Kasalukuyan akong nakatingin sa aking palad at binaling ulit ang tingin sa lalaki na nasa aking harapan
"H-how could you?!!" yon na lamang ang lumabas sa bunganga ko dahil sa sobrang galit at pagkasuklam
"Im sorry, I didn't mean to hurt you... It just that I---"
"No!! You mean it! Sinadya mo talaga na saktan ako for what? To fulfill your needs? Di pa ba ko sapat ha?! " kusa nang tumulo ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig ako.. Nanginginig sa sobrang galit na nararamdaman ko nung marinig ko lamang ang mga boses nya..
"You're enough... I-it's my fault, I'm the one to blame.." niyuko nya ang kanyang ulo at sinuksok ang kanyang mga kamay sa kanyang mga bulsa at muling tumingin sa akin "Im really sorry.." randam ko sa mga boses nya ang pagkalungkot ngunit bakit naman?
I smirked "we're over, dilat na ang mga mata ko sa mga kasinungalingan mo" after that I looked at the girl sitting inside the car
Pinagsalubong ko ang kilay ko at tinignan ulit sya. "Don't ever bother me again. You son of a B!tc#" at tumalikod na sa kanya
Di ko alam kung saan ako patungo.. Gulong gulo ako sa mga nakita ko.. Ansakit.. Sobrang sakit..
Humupo ako sa tabing kalsada at sinumulang humagulgol.. Di ko mailahad ang nararamdaman ko.. Halo halo na.. Di ko kaya...
"B-bakit?..."
Andami kong tanong at alam ko sa sarili ko walang nandyan para sagutin ung mga katanungan ko.
Andami kong pagkukulang sa kanya at alam ko un. Andami kong mali at andami ko ding pinagsisisihan
At isa na doon ang mahalin sya.
Pinunasan ko ng aking mga luha at tinignan ang wrist watch ko.
Marami pang oras para magmukmok at yun ang gagawin ko
Dinala ako ng mga paa ko sa 7-eleven para bumili ng alak... Ngunit hindi ko kabisado itong 7-eleven dahil may kalakihan ito at hindi ko pa to napuntahan
Nag ikot ikot ako baka sakaling makita ko ang mga alak.. Habang nag iikot ako paulit ulit na sumasagi sa isip ko ung babaeng nakita ko sa kotche nya
Maganda sya.. Masasabi mong may ipagmamalaki.. Dahil sa maputi nyang kutis na akala mo ay gatas. Sa buhok nyang napaka ganda.. Sa matangos nyang ilong at halatang malambot ang kanyang mga labi
Kumuha ako ng tatlong bote ng beer. Sapat to saakin dahil di naman ako pala inom
Alam ko namang hindi ako worth it pero sana naman minahal nya ko ng totoo.. Pinaramdam ko sa kanya ang pagmamahal ko.. Ng sobra sobra..
Pinunasan ko na agad ang mga luha ko bago pa ito tuluyang tumulo, nakakahiya kung dito pa ko sa pila mag iinarte kung sakaling tumulo ang mga luha ko
Mga tanong at akala na lang lagi ang nasa utak ngayon.. At wala nang iba..
Nang makalabas na ko sa 7-eleven agad na kong nagpara ng taxi kasi sobrang pagod ako sa mga nakita ko..
Pagod na ung katawan ko.. At pagod pa ung utak at nararamdaman ko.. Di ko kaya ung sakit ehh.. Di ko din alam ang gagawin ko..
*sighs deeply* habang nakatingin sa bintana sa taxi ay may nakita kong magkasintahan
Bigla kong napangiti dahil naalala ko ung alaala namin ng lalaki nayon.. Kaso ung alaala na yon eh hanggang ala ala na lang..
Biglaan ung mga nangyari ngayon kaya hindi ako handa na wala siya. Hindi ko kaya na wala siya.. Ung mga pangarap na binuo namin na asang asa ako na matutupad
Di ko inakala na matutuldukan na pala ngayon.. Ngayong araw kung kailan wala akong mga kaibigan.. Na walang dadamay sakin
Naramdaman kong may tumulo sa aking mga binti at tinignan ko yon..
Mga luha na pala.. Napatawa ko ng mahinahon at pinunasan ang mga luhang kumawala mag isa
Kaya ko to.. Dapat masanay na ako.. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay babalik sya.. Sa oras na to mananatili na lang ala ala ang lahat ng sasama namin.. Almost 1 year kaming mag karelasyon.. Actually anniversary na namin next week tapos ganto pa ginawa nya
----------Flashback----------
Nandito ako ngayon sa condo ko.. Nakatayo sa bintana at pinagmamasdan syang maglakad papunta sa car nya
*smiles* mahal na mahal ko talaga ang lalaking to.. Ang gwapo nya padin kahit ang dami na naming pinag daanang problema
Sumandal sya sa pintuan ng car nya na ali mo'y may hinihintay
Umaasa akong titingin sya saakin dahil kanina pa ko nakatingin sa kanya.. Nagbabaka sakaling maramdaman nya na may tumitingin sa kanya
Biglang kumunot ung noo ko nung may hinalikan syang babae sa pisngi at pinagbuksan ito ng pinto ng kotse
Sino naman ang babaeng yun? Mukang halos magkasing idaran lang kami. Ni wala akong kaibigan dito sa buong building
Nagmamadali akong kinuha ang aking wallet naglakad papuntang labas
Pero pagdating ko doon ay umalis na ang sasakyan nya
napagbugtong hininga ko at nagpara ng taxi
"manong sundan nyo po ung kotseng un. Paki dalian po please baka di nyo na maabutan" at tinuro ung kotse ng lalaking mahal ko
Kinakabahan ako dahil sa hinala kong babae nya.. Ngunit hindi nya magagawa un saakin dahil ang tagal na namin.. Siguro kaibigan nya lang un hahahaha
Ngumiti ako ng bahagya
"oo kaibigan nya lang yon" bulong ko sa sarili ko
Kinalma self ikaw lang ang mahal nya at sana magkaroon ka ng tiwala sa nakita mo
Ikaw lang ang babae sa buhay nya ang dami nyo nang pinag daanan diba? Ngayon ka pa nya ipag papalit?
Tumawa ko ng mahinaho na halatang walang gana
At binaling ang sarili sa bintana
-------End of Flashback-------
"Ma'am?"
"Ma'am nandito na po tayo" bigla akong bumalik sa realidad ng marinig ko si manong
"a-ahh opo sorry" binigyan ko pera si manong at lumabas na sa taxi dala dala ang mga inumin na gustong gusto ko nang inumin
Habang naglalakad papuntang condo ko ang kasabay na pagtulo ng luha sa aking mga mata
Ang sakit lang isipin kasi minahal ko sya ng buong buo.. Sa unang pagkakataon ay nagseryoso ako at binigyan ko ito ng halaga
Binuksan ko ang aking pinto at pumasok
I sighed heavily at nilagay ang mga bote sa lamesa ko
Sinarado ko dahan dahan ang aking pinto at sumandan doon
Kaya nya siguro ako pinalitan marahil ay sawa na sya saakin.. Naging kulang ako sa mga panahon na kami pa.. Naging pabaya ko sa kanya..
Gumagulgol ako sa likod ng aking pintuan.. Wala kong ibang magawa kung di ay umiyak
Alam kong mahina ko.. Pero alam ko ding kaya ko
-----------------
Eyy first story ko po to sana magustuhan nyo :)
Btw.. I will continue writing this story hanggang dulo ay wala kong ilalagay na picture o video dahil gusto kong maimagine nyo lahat ng dinidiscribe ko
If kulang pa ung pag describe ko at un ang dahilan para di nyo maimagine ang situation na nilalahad ko, i will work harder for that :)))
YOU ARE READING
T R U T H
Teen FictionSi Veronica Davel ay isang dalagang babae, gusto nyang maging masaya sa nakakapagod na mundong ito, sa mga mapanghusga at nakakilabot na taong nakapaligid sa kanya ngunit takot ang dalaga na mahusgahan ulit, takot syang kamuhian ng kayang mga kadugo...