Akihiro
"Cheers!" sabay sabay naming pinag-untog ang mga shot glass saka namin ininom.
Nagkaroon ng kaunting salu-salo ang section namin dahil kaarawan ng isa naming kaklase. Matapos ang klase ay dumiretso kami dito sa Pasela Karaoke na makikita rin lang dito sa Shinjuku.
Nagrenta kami ng private room, mayroon na itong karaoke and nagbayad para sa disco lights, may mga alak at pagkain rin kaming in-order. Nag-ambagan muna kami sa lahat, uso kasi dito sa Japan ang salitang KKB. Hindi uso dito ang salitang libre, minsan kahit mag jowa pa kayo.
May kamahalan ang lugar na ito pero barya lang ito sa mga kaklase ko at isa pa, sa Waseda kami nag-aaral, isa sa pinaka-sikat at pinaka-mahal o magastos na University sa buong Japan, depende nalang kung scholar ka.
"Lemon!" sigaw ni Hiruka saka inabot ang mikropono kay Mina, agad namang kinuha ni Mina ang mikropono at kumanta.
Ano hi no kanashimi sae ano hi no kurushimi sae
Sono subete wo aishiteta anata to tomo ni
Mune ni nokori hanarenai nigai remon no nioi
Ame ga furiyamu made wa kaerenai
Ima demo anata wa watashi no hikari...Hindi nakakasawang pakinggan ang kanta ni Mina dahil maganda naman talaga ang boses nito, magaling rin itong sumayaw, maganda at matalino rin. Height lang nito ang kinapos para maging gifted, maliit lang ito at parang nasa 5 flat lang.
"Pumili ka na ng kakantahin mo." bumaling ang tingin ko kay Hana nang iabot nito ang song book. Paglapag niya nito sa hita ko ay tinungga niya na ang alak.
Ngayon lang ako nakisali sa ganitong okasyon dahil hindi ko naman ugali ang makisama sa ibang tao. Pinilit ko lang naman ang sarili ko dahil kolehiyo na rin naman ako, idagdag mo pang lahat ng kaklase ko ay kasama.
Kinuha ko ang remote at pinindot ang numero para sa napili kong kanta. Matapos nito ay sumimsim na akong muli ng alak. Nakakaramdam na ako ng hilo dahil nakaka-tatlong bote na ako, first time ko palang na uminom kaya mabilis talaga akong tatamaan.
"Okay ka lang ba?" tanging tango nalang ang nasambit ko sa tanong ni Hana. Isinandal ko ang ulo ko sa couch at ipinikit ang mata. Tinatamaan na ata ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at ni-chat si Alexis. Hindi ko alam kung paano pa ako makakauwi, hindi ko rin alam kung anong oras ang out nito gayong nasa trabaho pa ito at alas diyes ang uwi nito at alas sais palang ng gabi ngayon.
"Inom ka pa." pilit kong ibinangon ang ulo para tunggaing muli ang alak na sinalin ni Hana sa baso ko. "Ang gwapo mo." saad ni Hana gamit ang lengwahe namin. Halata na ring tinatamaan na ito dahil pumupungay na ang mata nito.
"Alis." sambit ko habang kumakawala sa kamay ni Hana na nakakapit sa braso ko.
"Eh?" sagot nito at mas lalong hinigpitan ang pagkapit sa braso ko. Wala naman akong lakas na tanggalin ito dahil nilalabanan ito ng ulo ko na sobrang sakit. "Ano bang ayaw mo sa akin?" maarteng sambit nito saka marahang iniliapit ang mukha nito sa mukha ko, agad akong napaiwas sa binabalak nito.
"Lahat." matigas na sagot ko rito. Ngumiti naman ito at agad na tumawa ng nakakaloko. Hindi naman ito napansin ng iba naming kaklase dahil tinatamaan na rin ang iba at may kanya kanya rin silang topic. Ang iba ay kumakain, umiinom, umiiyak, kumakanta at nagtatawanan. Idagdag mo pa ang disco light dito kaya hindu na halos magkakitaan dahil sa dilim.
BINABASA MO ANG
Still You
أدب المراهقينAlexis Reign Montenegro, a girl who fights just for her dreams, kaya naman pumayag siya at nangako sa pakiusap ng kanyang nanay na paaralin siya ng kaibigan ng nanay nito sa Japan. Nakarating ito ng Japan at tumira sa bahay ng kaibigan ng nanay niya...