___
"Lyla! Dito!" Rinig kong sigaw ni Yulli at nakita ko yung kamay niya. Yung kamay niya lang dahil di ko siya makita sa dami ng taong nakaharang. Hahaha. Pero jusko! Ang lakas ng boses niya, kakahiya.
Pumunta na ako sa kung saan man si Yulli nakaupo ngayon, susko! Kasama niya pala yung boyfriend niya. Inggit ako bes!
"Ang tagal nito! Kanina pa ako kumakaway. Kakangawit kaya." si Yulli
"Sorry, di kita nakita, ang liit mo eh pfftt." sabi ko at napatawa rin ang boyfriend niyang nasa tabi niya, kaya nakakuha ito ng medyo malakas na pagsiko kay Yulli pero pinitik rin ni Stephen ang noo niya bilang bawi. Ang harot lang nila! -.-
"Ang harot niyo! Paano naman ako? Respeto naman." at napatawa nalang sila sa akin.
Sigh. Sana ako din may kaharutan. Charot.
Kumakain kami ng chicken sandwich at habang nasa kalagitnaan kami ng pagkukwentuhan, naramdaman kong may tumabi sa tabi ko.
"Hi Lyla." bati ni Chase with matching smile pa sabay lapag niya sa table ng tatlong corndog na nasa plato.
"Hello." bati ko pabalik at kumagat sa sandwich ko.
"Yo! Chase" bati ni Yulli sa kanya.
"Ginagawa mo dito dre?" sabay apir ni Stephen sa pinsan niya.
"Wala kaming maupuan ni Cheena. Sakto nakita namin kayo dito, kaya paupo. Hehe." sabi niya tapos nakiupo yung Cheena at pumwesto sa tabi ni Chase
Kumbaga, ganito ang pwesto namin.
Yulli Stephen
T A B L E
Ako Chase CheenaShet. Ang weird nanaman ng feeling ko. Nawalan ako ng ganang kumain kaya binalik ko sa supot yung sandwich ko saka nilagay sa bag.
"Ba't di mo inubos?" tanong ni Yulli sa akin.
"Medyo busog pa kasi ako, alam mo naman, madaling bumaligtad ang sikmura ko." then I smiled saka tumayo dahil may narecieve rin akong text galing kay Jade na may madaliang meeting kami ngayon.
"Ano, uhmm una na ako sa inyo ah, may meeting kami eh, kakatext lang ni Jade." Nagbeso beso na ako kay Yulli at nagpaalam na sa kanila.
Sheez. Ano ba ito? Bigla bigla nalang akong nawawala sa mood. Siguro dahil malapit na ang monthly period ko! Tama baka yun ang dahilan. Jusme.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad papunta sa meeting place namin ng biglang may kumuhit sa ulo ko. Paglingon ko sa left side ko, wala! Pero muntikan na akong ma-heart attack nung pagharap ko ay nandoon na si Chase. Kaya ayon pinaghahampas ko nga siya. Bwiset eh!
Natapos ko na siyang paghahampasin ay tumatawa parin ang letsugas!
"Sobra ka naman kung makapalo. Hahaha" sabi niya pero inismiran ko lang siya.
"Kasalanan mo 'yon! Sino bang may sabing manggulat ka? Tsaka teka, saan na yung kasama mo kanina?" pagpuna ko nang mapansin kong wala na yung babaeng kasama niya kanina. Sino nga yun? Yung China--Che--ay ewan! Basta yun.
"Nauna na." Tipid niyang sabi, kaya tumahimik nalang ako, pero bigla nanaman siyang nagsalita.
"Bakit mo naitanong? Selos ka?" tanong niya in a malicious tone.
"Kapaaaal." sabi ko nalang
"Pero ang ganda niya 'no? Hahaha, ideal niya kaya yung mga kagaya ko? Ano sa tingin mo?"
"Ewan ko. Ikaw bahala." sabi ko at patakbong pumunta sa pwesto kung saan ay nakaupo na sila Jade.
Ngina! Ewan ko nabadtrip talaga ako bigla. Bwiset! Gusto kong manghampas ng tao! Ano bang problema ko?!
YOU ARE READING
Torn [SHORT STORY]
Romansa[COMPLETED] Torn ㅡ a short romance story ㅡ product of my imaginations ©All Rights Reserved ✧.*[11.30.2020 - 06.23.2021]*.✧