. Sakto din ang pagdaan ng mala-anghel na anyo ni Samaritan Liandreon sa labas ng aming classroom. May kasama siyang tatlong babae ngunit hindi ko sila masyadong napansin dahil nakatitig lang din ako sa kaniya. Patuloy pa rin ang panenermon sa akin ni Ma'am ngunit parang wala na akong narinig dahil diretso lang ding nakatingin sa mga mata ko si Samaritan.
Hindi ko alam kung ano ang mas nakakahiya. Ang mapahiya ako sa klase o ang mapahiya sa harapan niya.
"Kung ginagawa mo 'yan sa ibang klase niyo, pwes huwag mong gawin rito sa klase ko. Baka nakakalimutan niyong lahat na may dapat kayong i-maintain na grade. Some have been kicked out of this institution already. Don't make me add you to the list," pagbabanta pa ni Ma'am.
Sa wakas ay pinaupo nya na rin ako bago pa tuluyang manlambot ang aking mga tuhod. Naawa na rin siguro siya sa akin dahil pakiramdam ko'y iiyak na talaga ako kapag pinatayo niya lang ako sa buong period.
Kasalanan ko din naman. Kung bakit ba naman kasi lumilipad ang utak ko gayong dapat talaga kaming makinig kapag English ang klase. Napaka-terror kasi ng aura ni Ma'am. Nakakatakot na madisappoint mo siya.
Pero tama siya. Hindi ako pwedeng ma-kick-out. Pinapangako ko sa sarili ko na talagang mag-aaral ako at magiging honor student. Alam ko rin naman na matatalino ang mga kaklase ko kaya mas pinagbubuti ko pa lalo.
Nang matapos ang klase, dali-dali akong nilapitan nina Joyce at Yllana.
"Chan, okay lang iyon," si Joyce na ngayo'y tinatapik ang balikat ko.
Tumango lang ako't tipid na ngumiti. "Kasalanan ko din naman."
"Bakit ka ba kasi nakatingin sa labas? Nagbibilang ka ba talaga ng ibon?" sabi naman ni Yllana. "Talagang kinabahan din ako para sa 'yo, Chan! Pati na rin pag-hinga, nakakatakot kapag English time, eh!"
Umiling naman ako't tumawa nang mahina. Iba din talaga ang powers nitong si Yllana, eh.
ICL ang next period namin kaya naman dumiretso na kaming tatlo sa may bench para sagutan ang assignment namin sa Math. Maganda kasi ang ihip ng hangin dito at kitang-kita ang malawak na field at pavement na marami ding nagkalat na mga estudyante.
Biglang napakamot si Yllana sa buhok niya. "Ugh! Hindi ko talaga gets itong Venn Diagram," nayayamot na sabi niya. Nakasalubong pa ang kaniyang kilay at pasimple pa siyang kumakagat sa dulo ng ballpen niya. "Ang hirap."
Umusog ako papalapit sa kaniya at pinakita ang solution ko. "Hindi din naman ako sure pero ganito ang ginawa ko. Ang hirap din ng mga assignments na binibigay sa 'tin 'no?" sabi ko. Ipinaliwanag ko na lang sa kanilang dalawa kung paano ko nakuha ang sagot kahit talagang pinagpuyatan ko pa iyan kagabi. Mas mabuti din naman kung maturuan ko din sila kung paano.
Pumalakpak si Joyce at niyugyog pa ang balikat ko. "Ang galing mo talaga, Chan! Thank you!" Kinuha niya ang kaniyang notebook at sinimulang kopyahin ang sagot ko. Napailing na lang ako't tumawa.
"Oy, basta hindi ako sure diyan, ha. Kung mali ang sagot niyo, 'wag niyo kong sisihin," pagbabanta ko.
Napa-tsk si Yllana. "Sus, basta sagot mo, tama 'yan."
Napailing na lamang ako't hinayaan silang kopyahin ang sagot ko. Hindi din naman talaga ako sigurado kasi talagang mahirap iyong problem na binigay sa amin. Bahala sila diyan kung mali kaming tatlo.
