TMYL #30

118 3 1
                                    

Napabuntong hininga ako at parang pagod na pagod sa eksena kanina.

Sino ba naman kasing hindi mapapagod doon? Dalawang kinaiinisan ko nagsama. Parang inubos na nila lahat ng inis ko sa katawan.

"Congrats!" Masayang bati ng mga kaibigan ko Kay Sky dahil sa balita nito.

"Babae o Lalaki?"

Binatukan ko naman si Ed at inirapan.
"Shunga ka ba? One week pa lang yata!"

"Kalma ka nga diyan. Ba't ba ang init ng ulo nito?" Dinig kong bulong niya kila Alaina.

"Bakit? Mag-away na naman ba kayo ni Theo—Ay, wala ka na palang jowa." Napangiwing sambit ni Isaiah na inirapan ko din.

"Bakit? Palagi silang nag-aaway ni Theo noon?" Gulong tanong ni Irene. Nilingon ko ito sa tabi ko at napabuntong hininga.

Mabilis at sabay-sabay namang nagtanguan ang mga kaibigan ko.

"Noon kasi 'yon. Come on, girls! Mag-move on na kayo, ako kasi tapos na diyan."

Halos masamid naman si Jaz sa iniinom niyang shake kaya mabilis hinampas ni Andy ang likod niya.

"Aray ko naman! Parang gago!" Reklamo nito dahil mukhang mas lalo siyang nasamid sa ginawa nito. Kitang-kita namin na tuwang-tuwa si Andy sa ginawa niya.

"Wow ha? Ikaw? Talaga lang?"

Tinaasan ko naman ng kilay si Isaiah bago ako humigop sa kape ko. "Oo. Bakit? Hindi kayo naniniwala?"

"Hindi." Sabay-sabay na sambit nila. Kahit si Sky at Irene sa tabi ko na kanina pa tahimik ay nakisabay din.

Napangiwi ako sa kanila. Bakit ba hindi sila naniniwala?

Oo, mahal ko si Theo. Pero ngayon, minahal ko na lang siya. Wala na talaga akong nararamdaman sa kaniya bukod sa panginginig ng kalamnan ko kapag nakikita o kahit maamoy at marinig lang ang pangalan niya.

"Ano palang nangyari sa paa mo? Tsaka sino naghatid sa'yo kanina? Hindi 'yon yung sasakyang gamit mo noong nagpunta kang ospital."

This time, ako naman ang nasamid sa sinabi ni Sky.

"Bakit ba nasasamid ang mga tao ngayon?" Pagtataka ni Irene na humihimas sa likod ko.

Fuck.

Nakita pala ni Sky 'yon! Siya pa lang kasi nakakakita ng bago kong sasakyan. Hindi nga ako madalas nakakalabas ng condo ko dahil sa paa ko at si Von ang naghatid sa akin kanina!

"Uy! May naghahatid na sa kanya!" Pang-aasar ni Ed at talagang tumayo pa para sundutin ang tagiliran ko.

"Pinagsasasabi niyo diyan?" Asar kong sabi at uminom uli para maiwas sa akin ang topic.

"Tama naman ako ah? Hindi mo 'yon sasakyan." Pabulong na sambit ni Sky na mukhang ayaw pa manahimik.

"Manahimik ka na please," suway ko sa kaibigan at pinanlakihan ng mata.

We spent two hours on Ed and Alaina's cafe. Sky told us about the baby which I found out first before her dumb husband. Ang shungang Kai na iyon.

"Mawawala ako sa susunod na buwan ha,"

Kumunot ang noo ko at nilingon si Isaiah. Saan naman pupunta itong isa na 'to?

"Saan punta mo teh?"

"Susunod na buwan? Gaga ka ba, one week na lang September na!" Pagsingit ni Irene sa tabi ko.

"Basta." Sabi nito na mukhang walang balak ipaalam sa amin kung saan siya pupunta. Parang yung dahilan din niya sa pag-atras sa pageant.

"Alis na ako, nandito na sundo ko." Pagtayo ni Sky at nakita naming bumubusina na si Kai sa labas ng cafe.

The Moment You Left (Marupok Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon