CHAPTER SIXTEEN

96 5 0
                                    

WARNING:SPG

CHAPTER SIXTEEN




“TOTOO ba?” Natatawa si Athena sa reaksyon ni Carla matapos niyang sabihin rito ang tungkol sakanila ni Zephyr nang araw na iyon. Halos maibuga kasi nito ang juice na iniinom. “Bakla ka! Seryoso ba? At talagang binigay mo sakanya ang perlas? Akala ko ba bakla siya?”

“I told you he’s not!” namumula pa niyang sabi. Naikwento na rin kasi niya rito ang lahat ng nangyari sakanila ni Zephyr mula umpisa. Walang labis walang kulang.

“So, naisuko mo na ang bataan? You’re not virgin na?”

“Shhh! Huwag ka ngang maingay! I am not anymore! Basta huwag kana maingay.” suway niya sabay lingon sa paligid. Nasa kamalig sila ni Carla, sa farm malapit sa kubong tinitirhan ng pamilya ng kaibigan. “Eh ano naman kung hindi na ako virgin? Sa America basta nagka period na ang babae ay pwede na, kahit nga twelve years old palang hindi na virgin and it doesn’t matter.”

“Athena, iba sa America iba dito sa Pilipinas! Gaga ka, kinumpara pa eh!” hindi niya alam kung kinikilig natatawa ang kaibigan o disappointed. “Malilintikan ka talaga sa mommy mo.”

“Carla, I don’t even remember kung paano ako nagpaubaya ng basta basta nalang kay Zephyr. Siguro it’s running in my blood. Half American ako ‘di ba. It’s just that the first time I saw him, alam kong siya na yung prinsipe ko.” Sabi niya.

“Prinsipe ka diyan! Hoy Athena, seryoso ka ba? So paano pag nalaman ni tita? Patay ka.”

“Kaya nga sikreto lang eh.” Pairap niyang tugon.

“How about Micko?” sabi nito. Natigilan naman siya tapos ay napabuntong hininga. “He’s really into you, girl!”

“Alam na niya. Na si Zephyr ang gusto ko.” Sagot niya na ikinakunot noo ng kaibigan. Dalawang araw na rin ang lumipas simula noong huling pagkikita nila ni Zephyr. Busy kasi ito sa farm dahil pinalitan muna nito ang kuya nitong nilalagnat.

“Oh? Ano sabi? Is he okay?”

“Actually, nagpaalam din siya kay mom. I know naman na gusto ako ni Micko. But si Zephyr talaga ang gusto ko and you know naman the reason, right? And yeah, he’s fine. Micko is so understanding. He’s kind, he deserves so much better.” Sabi niya.

“Eh ikaw yung gusto eh.” Sabi naman ni Carla. “Eh kung ako lang, hindi ko na siya papahirapan. Micko is such a hottie rin eh.”

Well, Carla is on point. Kahit sinong babae siguro ang popormahan ng binata ay talagang mapapasagot nito. Eh kung siguro hindi niya kilala si Zephyr ay baka may chance din talagang maging sila ni Micko. Hindi naman kasi mahirap mahalin ang binata.

“So, secretly dating kayo ni Zephyr?” tanong muli ni Carla. Mukhang kumbinsido na itong hindi bakla ang binata. Tumango siya. “Paano kapag nalaman ng mommy mo? For sure magagalit iyon.”

“Kaya nga isisikreto muna hanggang sa makagraduate.”

“Ng highschool?”

“College.” Sabi niya.

“Naku, Athena. Matagal tagal rin yan ah. Tapos yung course na kukunin natin, limang taon.” Sabi naman nito. “Pero sige, susuportahan kita sa kagagahan mo. Huwag ka lang sanang saktan ni Zephyr.”

LUMIPAS pa ang limang araw na busy pa rin si Zephyr. Lumala raw kasi ang sakit ng kuya nito kaya no choice kundi ito ang magtrabaho. Pagod rin naman ito pagkatapos ng trabaho kaya nakakatulog ng maaga. Nakakausap naman niya ito sa telepono pero namimiss na niya ang nobyo.

MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon