Flashlight
Pumasok muli ako sa loob ng palazzo. Nakatingin lamang ako sa kamay kong hawak hawak ng kamay niya. Paano ay kanina niya pa ako hinihila dahil nga ayaw ko pang pumasok ulit sa loob. Wala ba akong sariling desisyon dito?
"Uhm, excuse me, pwede mo na akong bitawan. Nag-eenjoy ka na yatang hawakan 'yong kamay ko." daing ko sa kanya. Lumingon siya sakin at saka tinignan ang magkahawak naming kamay. Nagulat siya roon kaya binitawan niya rin naman ka agad.
Wow ha? Siya na nga nakahawak ng kamay ko bakit parang siya pa 'yong lugi?
Pagkatingin ko sa paligid ay narito na pala kami sa veranda sa gilid ng palazzo kung saan may overlooking view ng dagat. The ocean breeze is slapping my face as I look towards the dark blue water. I looked above and saw the sparkling stars dancing at the night sky. It feels so quiet here. Ang maririnig mo lamang na ingay ay ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Malamig dito sa labas ngunit hindi ko naman gaano nararamdaman dahil sa coat na pinahiram nitong si Kristoffer.
Napatingin ako kay Kristoffer na ngayon ay nagtatanggal na ng sapatos at medyas. What is he doing? Iba talaga ang pagiging spontaneous ng lalaking ito.
Tumalon ang puso ko sa gulat noong nagsalita siya bigla.
"Why are you looking at me like that?" sabi niya while pointing at my curious eyes. Kinabahan ako bigla sa tanong niya. Alam kong hindi ako dapat kinakabahan pero parang nakakaintimidate pag siya ang kausap. Parang bawal kang magkamali sa mga kilos o sasabihin mo.
"Looking at you like what?" I acted like I wasn't nervous. Nagkibit lamang siya ng balikat at nagsimula nang bumaba roon sa hagdan papunta sa dagat.
"Are you coming or not?" tanong niya sa akin.
It's not a good idea to go with a stranger. Actually, hindi naman pala siya total stranger dahil nakilala ko naman na siya before. So that means it's okay lang, right?
I removed my heels and left it at the wooden floor. Since my dress is kind of long, hinawakan ko ito pataas para hindi sumayad sa buhangin. The velvety sand embraced my cold feet as I walk towards him.
Tinignan ko ang kasama kong ngayon ay kinukuhaan ng litrato ang bilog na buwan. Inaamin ko naman na gwapo talaga itong si Kristoffer, walang halong duda roon. Pero bakit parang mas lalong nagliliwanag ang kanyang mukha habang natatamaan ng ilaw ng buwan? Posible ba 'yon? His thick brows are furrowing as he's taking the right angle for the picture. Hindi lang ang kanyang front look ang pinagpala, his side profiles are also breath taking. He looks bright like the sun but his attitude is like a cumulonimbus.
"Your turn princess, say cheese." biglang sabi niya. Nagulat nalang ako sa silaw ng flash ng camera sa aking mata.
Shocked? Yes.
Is this new? No!
Tinignan niya ang nakuha niyang litrato at biglang tumawa. His lips are curving perfectly as he's laughing his throat out dahil sa mukha ko. It's my first time to see this bright side of him. I always thought that he's a cold one. Masama ko siyang tinignan at lumapit.
"Hoooy! Patingin nga ako!!!" Sa pagsigaw ko noon ay tumakbo siya papunta roon sa mga cottages. Mukhang walang tao ang mga iyon dahil ginawang exclusive para sa opening.
YOU ARE READING
Stormy Weather
General Fiction" What is up people! Roxine here! Thank you for watching this video. If you haven't subscribed yet, click the subsbribe button down below, make sure to like this video, and check out the other amazing stuffs I do in this channel!! See y'all later by...