TMYL #17

98 3 0
                                    

Litong-lito ako kung anong dapat gagawin pero hindi ko namalayan na pumara na lamang ako ng taxi sa harap nila. Nagmamadali akong sumakay ngunit pinigilan ng mga kaibigan ko.

"Saan ka pupunta? Bakit ka magtataxi?" Gulong tanong ni Irene sa akin.

Nilingon ko ang sasakyan ni Von na unti-unti nang lumalayo at nilingon ko ang mga kaibigan na tila naghihintay ng sagot ko. Bumuntong hininga na lang ako. Bahala na.

"Jaz...Jaz, will explain everything." Mabilis kong sagot at kitang-kita ko ang pagkagulat nito.

"Ako? Sure ka?"

"Yes. I have to go, I'm sorry. Babawi ako, bye!" Sigaw ko matapos dumungaw sa bintana ng sasakyan at kumaway sa kanila.

"Manong, pakisundan po yung sasakyan na 'yon." Seryosong sabi ko sa driver ng sasakyan at tinuro ang sasakyan ni Von.

Ano kayang pinaplano nitong si Melanie? At si Von! Oh my gosh, that man! Sobrang tanga, nakakainis! Kailangan na talagang pukpuking ng harap-harapan eh. Mukhang hindi nakakaramdam.

Kaninang nakita ko sila Melanie at Theo kanina ay wala akong naramdamang kahit anong galit. Meron siguro, pero hindi galit eh..siguro inis sa kanilang dalawa. I told myself, karma will come one day for the both of them. Pero nang biglang nagpakita si Von kanina ay iba ang naramdaman ko. Ako yung nasaktan para kay Von. The scene looks really familiar. Parang ako yung nasa datig sitwasyon ni Von, although Theo didn't cheat on me but the pain is undescribeable.

"Nandito na po tayo." Sambit ni Manong at mabilis akong nagbayad.

Tumigil sila sa harap ng bahay nila Von. Unang lumabas si Von kaya tumakbo kaagad ako papunta sa kanila.

Bakit kasi ang layo naman nang pinagbabaan sa akin ni Manong? Kailangan ko pa tuloy tumawid. At ngayon, para akong nakikipagpatintero kay kamatayan dahil sa mga sasakyang dumaraan.

"Von!" Sigaw ko nang makitang bubuksan niya na sana ang pintuan ni Melanie. He looks confused at first probably not recognizing me immediately but later on, he rushed towards me.

Mabilis akong nakatawid habang patuloy na hinihingal.

"Magpapakamatay ka ba uli?" Malakas na sabi nito. Parang ganito rin ang sinabi niya sa akin noong nakita nya ako sa rooftop.

I am catching my breath and couldn't able to answer him yet.

"What took you so long to open the door for me?"

Mabilis akong napairap matapos marinig ang isang boses na mahinhin na nagpakulo kaagad ng dugo ko. Wow. I thought, only Theo can make me feel like that. Mukhang may isa pa pala.

"I'm sorry, Melanie. I just sa--"

"You saw what?" Usisa nito at naglakad tungo sa amin. Nang makita akong hinahabol pa rin ang paghinga ay mabilis itong sumimangot. How interesting that she can change her facial expression from being an angel to being a bitch right now. Kabisado ko na yung mga ganyan.

"Oh...her," she said with a different tone.

"What about me?" Iritang sagot ko agad dito dahil nagsisimula na talagang kumulo ang dugo ko sa kanya. Bakit ba palaging nakikita ko sila ni Theo na naghahalikan? Ugh!

"Don't tell me you're going to fight again? Come on, girls!"

"No, Von. Hindi ako sanay makipag-away." The two-faced bitch said using her mahinhin voice. Isinabit pa nito ang braso niya sa braso ni Von. And this guy, he looks shocked or whatsoever.

"Hindi ka sanay? Well, ako sanay ako. And girls like you are really pissing me off." Inis na sabi ko dito.

"She's scaring me." Paawa nito at nakuha pang magtago sa likod ni Von na parang aping-api.

The Moment You Left (Marupok Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon