KESHA'S
Natapos ang gabi na iyon ng may ngiti sa aming mga labi. Tahimik kaming nag drive. Gaya nang napag-usapan, dinaanan namin ang kotse ko na naiwan sa parking ng Style Press at hinatid niya ako pauwi. Naka-convoy kami.
Pagdating sa bahay, nakita kami ni Mama kaya pinapasok muna siya.
"Good evening po, Tita." Bati niya sabay mano sa mama ko. Ganoon din ang ginawa ko. Maganda ang ngiti niya sa akin.
"Mukhang okay na kayo, ah." Bulong niya sa akin.
It turns out, alam na pala niya ang lahat! Sa kanya unang sinabi ni Sky ang pagpunta punta nito sa Paris noon. At seryoso daw na nagpaalam sa kanya na kukunin niya ulit ang loob ko. Ako na lang pala ang hindi nakakaalam, pero still, napangiti ako doon.
Nang sumunod na mga araw, magaan din ang ambiance sa work. Mas dumami ang kliyente ko hindi lang dito sa Pinas kung hindi pati na rin sa ibang bansa dahil sa magazine na na featured ako. I've got quite busy because of that.
Si Sky naman, consistent sa paghatid at sundo sa akin.
"Kayo na ba ulit?" Tanong ni Judith.
Well, kahit ako hindi ko rin alam. Siguro?
"Parang ganoon na nga." Sabi ko na lang.
Sobrang natural kasi ng mga nangyayari. Hindi na kailangan pa confirmation.
Napag-usapan na rin namin ni Sky noong isang araw ang tungkol sa career niya. Hindi ko pa rin naiwasang magtanong.
"I'm thinking, paano kung.. maulit 'yung noon? You have your career. And it's not just a career for you. It is your life." Tanong ko.
Umiling siya. "When you left, I realized so many things. That is why I fix some things. With the help of Mico and the barkada. Umalis ako sa agency ko noon. Iba na ang agency ko, pati na rin ang manager ko. And my manager understands. Hindi niya ako binabawalan sa ganitong bagay. Hindi tulad noon. I learned how to compromise. And I know what to compromise now. It's my work, and not you that needs to be compromised..."
Medyo lumuwag na nga ang sched niya ngayon kahit papaano. And true to what he said, nakunan kami ng paparazzi noong huling coffee date namin. Kaya naman sa wakas, nagbigay na siya ng statement patungkol dito. Pumayag naman daw ang management niya at hindi naman daw iyon gaanong makakaapekto sa career niya.
"Is it true that you're dating a famous Fashion Designer?"
"Balita namin, magaling siya sa field niya kaya madalas nakukuha."
Tanong ng ilang reporters sa press conference niya.
"Yes, she's my long time girlfriend."
Dumami ang bulung-bulungan nga mga reporters. Marami pang naging tanong pero kalaunan, natapos na rin.
On the following months, nagkabalikan na nga kami talaga.
Nakilala pa nga ako lalo dahil kay Sky. Pero hindi naman ganoon ka-toxic ang mga media. I want us to be private as much as possible.
I opened it to him. Sabi naman niya, handa niyang iwan ang career niya para sa amin. Hindi ako pumayag, syempre.
"I will be willing to go on hiatus. Plano ko rin namang bumalik sa pag-aaral."
Umiling agad ako. Hinawakan ko ang kamay niya. "Sky, no. You know that I will never ask you that."
"I know. Pero para sa akin din naman."
"No. Don't decide like that. We can be together and not compromising something important to both of us."
Nagliwanag ang mukha niya doon. Hindi ako papayag. Ito ang buhay niya at pangarap niya noon pa. Hindi niya ito dapat sayangin.
Pumayag naman siya, pero determinado talaga siyang tapusin ang Engineering na naumpisahan niya noon. Sabi niya, after ng Asian Tour niya, medyo magla-lie low siya para unahin ang pag-aaral. Yes, he's going to have a concert abroad! And we are so excited about it.
--
SKY'S
It's been six months since Kesh and I got back together. Um-okay ang mga bagay bagay simula noon. And I've never been this happy.
Three months ago, I announced Kesha as my girlfriend. Syempre, hindi mawawala ang ilang bashers, pero marami pa rin naman ang supporters. Ma'am Cel, my manager has been supportive to me since day one.
Ang dami kong narealize simula nang lumipat ako ng agency. Na-realize ko na, I can still have my personal life other than my career. Also, fame isn't everything, indeed. Because what matters most is, you inspire other people using music or in any of your chosen craft. As long as you're doing that, then you are doing great enough. Fame is just a bonus.
And now, I will be having a concert in South Korea. Second Album ko ito. First album ko naman sa new agency ko. This will be the last concert that I will be doing for now because I plan to go back to studies.
"Mr. Laxamana, start na po tayo in 10 minutes." Sabi ng organizer sa akin.
"Okay, thank you."
Tapos na akong magbihis at ayusan ng kaunti. Nasa backstage pa rin ako. Bumukas ang pintuan ng backstage. Akala ko organizer ulit pero napangiti ako nang makita ko kung sino.
"Ready?" Tanong ni Kesh sa akin. Sinalubong ko siya ng yakap at hinalikan siya sa noo.
"Nervous as hell. Pero parang nawala kasi nandyan ka na, eh."
"Hmp! Bolero ka pa din talaga, eh." Hampas niya sakin.
"Aww. Sinasaktan mo na ang baby mo ngayon, ah." Biro ko. Tumawa siya.
"Re-charge hug?" She offered. I nodded.
It was the most powerful hug in the world. Feeling ko, kaya ko ang lahat pag nandyan siya. She is my strength.
Natapos ang gabi na 'yon. I am happily performing in the crowd. Kesha is in the front. Now, I can say that my dream finally came true.
Nanood din ang barkada. Hindi magpapahuli, eh. We stayed for two more days in South Korea para maglibot.
Enjoy and enjoy naman si Kesh. And I'm happy with it. We went in tourist spots that are mostly in Seoul. We took a lot of photos, too.
Noong pabalik na kami sa Hotel noong last day, nagpaiwan ako para may bilhin.
"Baby, una na kayo sa hotel. Sunod ako, may urgent meeting kami nila Ma'am Cel." That's a lie. Mauuna kasi silang bumalik ng Manila. At this hour might be their flight back home.
"Oh.. sure. Medyo pagod na rin ako, eh. See you later. Ingat ka."
I kissed her. "Uhuh. See you later... I love you."
"I love you." Sagot niya. Ibinilin ko na muna siya kina Psalm pabalik ng hotel.
I called Mico and Lance na naghihintay na sa akin ngayon. I confirmed na nandoon na nga sila sa meeting place namin.
I went to Graff, a jewelry shop in South Korea. Sinalubong ako nila Mico at pumasok na sa loob.
"I always knew you two will end up together." Sabi ni Lance.
"Kaiyak, bro. As your best friend, I am so happy for you." Sabi ni Mico.
"Thank you, guys. For staying with me all this time." Sagot ko naman.
"Teka nga, ang drama niyo, eh. Parang sa inyo ako magpopropose, ah." Dagdag ko.
Natawa sila. "Mamili ka na dyan." Wika ni Mico.
Namili ako ng engagement ring. I chose a simple but elegant (like her) three stone engagement ring.
And yes, I will be proposing to her. Not now, but I will ask her when the time is right. I am just so sure that she will be the only person I want to be with for the rest of my life that is why I am buying a ring for her as early as now.
AN: Epilogue next. See you. :)
BINABASA MO ANG
He's my Superstar
Teen FictionI want him to reach for the stars he want. But if he's already there, will I able to reach him too?