07.

53 20 9
                                    

"Why are you doing this?" I asked him while we are currently sitting down at one of the empty bench of the canteen eating some potato chips. Sa totoo lang ay hiyang-hiya ako sa itsura ko ngayon, walang tsinelas, naka-hospital dress at gulong-gulo pa ang buhok.

Dumiretso kami ni Clight rito sa canteen area matapos ang pangyayari kanina papuntang garden ng hospital. Medyo, nagkakailangan pa nga kami dahil sa ginawa niya. Ako naman ay halos mangamatis na ang pisngi dahil sa matinding pamumula sa tuwing binabalingan niya ako nang tingin. Aalis na sana ako nang hindi niya sinasadyang marinig ang kumukulo 'kong tiyan sa gutom, tsaka ko lang naalalang hindi nga pala ako nakapananghalian dahil sa nangyaring pagtatalo namin ni dad kanina.

"What do you mean?" Pagkukuro naman niya.

"Ito, bakit mo ako tinutulungan? Noong tatlong araw na ang nakakaraan tinulungan mo ako nang biglang umatake yung sakit ko, tapos ngayon. . . t-that hug." sambit ko, his lips rosed up forming a wide smile.

"I got carried away, it's just there's something in me that's hurting me when I saw you crying." Wika niya. I avoided his stares.

"You remind me of someone, pasyente ng kuya ko." kuya? May kuya siya? Buong akala ko ay dalawa lang sila ni Naive ang magkapatid.

"May kuya ka pa?" I asked out of my curiosity.

"Yeah, but he died. It's been already 3 years, unexpected 'yong nangyari e. Just because of that thing our family broke into pieces." Aniya gamit ang malungkot na tono.

"Ano ba 'yong bagay na sinasabi mo?" Pagkukuro 'kong muli.

"You see, our family was unlike others... yung pamilya ko may malalaking business all around the world kaya parang bukas na aklat ang bawat buhay ng isa sa amin." Pagpapaliwanag niya, so kung gano'n? Mayaman sila?

Oh my gosh! Ganoon sila kayaman?!

"Kuya, on the other hand was one of the youngest doctor to be the owner of some huge hospitals here in Philippines." Aniya.

"You guess, sa tingin mo... Anong hospital ang pagmamay-ari niya?"

"Hmm... Jones Hospital?" Umiling ito.

"Brent,"

"I admire him for that, ofcourse. Although, one time there was this woman. She had this beautiful features. Lagi ko siyang nakikita dito, since Naive was already confined here due to his heart condition." Nakikinig lamang ako sa sinasabi nito.

"Matangkad, may kaputian, she had a brunette long hair, small face, thin lips, cute nose and had a amber shade of eyes." Aniya, unti-unti 'kong pinagtatagpi ang imahe ng babaeng tinutukoy niya sa isipan ko. Base sa sinasabi niya ay maganda nga talaga ito.

"Her personality was just like you, introvert. Madalas mapag-isa, likes black color, loves escaping, loves music, and had a miserable life." Muling saad niya at tiningnan ako.

"But one thing I know for sure is magkaiba lang kayo ng sakit," I arched a brow, he sighed.

"Kuya, fell inlove with her. Doctor ni Ate Savviena si Kuya Nicklaus. As time goes by, the two developed some feelings towards each other. Saksi ako sa pagmamahalan nila, mariin ang pag-i-ingat ni Kuya sa babaeng 'yon. Hindi na ako nagtataka kung bakit." He laughed.

"She's so caring, brave, and strong woman. Pero, yung dating masasayang ngiti na laging nakapinta sa mukha ni kuya, biglang napalitan ng takot at pangamba nang magsimulang lumala ang sakit ni Ate Savviena." Bigla akong kinabahan sa sinabi nito nang makitang bumabalik ang lahat ng sakit base sa mga mata niya.

"Ate Savviena was diagnosed with stage three acute lymphoblastic leukaemia." Tila may kung anong bagay ang bumara sa lalamunan ko. That thing. . .

A Life Without You [Completed, Published Under Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon