"Palawan?!" sabay na sabi ni Mommy and Daddy. I just announced na I'll be going to Palawan. Napahinga nalang ako ng malalim. Alam ko namang ganito sila magrereact.
"Yes Mom. Yes Dad. Palawan." Isa isa kong sabi sakanila. Nakatitig silang dalawa sa'akin. Nagaalanganin.
"Why Palawan? P'wede namang overseas di'ba?" suhestiyon ni mommy na ikinailing ko.
"Hawaii? Paris? Los Angeles? Switzerland? Thailand?"
Umiling ako sa lahat ng binanggit niya. I've been to different places. At sa totoo lang, nakakapagod. Gusto ko dito lang sa Pilipinas. Ang tagal ko ring nanatili sa Los Angeles dahil doon ako nagtapos ng pag-aaral.
"Korea!" ani ni Daddy. Tumango tango naman si mommy. Napailing nalang ako. Ilang beses na akong nakapunta sa Korea. At isa pa, ang lamig masyado doon, ang dami ring tao.
I can clearly see that they are really convincing me to go somewhere else because of what happened years ago. Pero, sigurado na ako.
Hinawakan ko ang mga kamay ni mommy at ngumiti. "It's okay mommy, alam niyo namang paborito kong lugar ang Palawan e." I said making her feel assured. Palawan holds a special place in my heart.
"Let her be mom. Expert na sa paglalangoy 'yang si Ate kaya impossibleng malunod pa siya. Tsaka baka gusto niyang hanapin si Prince Charming'" sabi ni Blaise. Ewan ko ba dito, bigla nalang sumusulpot. Galit akong tumingin sakaniya. Ba't kailangan niya pang banggitin uli 'yon? I was still young that time! I mean, it's been years since I met him.
"What if I go with her? Di'ba? Sibling bonding! Ayos ba 'yon Ate? Mag surf tayong dalawa, tapos kakain, pero magkaiba tayo ng kwarto. Ayoko matulog kasama ka 'no. Over my dead hot body! Ano? What do you think, Mom? Dad? It's a great idea righ—"
"Blaise Ryder!" sabay naming sigaw making him raise both of his hands up.
"Oo nga sabi ko nga hindi p'wede. Isa akong bato, 'wag niyo akong kausapin." ani nito, at sumalampak sa may sofa.
Itinuon naman uli nila ang tingin sa'akin.
"Sigurado ka na ba? Mas okay rin kung isasama mo si Blaise." said mom.
"I'm okay, mom. Gusto ko lang ng oras para sa sarili ko. You both know what has happened these past few days." wika ko na ikinatango nila.
"Is that a yes then?" nagagalak kong tanong. Tumango silang dalawa sa'akin ng nakangiti making me hug them tight.
"Ew. Cringe." rinig kong bulong ni Blaise.
Pagkatapos 'non, nakatanggap ako ng tawag galing kay Maritess. My Personal Assistant for 3 years already. Naalala ko, isa pala akong model. Hindi naman ako gaano busy sa ngayon. Dahil nga sa mga nangyari, they suggested that I take a break first. Ang hindi nila alam, maeextend pa ng ilang araw. Weeks, rather.
"Claire! Tinatanong nila kung kailan raw balik mo. Ang daming nagrerequest ng interviews. Pati shoots. Hindi ko pa nasasagot dahil hindi mo sinasagot mga tawag ko. Nakailang dasal na ako, sa wakas sinagot mo na rin." ramdam ko na stressed na siya dahil sa'akin. She doesn't talk to me formally kasi matagal na rin kaming magkakilala.
"Tell them hindi p'wede. I'm about to announce something to you, panigurado matutuwa ka." I answered.
"You see, I'll be taking a long break. No guards, no family members, no assistants, ako lang. Mananatili ako doon for weeks, maybe 2." Hindi ito sumagot. For sure tuwang tuwa 'to kaya walang masabi.
"Okay.." mahina nitong sabi, napairap nalang ako. I was near to ending the call ng bigla siyang nagsalita in an excited voice.
"Ingat Ma'am! Padala ka pasalubong! Mamimiss kita!" Oh di'ba. Natuwa nga."Whatever, Maritess." I said with a laugh then ended it.
Hindi pa alam nila Sean and Mozelle ang tungkol dito kaya kailangan ko pa sabihin sakanila. Ayaw ko rin namang kumalat dahil baka maging usap usapan na naman.
I texted the both of them, natanggap na nila ang mensahe ko pero wala silang sinagot. Nandito ako ngayon sa kwarto. Nagkalat ang mga damit ko, malapit na rin ako matapos sa pagimpake. Minutes passed, narinig kong bumukas ang gate. May bisita ata.
Tinawag naman ako ni Aling Misty, mga bisita ko raw. Dali dali akong bumaba. Nang makarating ako sa sala, bumungad sa'akin ang seryosong mukha ni Sean at Mozelle. Itinutok nila sa'akin ang kanilang cellphone, sa screen nito ay kita ko ang message ko sakanila.
"Explain." they both said in sync. I rolled my eyes and told them to go follow me in my room.
"Hindi ba talaga kami p'wede sumama?" tugon ni Mozelle pagkatapos. Tumango na lamang ako.
"Ba't naman ganon Kamilah, nakakatampo naman." singit ni Sean at ngumuso pa sa harap ko.
"Don't worry Sean, masasamahan naman natin siya sa airport. Bukas na ba talaga ang alis mo?"
I responded with another nod. "The earlier, the better. Once na pagbalik ko ang dami na ulit gagawin. I'll be busy as usual." ani ko.
"Don't you think you're bringing a lot?" tanong ni Sean habang nakatitig ito sa tatlong baggahe na nakalagay sa sahig.
"Grabe, tatlong bagahe! Mukhang ang bigat ng mga 'yan. Tingin ko kailangan mo ng tulong." sambit nito sabay taas baba ng kilay niya sa'akin. Napasinghal nalang kaming dalawa ni Mozelle.
Since bukas na ang alis ko, dito matutulog si Sean at Mozelle. Katabi ko si Zelle habang sa guest room naman natulog si Sean.
It was 3:00 AM when my alarm rang. With heavy eyes, unti unti akong bumangon. Mahimbing pa ring natutulog si Mozelle. I then went to the bathroom and decided to go down stairs para makakain na ako ng maaga.
Pababa palang ako ng hagdan nang may marinig akong naguusap sa kitchen.
"If only I can, pero alam ko sa sarili kong wala akong karapatan." said Sean, enough for me to hear. My eyebrows crossed, not knowing what he meant. Hula ko na si Blaise ang kausap niya kaya unti unti akong nagtungo sa kusina.
Doon ay bumungad sa'akin ang gulat na si Blaise na napatingin pa kay Sean, na ngayon ay nakatingin sa'akin.
"Gising ka na agad?" tanong ni Blaise. Naupo naman ako sa tabi ni Sean, "Hindi ba ako dapat magtatanong niyan?" Blaise shrugged his shoulders as a response. I then looked at Sean who was still staring at me.
"What?" I mumbled.
"Si Zelle?" tanong nito with a serious expression plastered on his face. "Still sleeping." I answered.
Nabasag ang katahimikan nang biglang pumasok si Aling Misty holding two bowls in her hand. The aroma made my stomach growl. Nauna na akong kumain while Sean and Blaise continued talking. Minutes passed, Mozelle entered the kitchen with her hair all tangled, may pagkakulot kasi ang buhok niya. With her eyes still sleepy, she headed to the bathroom.
Isang oras bago kami matapos lahat sa pag-aayos. All our bags are in the van already. Pagpapaalam nalang ang kulang. Mom and Dad looked at me with worried eyes while Blaise looked sleepy. We're now in front of our gate. Nasa loob na ng van si Sean at Mozelle, pati na rin ang driver.
"Keep safe, darling. Don't do anything ridiculous okay?" mom said as she hugged me tight. Yinakap na rin ako ni Daddy while Blaise only tapped my back. I kissed them by the cheek and gave them a smile. Blaise gave me a disgusted look kaya binatukan ko ito. By that, I went inside the van and the three of us waved our hands to say goodbye.
30 minutes bago kami nakarating sa Airport. I checked in and handed over my luggages. While waiting, we decided to buy some snacks and take pictures together. It was already 5:30 AM when it was time for me to go. With a smile, I hugged them both.
"Update mo kami when you get there." ani ni Mozelle, tumango naman ako. Sean looked at me with sad eyes making me smile at him to let him feel at ease. Kumaway ako sakanila, kumaway din sila pabalik. I jokingly blew a flying kiss towards them and then at last, I went inside the plane.
This is it. It's finally it. Today marks the start of my escape.
I leaned my back on my seat as I stared at the clouds outside the plane's window.
Wait for me, Palawan.
BINABASA MO ANG
It Led Me to You (Destiny's Game Series #1)
Romance"Destiny will always let us meet unexpected people at the most unexpected time. I was at my worst when I met you and you met me. Who knew we'd meet again?" At a young age, Claire Kamilah Chavez lived a life everyone wanted. While Liam lived a life...