"Gumilid ang lahat at magbunyi para sa pagdating ng Mahal na Hari!"Sigaw ng isang konseho na namumuno sa pagdating ng hari.
Isang malakas na tunog ng trumpeta ang kumawala at umalingawngaw sa buong kaharian ng Durican dahil sa pagdating ng kanilang kinikilala at iginagalang na hari.
Davin Cassius IV a great king with a great will for his empire. A king who believes that a queen is not necessary because he can do anything by himself and a queen is just for baring a child and nothing more. Having a son that will lead after him is not a problem for him because he believes that every woman is willing to give him one while not affecting his good plans for the future of his empire. What he just need to do is to pick a strong willed woman, a woman that will do no harm on him and on his empire. He believed that a child's behavior when he grow up is according to how he has been raised.
The king walks straight towards his throne, every step he take screams elegance and authority. Ang kanyang matikas na katawan ay nakapagpapamangha sa bawat nilalang na nakasisilay sa kanya lalo na ang mga kababaihan.
"Salamat sa inyong pagsalubong sa akin." Simple words yet gives chills to every beings in the hall. Lumuhod ng may buong pag galang ang mga bampira sa lugar. Kinikilala nila ang hari bilang isa sa pinakamagaling at pinaka matalinong hari na namuno sa kanila. Bawat dulog at hinaing nila ay kanyang pinakikinggan at binibigyan ng naaangkop na solusyon at dahil dito ay nakuha niya ang tiwala ng mga bampirang kanyang pinamumunuan.
"Sa ikalawang kabilugan ng buwan, mayroong magaganap na pagdiriwang dito sa ating palasyo. Ito ay dadaluhan ng mga Prinsesa at Prinsipe mula sa iba't ibang kapanalig na imperyo kaya kayo'y maghanda. Ayusin ang palasyo at tiyakin ang seguridad upang walang kaguluhang maganap, siguraduhin ang kanilang kaligtasan. Sila ay paririto upang lalong pagtibayin ang ating ugnayan sa kani-kanilang imperyo."
"Masusunod, Mahal na Hari" sagot ng namumunong tagapaglingkod ng palasyo. Siya ang namumuno tuwing may nagaganap na pagdiriwang sa palasyo. Inilagay niya sa kanyang dibdib ang kanang kamay at bahagyang yumuko tanda ng paggalang sa kanyang kinikilalang hari.
"Salamat, maaari na kayong umalis at magtuloy sa inyong mga gawain aasahan ko ang katagumpayan ng ating pakikipagtibay sa kanila."
Maingat na lumabas ang mga bampira na nakayuko paalis sa harapan ng hari, ang iba ay tumuloy sa kani-kanilang tahanan at ang iba naman ay naiwan upang magtuloy sa kanilang mga gawain gaya ng iniutos ng kanilang hari.
Ang pagdiriwang ay magaganap pitong araw mula ngayon dahil ngayon magaganap ang unang kabilugan ng buwan.
-------------
Mabilis na lumipas ang pitong araw at ngayon ang araw na nakatakda upang ganapin ang pagdiriwang at pakikipagtibay. Ang palasyong dati nang kay ganda ay lalo pang gumarbo ang itsura, ang dati nitong luma ngunit eleganteng tingnan na disenyo ay nahaluan ng ginto at puting kulay. Ang kaharian ay lalong nabigyang buhay dahil sa mga bagong dating na mga bampira. May mga bampirang naglilingkod at nagbibigay ng mga mataas na uri ng sariwang dugo sa mga panauhin. Ang kasiyahan na nagaganap ay nagsusumigaw ng eleganteng presensiya mula sa mga prinsipe at prinsesa.
Sa isang sulok ng silid ay may matiyagang bampira na nagmamatiyag sa mga kaganapan sa paligid. Masuri niya itong kinikilatis, kaagad siyang umiiwas ng tingin sa mga bampirang tila nagtataka sa kaniyang kilos at prisensya. Hindi siya sanay sa mga ganitong magarbong pagtitipon dahil mas nais niyang mag-aral at magkulong sa kanyang silid kaysa sa lumabas at makihalubilo.
"Salamat sa pagdating dito sa kaharian ng Durica. Ako, si Haring Davin Cassius IV ay umaasa na kayo'y masisiyahan dito sa ating munting pagsasama-sama na nagpapatunay ng katapatan sa bawat imperyong ating kinakatawan." Masuring nakinig sa kanyang pagsasalita ang lahat ng may buong atensiyon at paggalang.
Itinaas ng mga ito ang kopita na may lamang sariwang dugo tanda ng pag-ayon sa sinabi ng haring namumuno sa imperyong kanilang kinatatayuan.
Bumaba ang hari at binati ang ilang mga marharlikang bampirang malapit sa kanya. Nagtungo siya sa labas ng palasyo at nagmasid sa paligid. Nakaramdam siya ng prisensya sa kaniyang likuran kaya agad-agad siyang lumingon dito. Pagharap niya ay nagulat siya sa ginawa nito.
He kissed him.
The king was kissed by a him.
YOU ARE READING
The King's Only Mistake
VampiroBeing a vampire king means you need to be open minded. Being a vampire means you need to have a strong mind while being a king means you need to have a strong heart and a strong will, but..... what if these two are contradicting? -King Davin Cassius...