𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 19

286 10 0
                                    
















LYLLO'S POV

"How's life, Dos?" Naka- ngising tanong ni kuya habang kumakain ng tocino.

Umirap lang ako at tiningnan silang lahat. Katabi ko si Kuya kaya nasa harap ko si Rohan naka- upo. Nasa dulo naman si Red at naka- ngiti lang din na kumakain. Tinulak ni Rohan ng konti ang lalagyan ng sinangag papunta sa'kin.

"Fine." Maikli ko'ng sagot.

"Hey," Naglagay si Rohan ng mixed vegetables sa plato ko, pati na rin ang hotdogs at bacon. Pinanood ko siyang gawin 'yon habang nagsasandok ako ng sinangag.

Kunyari ay wala akong pakialam sa kinikilos ng kaharap ko, kahit na ramdam ko ang titig ni kuya at Red sa gilid namin. Binalewala ko 'yon at nagsimulang kumain. Tumawa si Kuya.

"Bini- baby ka pa rin ni Rohan," aniya na nagpairita sa'kin. "Laki- laki mo na, e."

"Kuya!" Sabi ko.

"Shut up," Tatawa- tawa namang sabi ni Rohan na kumakain na rin.

Gusto ko'ng mag earphones dahil sa bibig ng katabi ko, walang tigil sa pang- aasar sa'kin at hindi niya napapansin ang pagiging bad mood ko. Naalala ko ang antok ko na dapat ay iniintindi ko pa rin hanggang ngayon. Ang aga- aga naman kasi gumising ng mga 'to.

"Ba't ang aga- aga nandito na kayo?" Masungit na tanong ko.

"Nauna ako rito, sumunod lang si Rohan sa'kin." Sagot agad ni kuya. Tiningnan ko siya.

Ang aga- aga pero ang damit niya ay pang- opisinang damit. Si Rohan naman ay t- shirt na puti at naka pantalon na itim. Si Red naman ay bihis rin, mukhang maaga ang alis.

"Joke lang." Bawi ni kuya at uminom ng kape niya. "Pumunta kami rito para dito na mag breakfast, wala ka daw kasing pasok sabi ni Rohan, e. Hindi rin naman ako magtatagal," Nakita ko'ng sumulyap si Kuya kay Red.

Tumingin naman ako kay Rohan, naubo ako dahil nakatitig na pala siya sa'kin at mukhang nag- aantay na tingnan ko rin siya. Ngumisi ito sa'kin.

Alam kaya ni kuya na nililigawan ako ni Rohan? Yumuko ako at nagpatuloy sa 'pag kain. Nagsasalita pa rin si kuya.

Hindi ko rin naman kayang sabihin kay kuya ang namamagitan sa'ming dalawa ng kaibigan niya, nahihiya ako na asarin niya 'ko dahil kaibigan niya na ngayon ang nanliligaw sa'kin, siyempre magku- kwento si Rohan sa kaniya sa tuwing magkikita kaming dalawa. Lalo pa 'kong aasarin ni kuya.

"Ikaw ang mag hugas," Inabot ni Rohan ang patong- patong na plato namin kay kuya na nakasimangot.

"Mukha ba 'kong taga- hugas ng pinggan?" Si Kuya. Tumawa si Red.

"Ako ang nagluto,"

"Oh, ano naman?"

Humalakhak ako at tumayo, "ako na!"

Sabay nag react ang dalawa kaya mas lalo akong natawa. Si Red din ay nagsalita.

"Ako nalang." Tumatawang sabi niya. Nagprotesta si kuya at hinila ang mga plato palayo sa kaibigan ko. Ngumisi lang ako sa dalawa.

Mabilis ko'ng kinuha ang mga pinggan at lumakad sa lababo, mabilis na sumunod si Rohan sa'kin habang nagpo- protesta din.

"Baby, let me do that." Bulong niya sa'kin. Halos mabagsak ko ang mga pinggan dahil sa gulat.

"K- kaya ko na 'to."

"Ako na." Ngumisi siya at hinawakan ang dalawang balikat ko palayo sa lababo. "Tamad ang kuya mo."

THE WILD'S DEEPEST AFFECTION (BURNING LOVE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon