D: 01

10 3 0
                                    

R&R

Dahan dahang pagmulat ng aking mga mata. Matagal akong napatitig sa kisame. Rinig ko ang mabilis na pagtibok ng akin puso. Nanginginig ang aking buong katawan. Tagaktak na ang pawis ko pero bakit ganito? Hindi ako makagalaw.

Pinipilit kong alalahanin ang mga pangyayari sa panaginip ko. Hindi ko maipaliwanag pero bigla nalang naglaho ang lahat sa aking isipan. Anong nangyayari? O mas tamang anong nangyari sakin?

Bakit ganito? Kakaiba itong karanasang ito pero parang nangyari na?

Hindi ko alam pero may kung anong pwersa ang nagtulak sa katawan ko dahilan ng pagkahulog ko sa kama. Ipinikit ko ang aking mga mata. Pero imbis na matigas na sahig ang aking pagbàgsakan, patuloy akong nahuhulog sa kawalan.

Maya maya pa ay napunta ako sa isang kwarto na napapalibutan ng liwanag noong una. Minsan na akong nanggaling dito. Pero hindi ko matandaan kung paano at bakit.

Kusang nagbukas ang puting pintuan. Umasa akong may mahahanap akong makakatulong sa akin. Napunta ako sa hallway, may dalawa pa itong kwarto. At sa dulong parte ay may matatanaw na sala. Habang patungo ako doon, unti unti ko ng naririnig ang iba't ibang boses.

Nabuhayan ako ng pag-asa kaya dali dali akong tumakbo para tingnan kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

Tumambad sa akin ang nakabukas na t.v at radyo.
Bukod dun, may naririnig akong boses ng lalaki. Tumingin na ako sa paligid pero hindi ko sya mahanap.

Kaba at takot ang nangibabaw sa akin dahil hindi koa na alam ang gagawin ko. At biglang..., may humawak sa balikat ko.

Napasigaw ako at hindj ko naiwasang mahampas ang taong yun.

A-aray! Sigaw nya at niyakap ang sarili.

Isang lalaki. Kilala ko sya.

Nawala ang kaba sa aking dibdib pero nagsimula ng tumulo ang luha sa aking mga mata. Sa isang iglap, naglaho agad ang aking takot, nakaramdam ako ng saya.

Dali dali nya akong niyakap. Shhh tahan na Rocher. Sorry hindi ko naman inakalang magugulat ka eh.

Sinuklian ko sya ng isang mahigpit na yakap. Sa mga oras na ito, ayokong pakawalan pa nya ako. Nakaramdam ako ng kaligtasan at proteksyon sa yakap nya. Kumakalma ako marinig ko lang ang maamo nyang boses.

Kilala ko sya. Kilala ko ang lalaking to. Kilalang kilala. Pero bumalik na naman ang masama kong pakiramdam, naglaho na naman ang aking naalala.

Hindi ko alam paano ako napunta dito perp ayoko ng umalis sa yakap nya. Nais ko sanang pagmasadan muli ang bawat detalye ng kanyang mukha ng biglang...,

H-hindi ako makahinga. B-b bitawan mo ko.  Pilit akong humihiwalay sa yakap nya.

Calm down sweetheart. Nag-iba ang boses ng lalakinh mahal ko.

S-sino ka? Anong ginagawa mo sakin? Sigaw ko sa kanya ng pakawalan nya ako.

S-sino ka? Anong ginagawa mo sakin? Pag-uulit nya. Nagaya nya ang boses ko. At nagbabago din ang kanyang itsura.

Nakarinig ako ng lagabag ng paa. Palakas ng palakas. Sigurado akong papunta sa amin. Nagmamadali tumakbo si R-r

Biglang sumakit ang ulo ko  dahilan para ipikit ko ang aking mga mata at takpan ang aking tenga, nabalot ng ibat ibang boses ang kwarto kung nasaan ako.

Hindi ko maintindihan. Anong nangyayari?

Palala ng palala ang pagsakit ng ulo ko. Ramdam ko ang pagtulo ng likido mula sa aking ilong. Minulay ko ang aking mga mata at laking gulat ko ng may patak ng dugo sa aking kamay ay puting damit.

Dumilim ang paligid. Nakarinig ako ng malakas na kulog at matinding kidlat. Nabalot ng puti ang kwarto dahilan para masilaw ako.

Pagdilat ko, nasa kulungan na ako. Muli kong nakita ang babaeng sumakal sa akin at sa harap nya ay ang lalaking nakatalikod sa akin. Humihingi ako ng tulong. Pero walang nakakarinig sa akin.

Kamukha ko siya. Kamukhang kamukha. Bakas ang takot sa kanya mukha. Patuloy ang pagluha. Iyan ang itsura ko kanina. Nangyari na ito.

Niyakap ni R-r. Hindj ko pa din matandaan ang pangalan nya.

Napasinghap ako ng biglang maglabas ng kutsilyo ang babaeng kamukha ko.

Paulit ulit akong sumigaw para balaan siya pero...

Rouge! Huli na.

Bumuhos ang luha ko. Hindi makapaniwala sa nangyari. Ako ba talaga? Ako ba talaga ang pumatay sa kanya?

Hindi. Ako. Ikaw ay ako. Dahan dahang gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi. Isang malakas na pagtawa ang narinig ko bago magdilim ang paningin ko.

Napabalikwas ako ng pagbangon. Hingal na hingal at basanh basa ang buong katawan sa pawis. Patuloy ang pagtulo ng luha ko.

Dali dali akong bumangon at tumingin sa salamin.

Iba na ang suot ko. Ang puti kong bestida ay namantsahan na ng putik at may punit sa laylayan.

Biglang pumasok sa akinh isipan ang nakakatakot na tawa ng babae sa aking panaginip. Tumakbo ako ng tumakbo para takasan ito. At sa akinh oagtakbo, isang tanong lang ang paulit ulit sa aking isipan.

Sino ako?






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary of A HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon