Unseen by you

3 0 0
                                    


Ito na naman ako sa ilalim nang puno nakatambay habang tinatanaw ang kababata kong si Claire Helena Cruz. Nakukonteto na lamang ako na pagmasdan siya sa malayo at titigan ang mga matatamis niyang ngiti na alam kong hindi para sa akin. Sa ganda niya marami ang nagkakagusto sa kanya. Hangang tingin na lamang siguro ako.

Hindi alam kung kelan o saan nangsimula yung nararamdaman ko para sa kanya, nagising na lamang ako na nais Kong masilayan ang kanyang mukha at marinig ang kayang tinig na isang musika sa aking tainga.

Ang singkit niyang mata, matangos ngunit maliit na ilong, maninipis na labi, mahabang pilik mata, at tamang kapal na kilay. Lahat nang kanyang features ay nakakabighani para sa akin. Napapangiti na lamang ako habang inaalala ang kanyang imahe sa aking isipan.

Ngunit heto ang reyalidad na nagpagising sa akin, ang tanawing nasa harapan ko. Nilapitan nang isang lalaki si Claire at hinagkan ito sa noo sabay abot sa isang kumpol na bulaklak na naghatid nang nakakasilaw na ngiti sa kanyang mukha. Ito ang isang sampal nang katotohanang malapit nga siya ngunit mahirap namang abutin.

*Flashback*

"Hanzel!" Masiglang bati ni Claire sa akin habang papalapit siya, kaya nginitian ko naman siya ng malapad.

Napagkasunduan namin na magkikita kami dito sa park dahil pariho kaming mayroong gustong sabihin sa isa't isa. Nangtuloyan na nga siya makalapit ay bigla na lamang niya akong ginawaran nang isang yakap. Nagulat ako at hind makagalaw.

"Hanzel uy!" Napabalik ako sa ulirat nang pinitik niya ang noo ko.

"Aray! Ang sakit ha, nasasanay ka na talaga na ginaganito ako" pagrereklamo ko, pero tumawa lang siya. Ayan na naman ang tawa niya na tila musika sa pandinig ko.

"C-Claire... May s-sasabihin sana ako sayo" kinakabahang sabi ko. Kahapon ko pa ito pinaghandaan para masabi lang sa kanya kaya ako nakipagkita.

"Ako din!" Masayang sambit niya.

"May aamin ako sayo!" Matapang na sabi ko.

" Ano? Na bakla ka?" Pabiro niyang sabi at humagalpak nang tawa. " Alam ko na yun sus nahiya ka pa hahhaha" pagpapatuloy niya.

"Hindi... K-kasi ano" pag-aalinlangan ko, hindi ko kayang bigkasin at hindi ko alam saan ako huhugot nang lakas na umamin.

Sweet kasi si Claire sa akin, actually sweet kami sa isa't-isa lalo na at magkababata kami. Ngunit nararamdaman ko na may pag-asa ako sa kanya dahil nagseselos siya tuwing may napapalapit na babae sa akin. Natutuwa ako tuwing nagseselos siya at ang cute niya talaga kapag nagseselos.

Ngumiti ako sa kanya...
"Ma-mahal-"

"Anong mahal? Ang ano? Haha na pano dila mo bat ka nauutal tsk." Pagputol niya sa sinabi ko.

"Ako na nga mauuna mag-share kasi baka di kapa handa sa sasabihin mo" pagpapatuloy niyang sabi.

" Hindi gusto ko ako" sabi ko, natatakot kasi ako baka kung ano sabihin niya parang may pumipigil sakin at ayaw marining kung ano man ang lalabas sa bibig niya.

"Sinagot ko na si Cyrus!!! Kyyyaaaahhhh!" Pagtili niya dahil sa tuwa. Bigla na lamang bumagsak ang aking balikat at napabuntog hiniga.

"Mahal kita" pabulong ko.

"Ano? Huy lakasan mo nga boses mo di ko marinig"

"Wala, sabi ko congrats" ngumiti ako nang pilit sa kanya.

" Hindi ka ba masaya para sakin?" Pagtatampo niyang sambit.

" Masaya ano ka ba" ngumiti ako para ipakita na totoong masaya ako.

Ngunit yung sakit na nararamdaman ko ay di ko na kaya. Parang pinipiga na ang puso ko at di na ako makahinga.

"Ahh Claire uli na pala ako" nagmamadali akong tumalikod sa kanya.

"Huy! Wait lang! Di mo pa nasasabi yung sasabihin mo! Ang daya" pagsigaw niya dahil medyo malayo na ako sa kanya.

"Natatae ko!" Pagsigaw ko pabalik sana hindi niya mahalata ang basag kong boses.

"Haha ang dugyot mo talaga!" Paghalakhak niya.

Nagkulong na lamang ako sa kwarto ko nang makauwi ako at tumulala. Hindi ko namalayan na may tulo na parang luha sa aking mata.

"Ahaha ano ba to ang bakla ko talaga tama nga si Claire" natatawa ngunit nasasaktang sabi ko.

-end of flashback-

Simula nun hindi ko na tinangka pang sabihin ang nararamdaman ko dahil nakikita ko namang masaya na talaga siya kay Cyrus. Ayoko namang sirain kung anong meron kami. Masaya na ako na nakikitang ngumingiti siya at masaya.

Nasasaktan ako kasi umasa ako na may kunting pagtingin din siya sa akin ngunit wala pala. Mas masakit pala talaga pag-umasa tayo sa wala. Ako naman yung palaging nasa tabi niya pero hindi ako yung nakikita niya at hindi ako yung hinahanap niya.

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa ilalim ng puno at napagdesisyunang umalis na rito. Hindi ko na kaya pang makita siyang masaya kasama ang ibang lalaki, na sana ako nalang yun. Sana ako na lang yung mahal nya.

Hangang dito na lang siguro, dito ko na iiwan ang lahat nang nararamdaman ko at ibaon na lamang sa limot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unseen (One Shot Story)Where stories live. Discover now