A/N: This is my own story. Written few years back. Now its making its way to Wattpad. I hope you can support me with this story too.
Any names of persons, things, places or situation mentioned here are purely coincidental and part of the writer's imagination and not of real character, things, places or situation.
All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without permission in writing from the author.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
CHAPTER 1
"Morning Mitch, pahingi ako ng schedule of deliveries natin within this week." Bungad ko agad sa assistant ko pagkapasok na pagkapasok ko sa flowershop ko.
"Ok Ms Daney. Dalhin ko po sa office niyo in a minute." Nakangiting sabi ni Mitch.
Pagkaupo ko sa office chair ko, nag-ring agad ang direct line ko. Alam ko na kung sino itong makulit na to na ang aga-agang nambubulabog.
"Hello me-girlie!" Masiglang bati ng baklita kong bestfriend sakin.
"Yes Nat, what is it now?"
"Just reminding you girlie about our lunch date today. I am bringing someone. Mahirap kuhanan ng schedule yun at napaka-busy, so I hope di mo ako i-boycot."
"Sino nanaman yan, isa sa mga model mo? Pwede ba, they are not my type. Kung ako sayo, ititigil ko na to. Di ka pa sawa? You've been doing this for years now." Naiinis na sabi ko sa kanya. Nakita ko si Mitch sa glassdoor ng office ko at sinenyasan ko na pumasok. Nilagay lang nito sa table ko ang folder at muling lumabas.
"No he is not, infact. He is my cousin, so alam mo nang gwapo to saka mayaman." Sinabayan pa nito ng malakas na halakhak.
I rolled my eyes. Ito lang ang bading na alam ko na kung sabihan ang sarili niya na gwapo ay walang pakundangan. Naiintindihan ko naman kasi di niya mailabas ang tunay na kasarian sa pamilya dahil magiging isang malaking kahihiyan. Tanging kapatid niya lang ang nakakaalam. Sikat ang pamilya nito sa bansa dahil sa maraming negosyo nila. Laging laman ng business and society pages of magazines and newspapers. Aside from his celebrity/model grandparents, they own a lot of malls in the country. They also have condos and hospitals. His mom is a doctor while his father is a business magnate. His only sister owns a big wedding boutique, mainly for the rich and famous people. That's when we first met. Sinamahan nito ang kapatid nito sa wedding event kung saan kami naman ang wedding supplier ng mga bulaklak. Natawa ako ng malaman sa kapatid nito na kaya lang naman nanduon ang kuya nito dahil sa mga models na kasama sa groomsmen. Dahil sa nalaman ay nagkapalagayang loob kami at simula noon ay madalas na kaming magkasama at naging bestfriend ko nga ito.
"Di naman yan ka-fedaration mo Nat. Tuktukan talaga kita mamya kapag napansin kong kalahi mo yan."
"Nope, my girl. Certified one of the most eligible bachelors in town."
"Oh? Baka kilala ko nayan. No need to meet na." Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito.
"Danellita..."Ayaw kong naririnig yang gamit niya nayan sa pangalan ko kasi ibig sabihin seryoso siya at naiinis na sa akin kaya iinisin na niya ako sa napakapangit kong pangalan. At uulit ulitin na niya itong banggitin.
"Danellita, ipapakilala ko pa ba sayo kung kilala mo na. Sigurado akong hindi kasi sa ibang bansa naman ito naglalagi dahil nandoon ang business ng pamilya nila. Nagbabakasyon lang ngayon at gustong malaman kung pwede ba siyang mag-venture ng business dito sa Pilipinas." Seryosong sabi nito at di mo na mariringgan ng gayish tone na ginagamit niya lang samin ng kapatid niya.
YOU ARE READING
If I Love You...
General FictionWe have all been there... The doubts... The frustrations... The pains... Its all part of loving someone. But the difficult part is knowing if you are making the right decisions and if all the heartbreaks and saceifices are worth it. And the worst, c...