(Sucy’s POV)
"Oh andito ka na pala anak ng demonyong mong tatay, ginabi ka ata ano nagpa-rape ka rin ba" kompronta sakin ni mama habang sobrang sama ng tingin.
"Ah ma hindi po napadaan lang ako sa parke at nagpahangin" sabi ko habang nakayuko. Handa na rin naman ako sa mga sasabihin niya. Pero ganon pa rin sa dati yung sakit. Naglakad ako at aakyat na sana sa taas ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at pinigilan.
"Oh san ka pupunta hindi pa ako tapos sayo, matapos kang maglandi at maglakwatsiya tatalikuran mo lang ako" sabi niya habang mahigpit na hawak ang pulsuhan ko.
"Wala po akong ginawang masama, totoo po ang mga sinasabi ko."
"Sinungaling ka, hindi ako naniniwala sayo magsama kayo ng demonyo mong tatay" sabi niya na ikinatulo na talaga ng luha ko.
"Ma wala naman po akong ginagawang masama sainyo, sinusunod ko naman lahat ng gusto niyo, naging mabuti akong anak para sainyo. Pero bakit naman po ganito ano bang nagawa ko para saktan niyo ako ng ganito?" Tanong ko habang walang humpay ang pagtulo ng aking mga luha.
"Ang kapal ng muka mo. Wala kang karapatang magtanong. Tandaan mo hindi kita mahal at kailanman hindi kita mamahalin, isaksak mo yan sa kukote mo!" sabi niya habang umiiyak na rin.
"Walang wala yang sakit na nararamdaman mo sa sakit na pinaramdam sakin ng tatay mo. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko kaya wala kang karapatan na sumbatan ako. Magpasalamat ka nalang dahil hindi kita pinalaglag kahit na gustong gusto ko. Ang kapal kapal pa ng muka mo na sabihin ang mga yon sakin" sabi niya sabay sampal sakin.
Umakyat nalang ako sa taas at nagkulong sa kwarto ko. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Humagulgol ako at nagtakip nalang ng unan sa muka.
Ayoko sa mundo. I hate living. Sana hindi nalang ako nabuhay. Sana nga pinalaglag nalang niya ako kung magiging ganito lang naman pala kapait at kagulo ang buhay ko.
Ang sakit sakit na. Napapagod na talaga ako pero wala akong magawa. Ayoko na sa buhay ko pero hindi ko kayang iwan si mama kahit sobrang sakit nang mga ginagawa niya, mahal na mahal ko pa rin si mama.
Hehe super short update lang kasi pinaghiwalay ko sila nung six dapat magkasama pero wala gusto ko paghiwalayin eh haha
-hera
BINABASA MO ANG
Fucking Accident
Teen FictionSucy Stephanie Dela Vega -a brat and bitchy girl na napabago ng isang lalaki, hanggang saan nga ba ang aabutin ng kanilang pagmamahalan. Thank you Vanessa Cabido Jalasan para sa book cover and Sucy Mae Saavedra sa pagpagamit ng name mo