Ang damdaming napapaligiran ng madilim na lipunan ay nakadungaw sa bintana ng katotohanan. Gusto niyang alamin kung bakit nagdusa ang bayan sa gitna ng kasaganaan. Nariyaan ang liwanag subalit gusto niyang magtago sa karimlan. Mahirap alamin ang kanyang simulain dahil hindi litaw ang bandila na kanyang pinaniniwalaan. Ang kanyang ginagawa ay para sa pansarili lamang. Sinisisi niya ang bawat galaw ng lipunan kahit siya ang dahilan kung bakit gumalaw ito ayon sa inaasahan. Hindi niya batid ang kanyang mga pagkakamali dahil hinahayaan niya itong lumago sa kanyang kaloob-looban. Isinigaw niya ang pagbabago subalit umaasa siya sa ibang tao.May bunga ang bawat hakbang at dalawa lamang ang puweding paghahati-hatian. Ito ay ang problema o ligaya. Problema ang magiging resulta kung nagkamali ka sa pagpili ng tamang hakbang. Kasiyahan naman ang siyang kasagutan kung matutupad ang isinisigaw ng pangangailangan. Kung pumipintig pa ang pusong kumukuta sa moog ng kasalanan. Buksan sana ang durungawan at nang masisilayan ang lupang nagkasakit, nagdusa't nasusugatan. Kung ang pinipita ng iyong damdamin ay makasarili tandaan na may mga bagay na napasaiyong sarili, ginamit mo't ikaw ay guminhawa, kahit hindi mo kinusa.
Ang sangkatauhan ang puso ng lipunang nagkasala. Nagkasala sila, sapagkat hinuhusgahan nila ang bagay na walang sapat na batayan. Nagsala sila sapagkat,kakatwa ang ginawa nilang sulusyon sa mga pangangailangan. Nagkasala sila, sapagkat pansarili ang kanilang mga hangarin. Nagkasala sila sapagkat pinangungunahan nila ang bagay na nakalaan na sa tamang panahon. Sa madaling salita, nagkasala sila, sapagkat hindi nila sinunod ang utos ng kabutihan.
Hahayaan lang ba nating tuluyang maglaho ang pintig ng pag-asa? Ibibigay ba natin na ganoon na lamang ang lipunang saksi ng ating mga pasakit at ligaya?Tuluyan ba nating gawing pugad ng kasamaan ang mundong naging bahagi na ng ating buhay at magiging daigdig din ng darating pang salinlahi? Nakikinig ka ba kaibigan? Isa ka sa aking pinariringgan, dahil tayo ang puso ng lipunan.
YOU ARE READING
PUSONG NAKABAON SA GITNA NG KASALANAN
Short StoryTumutukoy sa lipunan at mga kasalanan ng mga tao. Sino ang tinukoy na puso ng lipunan? Nasa seleksyon ang sagot.