Chapter Three

0 0 0
                                    

Nakapangalumbaba lang si Janine habang pinapanood ang pag-eensayo ng kanilang drum and bugle corps. Nasa school gymnasium sya, nakaupo sa isang bench, pinagtitiisan ang di kanais-nais na view ng mga galawgaw na majorettes, hindi sabay-sabay na flaglets, at wala sa tonong drummers at lyrists.

She was thinking that their school had the worst drum and bugle corps ever. Lousy, dull, boring and all. Pati uniform at props, bukod sa baduy, ay cheap. Sa totoo lang ay wala naman talaga syang balak na pumunta dun kung hindi lang sya pinilit ng magaling nyang best friend.

"Sigurado ka ba sa ginagawa natin ngayon Alex?" Katabi nya ito na hindi naaalis ang tingin kay Olivia—ang mother majorette, ang muse ng Fourth Year Baltazar, ang may hawak ng titulong Patnubay ng IHMA, at ang dahilan kung bakit alas-sais na ng hapon ay nasa eskuwelahan pa din sila.

"Oo naman," seryosong sabi nito. Napupusuan kasi nito si Olivia at nakiusap ito sa kanya na hingin ang cellphone number ng babae. At dahil mother majorette, hindi na nya kailangang i-enumerate pa ang mga magagandang katangian nito na duda nya ay puro panlabas lang. "Mukha ba akong hindi seryoso? Mahal ko na yata sya eh."

Corny pero bahagya syang nasaktan. "Ipagpabukas na lang kaya natin to? Madilim na kasi at baka hinahanap na din ako sa bahay."

"Sabado bukas."

"Hello, may practice kaya ang BDC kapag sabado. At kahit Sabado, may reporting naman ako ngayong Lunes. Sige na please?"

"Nangako ka sakin Janine." Seryoso nga ito.

Hindi na nya ito kinulit pa. Wala syang choice kung hindi pumayag na lang din dahil kung tutuusin, mas maraming pabor ang nagawa nito sa kanya. Bukod kasi sa pagiging best friend ay role din nya ang pagiging tulay sa mga nilalandi nitong babae.

Napangiti sya nang makadama ng kirot sa kanyang puso. Tsaka nya lang napagtanto na si Olivia ang unang babaeng pinakitaan ni Alex ng katorpehan. The Alex she knew was cocky. Hindi torpe, hindi takot, hindi nahihiya. Espesyal siguro sa kanyang kaibigan si Olivia. Why not? They were perfect fit even though Olivia was sort of a bitch.

Simula nang i-label nya ang sarili na "best friend" nito ay nasanay na sya sa mga babaeng nauugnay dito. Pero bakit ganun nasasaktan pa din sya? Hindi pa pala sya immune sa broken heart. Naisip nyang wala palang pinagkaiba ang pagmamahal nang palihim sa pagkakaron ng pigsa. Habang tumatagal ay mas nararamdaman mo ang hapdi at ang sakit.

Another downside of falling in love for your best friend hindi ka pwedeng magreklamo kung gagawin ka nyang tulay dahil sa simula't sapul, yun lang naman talaga ang role mo sa kanya bilang kaibigan, maliban sa special roles ng pagiging study buddy, panakip-butas, at shock absorber. Hindi ka din pwedeng magreklamo dahil baka mahalata ka nya na labis mo namang ikinakatakot. Hindi ka pwedeng magreklamo dahil wala ka namang karapatan in the first place.

Bago nya makalimutan, a major no-no pa din pala ang umasa.

Crazy In Love Where stories live. Discover now