Chapter 7

18 2 0
                                    

Chapter 7

Stress Ball

Walk out. Nagwalk out ako pagtapos ko lagukin iyong pangatlong baso ng alak doon. Hindi ko na maaalala kung anong alak iyon basta hard liquors siya. Kaya nga nahilo agad ako. Buti nalang high tolerance ako sa alak. Thanks to Mara, ni-train ako maging lasengga.

Hinawi ko pataas ang buhok ko at lumayo sa bahay nila Priscilla. I need some air. Naiinis lang ako kay Raze.

Ang lakas niyang mang-asar. Hindi ko maitanggi na talagang naaasar na ako sa kaniya. Dagdag pa ng mga tanong ni Kuya Cezar. Parang sinasabi niya na may gusto ako sa lalaki na yun. Wala! He's not my type!

"Frustrated?"

Agad na nag-alab ang inis ko nang marinig ang boses ng lalaki na yun. So, sinundan niya ako rito? Talagang nang-iinis.

Inis na binalingan ko siya ng tingin. He laughed cuz of my deadly glare. Agad na akong tumayo. I'm leaving.

"Hey, hey, hey."pahabol niya. "Ang ilap mo naman. I just want to talk to you."

Huminga ako ng malalim bago ko siya nilingon. Bumungad sa akin ang nakakaloko niyang ngisi. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit. Bullshit.

"What do you want?"inis na sabi ko.

"Oh, I forgot."he said and sexily chuckled. "May boyfriend ka na pala kaya mailap ka."

Huh?! Iniisip niya talagang boyfriend ko si Dominic, 'no?

I rolled my eyes. "So what? Will you stop annoying me?"

This man is really getting into my nerves. 'Di naman niya ako pinapansin no'n, bakit ngayon, panay ang papansin niya sa akin?

"So it's true?" Ang ngisi sa mukha niya ay napalitan ng pagseseryoso.

Bigla akong kinabahan sa hitsura niya. 'Yung hitsura niya nung nakaraan noong nakita niya kami ni Dominic, gano'n ang hitsura niya ngayon. Parang galit. And I don't know why!

"Is that how you treat all the boys around?"aniya at pinanliitan pa ako ng mata. "Too... friendly and..."

Hindi niya malaman kung ano ang salita na sasabihin. I don't get his point. Napakurap-kurap ako at natatawa siyang pinanood.

"I don't have a freaking boyfriend–"

"Good!"

Napatalon ako sa biglaang pagtaas ng boses niya. Nagpamulsa siya at umayos ng tayo.

"Fucking good to hear."bulong niya at tinalikuran ako.

Naestatwa ako habang pinapanood siya. Seriously? What's his problem?

I have an idea but no. That's impossible. I'm sure he's just playing around. Galit siya sa akin nung mga unang beses na nagkita kami. Masungit siya. Nung nagtrabaho ako sa kaniya, doon lang ako lumapit sa kaniya at pinilit makipag-usap. Isang beses lang iyon at hindi na naulit. Ngayon, sasabihin niyang friendly ako sa lahat? What?

Galit siya nung nakita kami ni Dominic. Is he jealous? Oh. No. Why would he get jealous? Una sa lahat, wala naman kaming masyadong naging pag-uusap at hindi kami naging close. All of a sudden, he will be like this? Oh come on, he's probably just playing around.

Bumalik ako sa lamesa namin nila Papa. Si Kuya Cezar ay tinawag pa ako doon sa lamesa nila Raze pero hindi ako lumingon. Dire-diretso lang ang lakad ko.

May humarang na babae na nakikipagtawanan sa kaibigan niya ring babae. Hindi ako makapunta sa lamesa namin.

"Excuse me."magalang kong sambit at pinilit na dumaan pero pinasadahan niya lang ako ng tingin, may halo pang iritasyon ang mukha, tapos nakipag-usap ulit sa kaibigan niya.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon