Chapter 18
Phone
"Get in."malamig na aniya at nilawakan ang pagkakabukas ng sasakyan pero inis na hinawi ko lang ang kamay niya at masama siyang tiningnan.
"I'm taking a taxi. 'Wag mo akong mahawak hawakan!"singhal ko at akmang lalagpasan siya pero hinila niya ulit ang braso ko at sapilitang pinasok sa sasakyan.
"Bwiset!"inis na inis na sigaw ko at sinapak ang bintana ng sasakyan niya dahil hindi ko na 'to mabuksan para makalabas ulit.
Mabilis siyang pumasok sa driver's seat at pinaandar iyon. Masama ang tingin ko sa kaniya. Naiinis ako. Ang kapal ng mukha!
"Ibaba mo na nga ako! Naaalibadbaran ako sayo!"
Nilingon ko ang kalsada pagtapos ay sa kaniya ulit. Naghihintay na ihinto niya ang sasakyan.
"Sabi ko, ihinto mo ang sasakyan!"
"I said no one tells me what to fucking do!"
Napatalon ako sa pagsigaw niya at saglit na natahimik. Halos sapakin niya na ang manibela dahil sa sobrang inis sa akin.
"S-Sa akin din!"sigaw ko pabalik nang makabawi. "Ayokong tinatangay ako bigla!"
"Bakit?"he turned to me. "Nag-eenjoy ka roon?"
Kinabahan ako kasi panay ang lingon niya sa akin kahit nasa kalsada kami. Natatakot ako na baka bumangga kami.
"Ano naman kung nag-eenjoy ako roon?!"
Ang lakas ng loob ko dahil sa galit sa kaniya pati na ang epekto ng alak sa akin.
"Nag-eenjoy ka?!"hindi makapaniwalang aniya. "For God's sake, you're the only girl in the group. And obviously, they're hitting on you! Tapos nag-eenjoy ka?!"
Pulang pula siya sa galit. Gusto ko mang wag ng sumagot dahil nagmamaneho siya, ayaw ko rin naman magpatalo.
"You're hallucinating! Kaibigan sila ni Peterson! And even when they're hitting on me or not, wala ka ng pakialam doon! Don't act as if you're a jealous boyfriend!"
"Yes, I'm a jealous boyfriend!"
"You're not my boyfriend!"
"Okay! Then, I am jealous!"
Tumahimik ako.
"You're avoiding me for weeks and now–"
"Anong weeks?! Just two days."pagtatama ko.
"Who cares? Ngayon, umamin ka rin na iniiwasan mo nga ako?"
"Ano naman? Hindi naman kita boyfriend, hindi naman kita kaibigan–" Napatili ako nang mabilis niyang ipreno ang sasakyan na halos lumipad ang kaluluwa ko.
Inis na nilingon ko siya. Napahilot siya sa kaniyang sentido at nilingon ako. His bloodshot eyes is directed in me. Magkahalong pagod at inis ang nasa mata niya. At natatakot ako.
"Hindi mo rin naman ako boyfriend o kaibigan no'n, maayos naman tayo, ah?"saad niya gamit ang mahinahong boses. Halos tangayin ang galit sa puso ko dahil sa boses niya.
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. "T-That was before. Nagbabago ang tao. Nagbabago ang lahat."
Damn! My drunk ass needs to answer him seriously! Bakit sinasagot ko siya ng ganito?
Well, this is better, right? Kaysa naman sabihin ko sa kaniyang nagtatampo at naiinis ako sa kaniya.
"Nagbabago?"he asked mockingly.
Hindi ako kumibo.
"Bullshit."mura niya. "Nawala lang ako saglit para pumuntang Manila, ganito na? Gano'n kabilis?"
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
Roman d'amourCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...