Chapter 15
Necklace
Nagising ako sa maingay na pagv-vibrate ng phone ko. Nasa gilid lang siya ng ulo ko kaya agad kong naramdaman. Mukhang kanina pa iyon ganon kaya agad kong kinuha.
Napapikit ako sa pagkasilaw nang tumapat ako sa aking phone. Nakita kong alas tres na. Papatayin ko na sana ang phone ko nang maalala ang dahilan kung bakit ko 'to binuksan.
25 missed calls.
Napadilat ang mata ko sa nakita. Agad akong pumunta sa call logs at nalaglag nalang ang panga sa nakita. 25 missed calls! Galing kay Raze lahat!
Buti nalang at may signal rito nang ganitong oras. Buti nalang talaga! Sana tumawag ulit siya. Wala akong load! Paano ko siya matatawagan pabalik?
Ang antok at pagod na naramdaman ko kanina'y nawala na parang bula. Agad akong bumangon at nagtungo sa banyo para tingnan ang sarili. Inayos ko saglit ang mukha ko. Wala na akong pakialam kung may pasok pa ako mamaya.
Siguro hindi na ako matutulog.
Narinig ko ang pagv-vibrate ng phone ko kaya halos liparin ko ang distansya ng banyo at ng kama ko para lang masagot iyon.
My heart starting to race as I read Raze's name. Siya ang tumatawag.
Agad ko iyong sinagot at tinapat sa aking tainga. I cleared my throat. "H-Hello?"
I sighed of relief is the first thing I heard. "Finally!"
"B-Bakit ka tumawag?"
Kinagat ko ang aking labi at inipit ang buhok ko sa aking tainga. Halos mabingi ako sa paninikip ng dibdib ko. Sa sobrang pagkabog ay ang hirap huminga pero ang sarap sa pakiramdam.
"I'm sorry..."he sighed again, frustrated. "Can we meet?"
That's what I exactly want. Nagdidiwang ako dahil sa naririnig ko. Hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag.
"Nasan ka ba?"I want to sound annoyed but damn. Hindi ko magawa. Para bang magpapatianod lang ako sa mga gusto niyang gawin.
"Outside your house. Pumunta ka na rito."namamaos pang aniya.
Nanlaki ang mata ko at agad na nilabas ang kwarto. Ilang oras na siyang nandiyan? Oh God, don't tell me, kaya siya tawag ng tawag dahil hinihintay niya ako?
Sinulyapan ko ang kwarto nila Papa at Tita Milda. Sarado na yun. Pati ang kwarto ni Kuya Cezar, sarado.
They wouldn't get mad at me for this right?
Para akong nawawalan ng hangin sa katawan iniisip palang na naghihintay si Raze sa labas. New waves of thoughts came inside of my mind. Bakit? Bakit siya nandito? Bakit siya na late? Tama ba ang hinuha ko na talagang may schedule siya sa mga babae niya?
Nang makalabas ako ng gate, nakita ko ang Ferrari niya sa kabilang kalsada. Nanlaki ang mata ko. Nakita ko siya na nakahilig sa sasakyan niya at nakatingin na agad sa akin.
Matamlay ang hitsura niya pero nang makita ako'y agad na siyang umayos ng tayo na para bang ginanahan. Agad akong naglakad patungo sa kaniya. Halos tumakbo. Buti nalang dahil walang dumadaan na sasakyan dahil alas tres na.
Suot niya ay grey na longsleeve na nakaangat hanggang siko tapos simpleng jeans lang. Bawat lakad ko patungo sa kaniya'y titig na titig siya na para bang nababagalan sa pagkilos ko.
Nang nasa harap niya na ako'y hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang nalunok ko ang sarili kong dila.
Ang mga mata niya'y pagod at para bang humihingi ng tawad. Siguro dahil ngayon lang siya.
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomansaCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...