Damon's PoV
Kanina pa ko nagugutom puro naman to picture hayy
"Hoy! Nagugutom na ko" reklamo ko
"Saan mo ba gusto kumain!?" Tanong niya habang kumukuha pa den ng larawan
"Doon!" Sabay turo ko sa isang Japanese Restaurant.Kasalukuyan kaming nakaupo kakarating lang namin.
Maya maya may dumating na Waiter at nag tanong ng order namin si margaux ang kumausap dahil di naman ako marunong mag Japanese.Habang inaantay namin ang order niya kinuha ko ang phone ko at pinikturan siya bigla gusto kong mag ka picture siya sa phone ko para always kong makita ang maganda niyang mukha hehe.
"Ano ka ba baliw!?" Tanong niya
"Baliw sayo" saad ko habang nginitian siya para lalo siyang mainis.
"Alam mo ang korni ng mga banat mo"
"Nyenyenye" nagugutom na ko kaya wala na kong gana makipag asaran sa kanya.Gabi na at nakabalik na kami sa aming hotel kakatapos ko lang maligo samantalang kasalukuyang nakaupo at tinitignan ni margaux ang lahat ng pictures namin kanina tinabihan ko siya habang nakaupo siya sa sala
"Hi love!" Di niya man lang ako pinansin
"HI LOVEEEEE!!" nilakasan ko na ang boses ko pero di siya umimik
"Famous ka ba!?" Naiinis kongsaad
"Manahimik ka nga!" Mahinahon niyang sambit
"Bakit!?" Pero di ulet siya umimik
Hayy tumayo na lang ako at pumasok sa kwarto birthday ngayon ni Margaux kaya naisipan kong sorpresahin siya sa loob ng kwarto namin ay may malawak na balkonahe kung saan matatanaw mo ang napakagandang Mt Fuji. Inayos ko ang balkonahe nilagyan ko eto ng malambot na foam at comforter sa sahig para magsilbing higaan nilagyan ko ng mga Christmas Lights sa gilid at kumot na nagsisilbing bubong para itong isang tent sa loob ng balkonahe makikita mo ang mga bituin at ang napakagandang buwan Tanaw din ang Mt fuji may laptop na nakahanda para sa Movie Marathon may mga pagkain din tulad ng Pizza Burger at Dorayaki na kanyang paborito sana magustuhan to ni Margaux sa tingin ko ay introvert siya kaya ito ang naisip kong sorpresa.Lumabas ako ng kwarto at ginulo ang tahimik niyang buhay
"Hoyyyyyy!!!" Sigaw ko habang papalapit sa kanya
"Napaka ingay mo naman" sigaw niya pabalik nagsusulat siya sa journal niya
"Hiii loveeeeee!!!" Sigaw ko papalapit na ko sa kanya kaya tinakpak niya ang journal niya
"Bakit ba napakaingay mo!?"tanong niya halatang naiinis na siya saken
Bigla kong tinakpan ang mata niya gamit ang isang tela na kulay itim
"Anoo baaa balak mo ba akong reypin!" Sigaw niya natawa naman ako sa sinabe niya
"Kung pwede lang e!" Saad ko
"Bitawan mo koo rapist!" Sigaw niya
Di na ko nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa Balkonahe sa loob ng kwarto namin"Tadaaaaa HAPPY BIRTHDAY MARGAUX MY LOVE" saad ko
Di na siya nagsalita at halatang nagulat sa nakita naistatwa siya habang nakatingin
"Nagustuhan mo ba!?" Tanong ko pero nagulat ako ng bigla sigang yumakap sa akin
"Salamatt Damee ito ung pinakamasayang Birthday ko" namula naman ako sa sinabe niya di ko akalaing magiging sobrang saya niya samantalang simple lng naman ito.Kasalukuyan kaming nakaupo sa loob habang nanonood ng anime One Punch Man ang pinapanood namin.
Kumakain kami habang nanonood mahigit isang oras na kaming nanonood at tumatawa dahan dahan na ring lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya natauhan ako ng bigla siyang humawak sa puso niya
"Ayos ka lang ba Margaux?" Saad ko di siya sumasagot at namumula na siya
"Tatawag ako sa papa mo"
"Wagg ayos lang akoo dame" nahihirapan niyang sabi
"Nagaalala na ko may sakit ka ba!?"
"Wala HAHHAA ano ka ba malakas ako" saad niya at halatang pilit na tumatawa
"Pwede bang iabot mo ang bag ko may vitamins kase ako e kulang lang siguro ako sa Vitamin C"
Sinunod ko naman siya bumalik na kami sa ginagawa nabigla ako ng sumandal siya sa balikat ko"Sana lagi na lang ganito, sana pwede kitang makasama ng matagal, sana pwede kitang mahalin ng di tayo nasasaktan" saad niya naguluhan naman ako sa sinabe niya
"Pwede mo naman akong mahalin habang buhay hindi kita sasaktan Margaux"saad ko
"Sana hindi kita masaktan"
Tumingin siya sa kalangitan kalahati lamang ang tinakpan ko para makita pa ren namin ang langit na paborito niyang sulyapan."Napakaganda ng Buwan" panimula niya
"Tulad mo margaux Napakaganda mo, tulad ka ng buwan na napaka liwanag at napaka Ganda" sabat ko"Tama ka, tulad nga ako ng buwan na aalis din pagdating ng araw"
"Ano bang pinagsasabe mo!?"
"Biro lang napaka seryoso mo naman" saad niya at biglang ngumiti"Oo nga pala may ibibigay ako sayo" saka nilabas ko ang isang kwintas na may disenyong buwan
"Alam kong mahilig ka aa astronomy kaya ito ang napili kong disenyon na babagay sayo" hinubad ko ang kwintas na suot ni margaux saka sinuot sa kanya ang kwintas na galing sa akin"Salamat" sabay ngiti ni Margaux
"Kanino ba galing ang kwintas na iyan!?" Tanong ko
"Ahmm secret"
"Siguro kay gab galing yan!?"
"Hindi noh"
"Eh kanino yan galing?"
"Basta"
"Tsk damot"
"Hayy Napakaganda naman neto"
"Tulad mo" nakangiti na ako kay margaux habang naktulala pa den sa kanya nabigla ako ng bigla niya akong halikan sa labi
"Salamat"
Nabigla pa din ako sa ginawa ni margaux di ko akalaing gagawin nya iyon
"Bakit isa lang!?"
"HAHAHA ilang halik ba ang gusto mo!?" Nagulat ako sa tanong niya sa aken ano bang ginagawa niya?
"Gusto ko madame" saad ko habang nakatulala pa den
Tumawa naman siya ng malakas
"tama na ang isa lang"Maghahating gabi na pero nanonood pa den kami at nag kekwentuhan.
Margaux's PoV
Madaling araw ng magising ako dito na kami natulog ni damon nakapatong ang ulo ko sa kanyang dibdib.
Napakasaya ko kagabi di ko akalaing ipaparamdam niya sa aken ang saya na di ko inaakala.Tumayo ako kinuha ang Journal ko nagsulat akong muli pagtapos ay naghanda ako ng agahan. Pagbalik ko sa kwarto ay nag aayos na si damon
"Good Morning sunshine" bungad niya
"Good Morning dame" sabat ko
"Mukhang napakasaya ng Girlfriend ko ah"
"Di mo ko Girlfriend at oo nga pala nakahanda na ang agahan kumain ka na munting Babaero"
"Babaero!?"
"Oo babaero na may pagka bolero"
Natawa naman siya sa sinabe koNakaupo na kami sa may kusina habang kumakain ng agahan na inihanda ko
"Marunong ka palang magluto"
"Oo naman ako pa"
"Akala ko pritong itlog at nilagang itlog lang ang niluto mo" sabay tawa
"Minamaliit mo ba ang kakayanan ko sa kusina?"
"Hindi ah ang sarap nga ng luto mo e"
"Ouch!" Saad ko sumasakit na naman ang puso ko iba na yung sakit parang may tumutusok at napuputol sa loob
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni damon
"Oo ayos lang ako" pero di ko na makontrol ang sarili ko at pumatak na ang luha sa aking mga mata sobrang sakit na hindi ko na kaya napatayo ako para kumuha ng gamot pero di ko na kayang maglakad naninigas na ang buo kong katawan at nagdidilim na din ang paligid"Ayos ka lang ba! Tatawag na ko" huling salita na narinig ko mula kay damon hanggang sa himatayin na ako.
#jai_wieee