Here in our Universe

1 0 0
                                    

A text message:

"Can I see you tonight, Ember? 8:00pm,  In the same old place"

Hindi na ako nagreply at binura na agad ang message nya sa akin. Mag-aalas otso na rin kasi. Kaya naisipan ko ng pumunta sa paboritong lugar namin ni Tadeo.

Nang makababa ako sa sasakyan ko ay agad siyang nahagip ng mata ko, nakabungad ang matamis niyang ngiti sa akin. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Nakasuot sya ng bonnet na black na hindi naman bagay sa kanya,

"Ano naman ang drama mo ngayon, ha Tadeo?"natatawa kong sabi habang yakap ko pa rin siya,

"Why don't we escape from reality? It sounds exciting, right?" he said then he kissed my forehead.

"Hmm, ang cute mo talaga"nakangiti kong sabi ko at kinurot ng mahina ang matangos nyang ilong.

"I want to take you away with me" he said then he smile again.

Ihiniwalay nya ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya at mat kung anong kinakalikot sa bulsa nya, inilibas nya ang phone nya at may kung anong hinanap don.

I'll take you away with me,
Where we can be true
And I can love you
We won't be found here in
Our Universe....

Our favorite song played.

Hinapit nya ang bewang ko at hinaplos ang kamay ko. Isinayaw nya ako habang itinutugtog ang kantang parehas naming paborito. Umalpas ang luha sa pisngi ko, at gayon din ang mga luha sa mga mata nya. Hindi na siya nag-abala pang punasan ang mga luha na halos nag-uunahan ng tumulo mula sa mga mata namin.

Ihiniga ko bahagya ang ulo ko sa kanyang dibdib, rinig na rinig ko ang mahinang tibok ng puso nya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad, Tadeo?"tanong ko sa kanya habang patuloy nya akong sinasayaw at nakahilig pa rin ang ulo ko sa kanya,

"Kasi ayaw kong mag-alala ka sa'kin, ayaw kong mapalitan ang mga ngiti mo ng mga hikbi, ayaw kong mapalitan yung mga pangarap mo ng mga dasal, ayaw kong mapalitan yung masaya mong mukha ng sad expression, ayaw kong mapalitan ng sad moments ang mga sweet memories natin together kaya pinilit kong hindi na sabihin pero in the end nalaman mo pa rin, ano ba bang aasahan ko sa girlfriend kong mala-detective?"natatawang sabi niya,

Pero yung tawa niyang yon, alam ko na pilit lang, hindi naman niya maitatago sakin yun e. Sobrang mahal ko yung taong kasayaw ko ngayon pero nakakatakot kasi baka bukas, makalawa, mawala na lang siyang bigla.

Hindi ko kayang isipin.

Hinaplos ko ang mukha nya, pero patuloy pa rin ang paggalaw ng katawan namin na sumsabay sa malumanay ng paulit-ulit na kanta mula sa cellphone nya,

"Alam mo naman na mahal kita di ba? Hindi naman ako magagalit sayo e, kilala mo ako, at baka nga mas kilala mo pa ako kaysa sarili ko. Hindi ko kayang mawala ka sa akin, kaya lumaban ka para sa akin, kasi kapag di mo ginawa yon, di na tayo bati"pabiro kong sagot pero tuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga mata ko,

"I want you to remeber this night, not because I want you to remember me, it's because I want you to remember that I love you, no illness or even death will take us apart" nakangiti nyang sabi sa akin

Iyon ang ang pinakamasayang araw sa buhay ko, si Tadeo na kahit hindi niya sabihing mahal nya ko bawat oras, ramdam ko yung pagmamahal niya sa bawat sandali na nakakasama ko siya,

Kinuha na siya sa akin.

Kinuha na Niya ang lalaking pinakamamahal ko, ang lalaking nagbalik ng mga ngiti sa labi ko, ang lalaking walang ibang ginawa kundi mahalin ako. Alam ko na sa mga sandaling nagsasayaw kami ng araw ng na 'yon, masayang masaya siya habang sinasabi sakin yung mga hiling nya.

"Hindi na tayo bati, Ember."

Lumuhang sabi niya, sobrang payat na siya, kalbo na rin. Wala ng saya sa mga mata nya.

"Bati pa tayo, Tadeo"

Pilit kong pinapasigla yung boses ko pero hindi na din kinaya na hindi lumuha,

I started to cry,

"Ember, tinatawag na Niya ko"

Umalpas yung luha nya, habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko,

"Please? Just one more day, we'll escape from reality, right, Tadeo?" paos kong sabi haba ng hawak ang kamay niya,

Umiling siya,

"I can't escape anymore, the reality keeps on following me, Ember" mahinang sabi niya

Sabay may tumunog ang makina sa gilid ng kama nya,

Wala na si Tadeo,
Wala na yung mahal ko.

Parang lahat ng masasayang araw namin ay kahapon lang nangyari, ngayon, hinhaplos ko na lang yung lapida nya.

I'll keep your words in my heart, Tadeo.
I will  always love you.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Here In Our UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon