Chapter 4

249 8 0
                                    

"Nanay babalik na po ako sa Mansyon. Kailangan ko pa ho kasing tulungan si Manang Salud."

"Ay sigi 'nak. Babalik na rin ako sa Manggahan."

"Sabay na ho tayong lumabas nay' hatid ko na ho kayo sa manggahan."

"Ay nak wag na at baka makita mo pa doon si Samuel. Alam mo naman ang batang yon may gusto sa iyo. Baka di ka niya paalisin sa mnggahan."

Si Samuel Alfonse Aragon yun. Kasing tanda ko lang sya, 13 y.o. pero mag-1st year pa lang sya sa pasukan.

Tulad ng siabi ni nanay manliligaw ko si Alfonse. Pareho si nanay at si Manang Ludy, nanay ni Alfonse na sa manggahan na ka-assign kaya sa manggahan din tumutulong si Alfonse.

"Sigi ngaro nay' direcho na ho ako sa mansyon."

"Sigi nak."

-MANSYON-

"Ay naku mabuti at dumating ka na Ava! Naku kunin mo itong listahan at pumunta ka sa bayan. Bilhin mo ang mga ito. Ito ang 1500 bahala ka na ne. "

"Manang Salud bat ho kayo aligaga. Bakit ho kasi kare kare ang iluluto nyo?"

"Ay nakow ito kasi si señorito Wess dadalhin daw dito si Clandine mamaya. Nagpaluto ng kare-kare. Nakow wag tanong ng tanong pumunta ka na ng bayan"

"Oho"

Tinawag ko si Manong Jose para ipagmaneho ako papuntang bayan. Para mas mabilis daw sabi ni Manang Salud. Si manong Jose ang main na driver ng mga de Silva. Asawa sya ni manang Salud.

Clandine Allison Villegas. Sino ang hindi nakakakilala sa kanya dito sa amin? Siya lang naman ang unica hija ni Mayor Villegas.

Sa school sya ang laging nananalo bilang Miss SCU. Cheercaptain, honorstudent, president ng isang club at model pa sya. Hay nako higit sa lahat girlfriend sya ni Wess.

Wess Zachary de Silva. Panganay na anak ng pinakamayaman na tao sa Pilipinas, Si señor Zach at ng isang kilalang modelo si señora Amelia. Successor of chains of hotel and restaurant all over the world.

Lagi syang nananalo ng Mr. SCU. Super talino niya. Valedictorian during elementary and highschool kaya sya naelevate. Captainball ng Leopards. Modelo sya up until now. And of course super gwapo.

Match made in heaven daw sila. Oo naiinggit ako.

"Ava, andito na tayo sa palengke. Napasarap nanaman ata yang pananaginip mo."

"Si manong Jose talaga oh. Alam ko ho nasa paelngke na tayo. Hihintayin niyo ho ba ako dito o sasama na kayo para may tagabuhat ako?"

"Aba't ginawa pa akong tagabuhat ng batang ire."

"Hahah. Loko lang ho baka isumbong niyo ako kay manang Salud ha."

"Nakow. Isusumbong talaga kita pag di ka pa bumaba."

Makababa na nga at nang hindi kami mapagalitan ni Manang.

Habang naghahanap ako ng mga nakasulat sa listahan, ahagip ng mata ko ang isang pigura. Naghahalikan sila.

"Si Clandz ba yun? Oo si miss Clandz nga. Pero bakit parang hindi naman si Wess yung kahalikan niya?"

0.o






















Yung picture po ni Ianne nung nakita niya si Clandz
Chapter 4 is done..  thank you for reading

-carmela-

Next to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon