Kabanata 3 | TGWAFCW

47 22 39
                                    

A Race To Your Heart | Phoenix University Series 2

Kabanata 3 | TGWAFCW


***

"Cause your presence still lingers here

and it won't leave me alone."

"Ang ganda ng boses ng kapatid mo Ronan!" bulong ni Kevin sa mga kaibigan at napangiti naman si Ronan at si Jackson dahil dito.

Samantala, si Race ay nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng nasa didbib niya. Ngayon lamang siya nakarinig ng boses na punong-puno ng emosyon ang pagkanta bukod sa pagiging maganda ng boses nito na talagang sumapol sa puso niya.

Napatingin si Race ng seryoso kay Raegan dahil nakakaagaw ng atensyon ang boses at mukha nito. Malamig ang boses ng dalaga at masarap ito pakinggan ng paulit-ulit kaya't hindi mapigilan ni Race na makinig.

Hindi  halata kay Raegan na magaling siyang kumanta dahil para kay Race ay wala itong ibang alam gawin base sa pagkakakilala niya dito na impulsive, mahiyain, at tahimik.

"Ang swerte natin  dahil ngayon nalang uli namin nakita si Raegan na kumanta at tumugtog. Tumigil na kasi siya sa passion na ito simula nang mawala ang magulang namin."

"Anong nangyari?" tanong ni Kevin at ngumiti ng mapait si Reed habang nakatingin sa kapatid niya.

"She's blaming herself why we became orphans." malumanay na sabi ni Rocco at napatiwas ng tingin si Kevin nang marealize niya na ang sensitibo pala ng kaniyang naitanong.

Sa mga nakaraan na participant, lahat ng audience ay pumapalakpak sa tuwing may matatapos na kalahok na sumabak sa audition. Ngunit nang matapos si Raegan, balot na balot ng katahimikan ang buong little theater. 

Hindi man akalain ni Race pero pati siya ay biglang nanglamig at naapektohan. Hindi makapagsalita o makagalaw. Hindi niya alam anong reaksyon ang ipapakita at kung anong mga salita dapat ang sabihin. 

Tanging si Raegan palang ang nakakapagbigay sa kaniya ng goosebumps sa buong buhay niya.

"P-Proceed to your second choice piece." nauutal na sabi ni Race at hindi maituwid ang sinasabi.

Umalis si Raegan sa piano at naglakad ito patungo sa pwesto ng acoustic guitar. Nang makalapit siya ay agad niyang isinuot ang strap ng gitara at nagsimulang tumugtog.

He's amaze and dazed.

***


"Akala ko hanggang mamaya na tayo dito e. Natapos din sa wakas!" masayang sabi ni Kevin habang nag-iinat ng katawan niya.

Kakatapos lamang ng audition at lahat sila ay nag-pack up na ng gamit dahil oras na para magpahinga. Sa susunod na Biyernes ipo-post ang resulta ng audition sa bulletin board ng admin building kaya't mayroon silang isang linggo para pag-usapan ng mabuti ang desisyon ng club.

"Bud, I saw Elle outside and I guess she's waiting for you." ani Jackson.

Napalingon si Race kay Jackson at agad itong umiling nang malaman ang tungkol kay Elle. Ano na naman kaya ang problema nito para humingi na naman ng oras para sa pakikipag-usap?

Kung sino pa ang nang-iwan at nagloko, siya pa ang hirap mag-move on.

Mas lalong nakaramdam ng inis si Race sa mga babae. Sinabihan na nga ng ayaw sa kanila ng lalaki pero mangungulit pa din. Ano ba ang hindi maintindihan sa salitang 'ayoko na' at 'hindi na kita mahal'.

A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon