***
"Hindi ko makita kung saan ang Chamber Winds room na sinasabi ng lalaking 'yun. Saan ba 'yun?"
Iritableng naglalakad sa loob ng unibersidad si Raegan dahil hindi niya makita kung saan ang tamang lugar ng Chamber Winds club room na nakalagay sa information card na ibinigay ni Race sa kaniya.
Hindi rin niya maitanong sa mga nakakasalubong na estudyante ang tungkol kay Race dahil hindi niya matandaan ang tamang pangalan ng binata. Kasalanan din naman niya 'yon dahil hindi siya magaling sa pagtanda ng mga pangalan.
Sa paglibot ni Raegan sa loob ng unibersidad, nakarating siya sa bleachers ng soccer field ng Phoenix. Sumabay ang galaw ng kaniyang mahahabang buhok sa lakas ng hangin na mayroon sa field pati tuloy ang kaniyang kulay maroon na palda ay muntik ng tumaas.
Sa kaniyang pagmamasid, hindi niya naiwasan na pagmasdan ang isang magandang babae na dumaan kaya't hindi na rin niya napigilan ang sarili at dali-dali siyang lumapit sa dalaga para magtanong. Mukhang kolehiyala ang nilapitan dahil iba ang disenyo ng palda nito kumpara sa kaniya.
"Hello po. Itatanong ko lang sana kung saan po 'yun room ng Chamber Winds?" tanong ni Raegan at huminto ang babaeng kinakausap niya, Addison Villafuerte.
"Techni Building, sa 2nd floor."
"Salamat po!"
Tumakbo pabalik sa main building ng unibersidad si Raegan. Bakit nga ba hindi niya matandaan na ang lahat ng silid ng bawat organisasyon na mayroon ang Phoenix ay nasa Techni building?
Techni, isang greek word na ang English meaning ay Art.
Nag-elevator ang dalaga para makarating sa ikalawang palapag at naglakad ito sa mahabang hallway ng building. Namangha siya nang makita ang mga pangalan ng organisasyon sa bawat pintong madadaanan.
Nakarating siya sa pinakadulo ng hallway at bumungad sa kaniya ang dalawang malaking itim na pinto. Sa kanang bahagi nito, nakalagay ang pangalan ng Chamber Winds na naka-gold engraved.
Napaisip tuloy si Raegan na talagang sosyal ang eskwelahan at kaya ginto ang tuition dahil sa pinto napunta.
Kakatok sana sa pinto si Raegan nang mapatigil siya dahil mayroong anino ng lalaki ang tumambad sa kaniya at nagsalita.
"Anong ginagawa mo dito, miss? May kailangan ka ba?" agad na napalingon si Raegan sa binata at napataas ang kilay niya nang makitang matangkad ang lalaki at may kulay na hazelnut brown ang buhok.
Matangos ang ilong nito at may magagandang ngiti.
"M-Member ka po ba ng Chamber Winds?" nauutal na tanong ni Raegan at tumango naman ang binatang hindi niya alam ang pangalan.
"Transferee ka ba?" balik na tanong ng binata at tumango naman ng marahan si Raegan.
"Kaya pala hindi mo 'ko kilala. Officer ako ng Chamber Winds. Mago-audition ka ba o fan girl ka ni Race at may ibibigay ka na regalo sa kaniya?" tanong ng binata at natigilan si Raegan nang marinig ang pamilyar na pangalan.
"Mago-audition po ako at saka sino po si Race?" tanong ni Raegan na ikinagulat ng binata.
"Hindi mo kilala si Race? Hmmm." natahimik ang binata nang ma-realize niya na si Raegan pa lamang ang nakilala niyang babae na hindi kilala ang nag-iisang Race Cartier ng Phoenix University.
"Nice to meet you, miss. I'm Jin, Jin Carreon." inilahad ng binata ang kamay niya kay Raegan bilang pago-offer ng shakehands at mabilis naman itong tinanggap ng dalaga.
BINABASA MO ANG
A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2
Teen Fiction[ON-GOING] [UNDER EDITING] Raegan Alonzo, mostly called Egay, was a transfer student at Phoenix University. She's currently a senior high school student who struggles in passing her grades to sustain her scholarship. Raegan was the chosen student to...