Hindi na nag aksaya ng panahon si Magena agad na Inasikaso na nito ang mga kakailanganin para sa kasal nila ni Juaquim sa isang kilalang Mayor sa Metro Manila na ninong ni Magena sila ikakasal.
Nagulat na lang si Juaquim ng makita nya ang messages ni Magena about sa details ng gagawing kasal. Gusto nyang tawagan Ito para kumprontahin pero naisip nya na baka bigla nanaman itong mag hysterical at may mangyaring masama sa ipinagbubuntis nito.
Hindi na nya alam ang gagawin nya para syang mababaliw sa kakaisip sa mangyayari kung sakaling makasal sila ni Magena at tuluyan ng mawawala sa kanya si Ariella. Hating gabi na ng makalabas sya ng opisina gantong oras sya laging umuuwi sinusubsob ang sarili sa trabaho para makaiwas kay Magena sa bahay at para makalimutan ang mga problema. Bago sya umuwi ng bahay ay dumadaan muna sya sa labas ng bahay nila Ariella naka tanaw lang sya sa eskinita at sa munting ilaw sa labas ng bahay nito.
Di na nya kaya pa kailangan na nyang makausap si Ariella. Wala na syang pakialam kung magalit ito sa kanya ang mahalaga ay magka usap sila. miss na miss na nya ang mag ina nya.
Tok tok tok....
Naka ilang ulit pa syang kumatok balak na nyang umalis dahil baka naiistorbo na ang mga tao sa loob ng bahay dahil madaling araw na. Nang biglang bumukas ang bintana at nakita nyang sumilip si Ariella mula sa loob."Alam mo bang madaling araw na Juaquim." Pagalit pero mahina ang boses nya dahil ayaw nyang maka istorbo ng kapitbahay. Mula sa bintana kitang kita nya ang pamamayat at ang mukha nitong pagod at malungkot. Ang balbas ay napaka lago na at ang mga mata may mga eyebag na rin.
"Please let's talk Ariella I'm begging you" sobrang nasabik sya na marinig ang boses at makita si Ariella.
Pinagbuksan naman Ito ni Ariella. Oo Naawa sya sa nakitang itsura ni Juaquim pero mas nasabik sya na makita Ito kung sana ay gising pa si Janella tiyak matutuwa Ito na makita sya. Ilang araw na rin panay tanong ng anak nya sa papa nito. Naawa na rin sya dahil miss na miss na ni Janella ang papa nya kahit na ba minsan ay dumadalaw sa bahay nila si Rajesh ay hindi niya nakikitaan na magiliw Ito sa bata.
Pag ka bukas ng pinto at agad na yumakap si Juaquim kay Ariella at mahinang umiyak sa balikat niya parang batang inaalo nya Ito. Sa laki ni Juaquim at sa pagkakakilala nya dito halos iisipin mong hindi bagay sa kanya ang gantong sitwasyon.
"Hey tahan na halika sa kusina dun tayo mag usap." Inalalayan nya si Juaquim paupo sa bangko nila halos ayaw bumitiw ni Juaquim sa pagkaka yakap nya kay Ariella.
"Please Ariella come back to me. Marry me promise aayusin ko ang lahat ng gulo at problema natin. I want you and Janella back to me hindi ko kaya na mawala kayong dalawa kahit ang pinagbubuntis mo aakuin ko. Kakalimutan natin ang nakaraan nyo ni Rajesh bubuo tayo ng isang pamilya." Dahil Yun ang Sabi ni Rajesh ng tinawagan nya Ito sa telepono. Halos pumiyok na sa pagsasalita si Juaquim dahil pinipigilan nito na umiyak ulit first time nya ulit na umiyak sya sa harap ng babae. Ang huling iyak nya dahil sa babae ay nung mawala ang mommy nya dahil sa cancer 10yrs ago.
Parang nanlamig si Ariella sa narinig. Iniisip ba ni Juaquim na anak ni Rajesh ang dinadala nya. Gusto nyang magalit dito dahil sa narinig, iniisip ba ni Juaquim na ganun syang klase ng babae na basta na lang magpapa buntis sa iba hindi man lang naisip ni Juaquim na baka sa kanya ang pinagbubuntis nya. Pero pinigilan nya dahil naawa din sya kay Juaquim lalo sa itsura nito ngayon at isa pa kasalanan nya rin hindi nya ipinagtapat dito ang pagdadalang tao nya. Natatakot din sya na baka pag inamin nya na kay Juaquim ang pinagbubuntis nya ay lalong gumulo ang sitwasyon nila
"I'm sorry pero paano si Magena at ang magiging anak ninyo. I think it's better kung pananagutan mo si Magena, tutal mas bagay kayo at isa pa nauna sya sayo." Masakit man pero kailangan nyang sabihin Ito kay Juaquim. Ayaw na nya ng gulo ayaw nyang ma stress lalo at nagbubuntis sya.
"Don't say that Ariella please. Just give me time and I'll fix everything. Just stay with me." Nag mamakaawa sya kay Ariella gusto nya na bigyan lang sya ng panahon hanggang makapanganak si Magena at iiwan nya Ito para sa kanya gusto nya lang na mailabas ni Magena ang bata ng walang problema or kumplikasyon. Dahil wala syang tiwala Kay Magena natatakot sya na baka kung anong gawin ni Magena sa ipinagbubuntis nito.
"No Juaquim please ako naman ang intindihin mo. Buntis ako ayoko ng kumplikadong buhay. Gusto ko nang manahimik. Pwede mo pa ring dalawin si Janella walang problema. Pero this time pagbigyan mo naman ako. Ako ang mag dedesisyon sa kung paano ko aayusin ang buhay ko ng wala kahit sino man sa inyo." Labag man sa kalooban nya kahit isinisigaw ng puso nya na "oo mag iintay ako kung kailan ka na pwede sa amin ng MGA anak mo" pero hindi talong talo sya dahil pagod na syang lumaban. Sumuko na sya sa laban na hindi pa nasisimulan.
Duon na pinatulog ni Ariella si Juaquim dahil natatakot syang mag drive Ito ng ganito ang kalagayan at isa pa para magkita sila ni Janella. Inayos nya ang hihigaan nitong sofa alam nya na babaluktot nanaman Ito dahil sa laki. Pero sanay na ito dahil duon naman Ito natutulog pag ayaw umuwi ni Juaquim.
Nagising si Juaquim na may naka yakap sa kanya. Si Janella matyagang inaantay na magising ang daddy nya.
"Yeheey dising na ti daddy ko na mit ko ikaw daddy umiyak ako ng madami madami." Sabay yakap at halik sa daddy nya halatang sabik na sabik Ito sa ama.
Habang si Ariella ay naka silip lang sa kusina gusto nyang maiyak at yakapin ang mag ama nya pero pinigilan nya dahil baka bumigay sya at pumayag na maging kabit ni Juaquim ayaw nya mangyari Yun."Ohhhhh my baby I miss you too sobra." Niyakap at pinupog ng halik ni Juaquim ang anak sabay kiliti.
Halatang nasabik ang isat isa Kaya agad na naglaro at nag usap ang mag ama.
"Anak may pumupunta ba na ibang tao dito sa bahay nyo yung lalaking maitim na pangit" tanong ni Juaquim sa anak
"Meyon daddy peyo Di Naman cha panit. Peyo mas podi Ka. Ayaw ko dun sungit sungit nun." Sagot ni Janella
"Juaquim anak halika na at kakain na tayo Janella hugas na ng kamay kakain na samahan mo si daddy mo dito." Tawag ng nanay ni Ariella Kay Juaquim.
"Nay magandang umaga po kamusta po kayo" sabay mano
"Ayos lang iho halika na at lalamig ang agahan nyo. Nag luto si Ariella Ng paborito mo Yung daing na pusit at sinangag. Ako ay pupunta ng palengke maminili ng paninda." At saka lumabas na Ito ng bahay dala ang bayong at payong nito.
" Naupo na ang mag ama sa hapag kainan sobrang na miss ni Juaquim ang luto at pag aasikaso ni Ariella sa kanya. Halos kumpleto mula sa suka na may sili at bawang, at kape na walang asukal at gatas, hanggang sa maligamgam tubig na may kalamansi. Paano mong Hindi mamahalin ang isang tulad ni Ariella. Bigla nalungkot nanaman sya dahil sa pag tanggi nito sa alok nya kagabi.
"Kain na lalamig ang sinangag." Sinalinan ni Ariella ang pinggan ni Juaquim.
"I miss this ... I miss you" sabay hawak sa kamay ni Ariella.
"Uyyyyy mag kikiss na sila" sabay tawa ng anak
"Janella ikaw na bata ka kumain ka na dyn kung ano ano naiisip mo" pinamulahan sya ng pisngi sa narinig na sinabi ng anak.
Sobrang saya nilang tatlo habang kumakain. Bumawi si Juaquim sa ilang araw nyang di pagkain. Di Lang ang tiyan nya ang busog kundi ang puso nya dahil napawi ang lungkot nya nung mga nagdaang araw. Nakasama nya ang mag iina nya.
BINABASA MO ANG
my secret lover is Juaquim Montenegro
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...