ILANG SEGUNDO PA lang silang naglalakad nang may kung anong nagtulak kay Shanelle na i-angat ang mga kamay. Pinagsalikop niya iyon at walang pasabing pinukpok niya sa likod ng binata. Natumba ito kaya iyon ang pagkakataon niya para makatakbo palayo rito.
"Shit, Lane! Bumalik ka rito! Go back here or else... I'll do what I said to you!" nanggagalaiting sigaw ni Elvin pero hindi iyon alintana para siya'y tumigil.
Kailangan, kailangan niyang makaalis sa lalong madaling panahon. Takbo lang siya nang takbo at wala na siyang pakialam sa naaapakan niya. Wala na rin siyang paki sa suot niya basta't ang iniisip niya ay kaligtasan niya. Kahit na may naapakang mga bato, bubog, o kung ano man, hindi iyon naging dahilan para tumigil siya sa ginagawa.
"Go back here kung ayaw mong masaktan!" muli na namang sigaw ni Elvin.
Hindi niya ito binalingan basta't patuloy pa rin siya sa pagtakbo patungo sa gubat na nasa harapan niya. Nang makarating sa loob ng gubat, ni isang segundo ay wala siyang sinayang. Hinanap niya ang daan para makaalis sa isla at para na rin maabutan niya si Elvin na ngayon ay nanggagalaiti na.
Gusto lang naman niyang makita ang mga magulang niya pero hindi siya nito pinayagan kaya nagawa niya iyon. Mahina lang ang pagpalo niya sa likod nito kaya alam niyang tumatakbo na ang binata at hinahabol siya. Hindi niya kailangang magpahuli dahil alam niyang sasaktan siya nito lalo pa't nakita na niya ang totoo nitong ugali. Hindi pala ito mabait, isa itong demonyo... anak ni Satanas!
Takbo lang siya nang takbo hanggang sa may nakita siyang isang matandang lalaki na may kargang kahoy sa balikat. Sa isiping makakatulong iyon, mas binilisan pa niya ang pagtakbo para makapunta sa kinaroroonan ng matanda.
"Tulong! Tulungan niyo po ako!" sigaw niya. Kaagad na tumingin ang matanda sa direksyon niya. Binitawan nito ang pasan na kahoy at nagpapantastikuhan siyang tiningnan. "Tulungan niyo po ako. Nagmamakaawa po ako sa inyo! Gusto ko pong makaalis dito sa lalong madaling panahon. N-nagmamakaawa po ako." Hinawakan niya ang kamay nito habang walang tigil na namamalisbis ang luha sa kaniyang mga mata.
"Ano bang nangyari, hija? B-bakit ka humahangos? Bakit ka ganiyan? May humahabol ba sa iyong hayop?" Ramdam niya ang pag-aalala sa boses nito.
Umiling siya. "M-may lalaki pong humahabol sa akin. Gusto ko lang naman pong umuwi pero sinaktan niya po ako. Nagmamakaawa po ako. Ituro niyo po sa akin ang daan paalis dito. Nagmamakaawa po ako, please..." Patuloy pa rin sa pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata.
"Sa dakong iyon." May itinuro itong direksyon. "Diretsuhin mo lang iyan at kapag may nakita kang signage, sundan mo at kalsada na ang kakalabasan mo. Mag-ingat ka, hija."
"Maraming salamat po, u-utang ko po ang buhay ko sa inyo."
Tumango lang ang matanda kaya kaagad niyang binitawan ang mga kamay nitong hawak. Hahakbang pa sana siya nang bigla na namang umeko ang nakakarinding sigaw ni Elvin at alam niyang malapit na iyon.
"Go back here, Lane! Huwag mo akong pagurin kundi... gagawin ko talaga ang mga sinabi ko. Bumalik ka rito, Lane! I said come back here!"
Kung nakikita niya siguro ang binata, baka labas na ang mga ugat nito dahil sa tindi ng galit. Ramdam na ramdam niya iyon dahil sa pagsigaw na wala pang sasakit sa tunog ng sirena.
Humakbang na siya ng isa at akmang hahakbang pa ulit siya, biglang hinawakan ng matanda ang kamay niya. Nagpapantastikuhan siyang tumingin dito at ang mga mata niya'y hindi maipinta. Nanlaki ang mga niya habang matamang nakatingin sa mukha ng matanda.
"B-bakit po?" nahintatakutan niyang tanong at pinilit na inalis ang kamay na hawak nito pero lubusan itong malakas.
"Sir. Elvin, nandito po ang babae! Nandito siya!" sigaw ng matanda na halos ikapatid niya sa kinakatayuan.
BINABASA MO ANG
Sold Her Virginity (R18+)
General FictionAno ang handa mong isuko alang-alang para sa mahal mo sa buhay? Kahirapan...iyan nag-udyok kay Shanelle upang pasukin ang trabahong kailanma'y hindi niya pinangarap. Dahil sa kaibigan, nalaman niya na may trabaho na kung saan ay ibibigay mo ang pagk...