Chapter 2

358 20 0
                                    


Unedited

"OPLAN: Paibigin si Aaron?" balik tanong ni Valeen kay Dominique matapos niyang sabihin sa mga ito ang plano niya kung paano niya papaibigin si Aaron. Kasama niya ang mga kaibigan at kapwa modelo ng BMF.

"You're crazy." Dagdag na wika pa ni Valeen na nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis ng sulyapan niya ito.

"Yes. I'm crazy, madly and deeply in love with Aaron." Sabi niya kay Valeen na nakangiti.

"Pareho kayong dalawa ni Emmanuelle. You're both perfect example of hopeless case." Iiling na wika ni Valeen. Well, kung siya ay may Oplan: Paibigin si Aaron. Si Emmanuelle naman ay may Oplan: Ibalik ang tamis ng dating pag-ibig ni Lawrence—ang dating kasintahan nitong nawalay rito ng isang taon na rin ang nakakaraan.

"Bakit niyo ipinipilit ang sarili niyo sa taong ayaw sa inyo?" si Valeen pa rin.

"Bakit ikaw? Hindi mo ba naranasan ang maging tanga sa larangan ng pag-ibig?" nakataas ang isang kilay na tanong niya kay Valeen. "Lahat ng taong umibig, nakaranas niyon." Dagdag pa na wika niya.

"I did." Ang isa namang kilay ni Dominique ang tumaas ng marinig niya ang sagot ni Valeen. "Nasubukan ko ng magpakatanga sa larangan ng pag-ibig. Pero ano ang nangyari? Nasaktan lang ako. Sinaktan lang nila ako." Pagpapatuloy ni Valeen.

Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang natigilan din ang mga kasama niya na nasa loob ng kwarto at napansin din niyang lahat ng atensiyon ng mga ito ay napatuon kay Valeen. "What happened?" hindi niya napigilan ang itanong iyon sa dalaga. Tulad ni Dominique, alam niya na gusto ding malaman nina Yvonne, Maggie at Emmanuelle kung ano ang nangyari sa buhay pag-ibig ni Valeen. Gusto nilang malaman kung bakit bitter ito kapag love na ang pinag-uusapan. Sa kanilang lima kasi ay ito lang ang hindi naniniwala na may nag-e-exist na salitang love. Nahinuha din nila na baka nasaktan si Valeen noon kung bakit ito bitter pagdating sa salitang love. At mukhang tama sila sa sapantaha. Nasaktan nga si Valeen noon ayon na rin sa sinabi nito sa kanila ngayon.

"May mga bagay na ibinabaon na sa limot, Dominique." Ngumiti ng mapait sa Valeen. "At kapag ibinaon ko na ang isang bagay ay hindi ko iyon hinuhukay, hindi ko na binabalikan." Dagdag pa na wika nito na sinabayan nito ng tayo. "Uhm, excuse me. Restroom lang ako." Paalam nito. Nasundan lang naman ni Dominique ng tingin si Valeen ng pumasok ito sa loob ng restroom.

"Kailan kaya mag-o-open sa atin si Valeen tungkol sa nakaraan nito?" napasulyap si Dominique kay Maggie ng marinig niya ang tanong nito. Matagal na rin ang pagsasamahan nilang lima. Simula no'ng binansagan silang Runway Girls ay nabuo ang pagkakaibigan nilang lima, pero sa tagal na panahon na magkasama sila ay hindi nag-o-open si Valeen sa kanila tungkol sa nakaraan nito. Gusto din naman niya—nila na malaman kung ano ba ang talaga ang nangyari noon rito kung bakit ito bitter sa usaping pag-ibig pero nanatiling tikom ang labi ni Valeen.

"Huwag niyo na lang pilitin iyong tao kung ayaw niyang mag-open. Hintayin na lang natin si Valeen na kusa siyang magkwento." Singit ni Yvonne.

"Okay." Sabi ni Maggie. "By the way, kamusta naman kayo ni Kuya?" tanong ni Maggie kay Yvonne.

Napangiti siya ng makita ang pagpaikot ng mata ni Yvonne. "Iyon bweni-bwesit na naman niya ako. And I hate him for that." Sabi ni Yvonne.

"The more you hate, the more you love daw." Singit ni Dominique sa usapan ng dalawa.

Lihim na namang napangiti si Dominique ng muling ipinaikot ni Yvonne ang mga mata nito. "May sinasabi ka Dominique?" sabi ni Yvonne ng sulyapan siya nito.

Nginisihan lang naman ni Dominique si Yvonne. "Ang sabi ko, ingat-ingat ka baka ma-in-love ka kay Kirk Justin."

"Hindi iyon mangyayari. Over my dead, sexy and beautiful body! As in never!"

Runway Girls 2: Dominique ToledoWhere stories live. Discover now