Mula sa pagkakatingin sa field, umikot ako ng upo at humarap sa Sci Lab. Ang dami ring estudyanteng nagkukumpulan doon. Hinuha ko'y mga Grade 10 students sila na kahit kasisimula pa lang naman ng klase ay abalang-abala na sa kaniya-kaniyang mga experimental researches. Ibang klase din talaga sila.
Panigurado ring nasa paligid lang si Salih. And weird lang ng pangalan niya. Kaso 'yon daw ang tawag sa kaniya ng karamihan dito sa school. Ang weird naman kung ako lang ang tatawag sa kaniya ng Samaritan.
Napako ang aking tingin sa lalaking nakatayo malapit sa pintuan ng sci lab. May hawak siyang isang beaker at seryosong-seryoso ang pagkakatingin niya rito. May isinasalin siya ritong kung ano na hindi ko masyadong maaninag mula sa posisyon ko. Hindi naman ako makalapit dahil... ano ba ako? Ako lang naman iyong tanga na nakabangga niya sa canteen dahilan para mamantsahan ang kumikinang sa puti niyang uniporme.
Malakas akong kinilabit ni Joyce kaya napalingon ako sa kaniya.
"O?"
Nakasimangot na siya ngayon at tinuturo ako gamit ang kaniyang ballpen. "Kanina ka pa namin tinatawag. Kaya ka napapagalitan sa klase, eh. Sino bang tinitignan mo diyan?"
Sunud-sunod naman akong napailing. "H-ha? W-wala naman akong tinitignan, ah," nauutal na pagtanggi ko.
Napaarko naman ang kilay ni Joyce. Namataan ko rin si Yllana na sinusuri na ang mga estudyanteng nagkalat sa U Road at Sci Lab.
Pilit nanlaki ang singkit na mga mata ni Yllana at niyugyog pa ang balikat ko. "Gaga ka. Si Salih? Crush mo si Salih?"
Napailing na naman ako. "H-ha? Anong crush? Wala akong crush 'no!"
Tsaka totoo naman talaga. Hindi ko naman talaga siya crush. Nagi-guilty lang siguro ako dahil pakiramdam ko kulang ang paghingi ng tawad ko sa kaniya.
Umarko ang kilay ni Yllana at tumawa. "Crush mo 'yan, eh. Mas nangatog pa nga ang tuhod mo kaninang English nang dumaan sila. 'Wag mo na ngang ikaila. Obvious na obvious naman na, eh," sabi niya.
"Chan, kung crush mo talaga siya, okay lang naman," sabi naman ni Joyce.
Napabuntong-hininga na lang ako at umiling. Talagang hindi ako mananalo sa dalawang ito. Ayaw talaga akong paniwalaan.
"Hindi nga---
"Ang kaso lang, sabi nila, baka bakla raw, eh. Narinig ko lang naman. Hindi din ako sure," si Joyce na ngayo'y tinatapik-tapik na ang likod ko.
Pero teka-- bakla siya? Bakit? Paano?
Hindi naman sa ayaw ko sa mga bakla. Madami nga akong kaibigang gano'n, eh. Pero bakit sa lahat, siya rin?
Yati, tama nga siguro sina Joyce. Crush ko na nga yata siya. Paano ba tumigil?
***
ICL- free time given to freshmen and G10 students to finish their homeworks, schoolworks, research, etc.
Naabutan ko ang ICL nung G7 pero wala na kaming ganoon pagdating ng Grade 10. Bummer. Nakakamiss huhu:<<
BINABASA MO ANG
Field of Promises (SPSHS Series #1)
Dla nastolatkówSa isang grand high school reunion, muling nagkatagpo ang landas ng dalawang taong minsang naging tahanan ang isa't isa. Sabi nila, first love never dies. Sabi naman ni Chandelier, first love doesn't have to be forever. Will love really be sweeter...