The king was kissed by a him.
Davin's POV
Bumaba ako sa trono nang matapos ko ang aking mga sasabihin. Taas noo akong bumaba at nakipag usap sa mga maharlikang sumasalubong sa akin. Dumiretso ako sa labas ng silid na pinagdarausan ng kasiyahan upang magmasid.
Pagkalabas ko ng pinto ay agad na yumakap sa akin ang banayad na ihip ng hangin. Kay payapa ng gabi at kay ganda ng buwan. Ang buwan ay nakasilip sa mga ulap, ito'y bilog na bilog na nagbibigay ng kakaibang lakas sa iba't ibang nilalang na naninirahan sa mundong ito. Sa di kalayuan ay may natanaw akong anino ngunit bigla rin itong nawala. Isang prisensya ang naramdaman ko sa aking likuran kaya agad agad akong lumingon dito upang siya sana'y batiin.
Ngunit nagulat ako....sa kanyang ginawa.
He kissed me.
Nagsinghapan ang ilan sa mga bampirang nakakita ngunit ang bampirang nasa harapan ko'y bigla na lamang nawala.
Isang kahangalan! Ang bampirang iyon ay isang hangal at nais maputulan ng ulo. Wala siyang galang sa hari ng imperyong ito!
Ipinahabol ko ang lapastangang bampira sa mga kawal ng palasyo nang hindi ginagambala at ginugulo ang kasiyahan sa loob. Ang ilan sa mga bampirang nakakita ay agad din namang umiwas ng tingin at nanahimik nang tingnan ko sila. Alam na nila marahil ang ibig sabihin niyon.
Tumingin ako sa hawak kong kwintas, tanging bagay na nakuha ko sa lapastangang bampirang humalik sa akin. Ito ay nagliliwanag kasabay ng pagsinag ng buwan sa kulay nito. Nagbibigay ng iba't ibang uri ng kulay berde ang batong nasa kwintas. Mayroon itong letrang hindi ko malaman kung ano, ito'y kahalintulad ng sinaunang letrang 'ᜑ᜔' at 'ᜁ' ngunit hindi ito malinaw sa aking paningin dahil ito'y nagbabago-bago sa bawat segundo.
Ang mukha nya'y maamo ngunit malabo sa mga alaala ko. Ang tanging malinaw sa akin ay ang paghalik na ginawa niya sa akin.
---------
Tatlong araw na ang nakalilipas nang mangyari ang pagdiriwang at ang paghalik sa akin ng isang bampirang lapastangan ngunit wala pa rin akong nakakalap na impormasyon sa kung sino man ang bampirang iyon. Tinanong ko na rin ang mga nakakita sa nangyari ngunit gaya ko'y hindi rin nila nakita ang mukha ng bampira, marahil ay dahil sa bilis ng kanyang pagkilos at dahil na rin sa bilis ng mga pangyayari na maski ako'y hindi manlang nakita ang kanyang kaanyuan. Masasabi kong matikas din ang kanyang katawan ngunit hindi ko maiwasang mapatanong kung bakit niya iyon ginawa sa akin. Marapat lamang na malapatan siya ng karampatang parusa dahil sa kanyang ginawa, kahit siya man ay dito naninirahan sa aking imperyo o kung siya man ay galing sa ibang imperyo.
Pinagpatuloy ko ang pagpapahanap sa bampirang iyon habang ginagawa ang aking katungkulan bilang isang hari. Ako'y nagbabasa ng mga hinaing ng aking nasasakupan at pinag-iisipan kung ano ang mga solusyon ang dapat kong ilapat sa mga ito.
"Mahal na hari!" yumuko ang isang bampirang kawal, "kami po ay may nakalap nang impormasyon tungkol sa bampirang huma---"
"Hayaan mong marinig ko ang mga ito." naputol ang kanyang pagsasalita dahil sa aking pagtatanong.
"Opo mahal na hari, mayroong po kaming napagtanungang bampirang prinsipe mula sa kaharian ng Lorica, kahariang malayo dito sa atin. Sinabi po niyang mayroon siyang nakitang isang prinsipeng bampira na nasa isang sulok at nagmamasid ngunit nawala ito nang lumabas kayo, marahil ay sinundan po kayo ng bampirang iyon mahal na hari."
"Nalaman mo ba kung saan naninirahan ang lapastangang bampira?" tanong ko muli.
"Opo mahal na hari ngunit hindi ko pa rin po sigurado kung siya nga po ba talaga ang gumawa niyon sa inyo, siya po ay naninirahan sa imperyo ng Harmonica, iyon lamang po ang hangganan ng aking nalalaman mahal na hari."
YOU ARE READING
The King's Only Mistake
VampireBeing a vampire king means you need to be open minded. Being a vampire means you need to have a strong mind while being a king means you need to have a strong heart and a strong will, but..... what if these two are contradicting? -King Davin Cassius...